Chapter 36: This is not the time

1.4K 30 2
                                    

Naglalakad ako dito sa hallway at alam kung ako na naman ang usap-usapan ng mga tao dito.

Bakit ba? Mukha ba akong maganda para pagselosan nila?

I know, may boyfriend ako na hindi ko deserve pero magaganda lang dapat ang kinaiinggitan right??

"Hey you. Stop there, Slut." boses ni Amanda yun.

Hindi ako lumingon. Bakit slut ba pangalan ko.

"I told you to STOP!" galit na siya. Hinila niya yung manggas ko. Huminto ako bago pa mapunit yun.

"Bakit na naman?" Inayos ko yung damit ko.

"Ayos ka. So nakikipaglandian ka na kay Micko and it's official? Ang kapal mo din ano?" mahina yung boses niya dahil may mga teachers na dumaan ayaw niya masira image niya.

"Wala akong ginagawang masama." Hindi niya ako hinayaang makagalaw dahil gusto ko nalang umiwas.

"Stop playing okay? Hindi bagay sayo. Then, nakikipaglandian ka pa doon sa gardener na yun?" sa tono ng pananalita niya paran diring diri siya.

"Hey, wag mo ngang matawag tawag na gardener si Dong. Allan ang pangalan nun!" naiinis ako dahil sa tono niya na mukhang nangmamaliit.

"Oh so killala mo pala siya? Just hope na hindi malalaman ni Micko na nilalandi mo silang dalawa."

I waved my hand infront of her face. "Tama na."

Iniwan ko na siya. Wala na. Hindi na siya magbabago.

"Let's see kung paano mo ipapaliwanag kay Micko." sabi niya pero naririnig ko pa rin siya.

Dumiretso ako ng lakad.
Bakit ano bang dapat kong ipaliwanag?? Wala naman kaya bakit ako magpapaliwanag.


"Hey! Dang!"

Napalingon ako at sumalubong sa akin ang ngiti ng aking kababata.

"Kumusta?" Nilapitan niya ako at ginulo niya ang buhok ko.

Ginulo ko rin tuloy yung buhok niya.

"Kumain ka na?" Tanong ko. Umiling siya kaya niyakad ko siya. "Tara ililibre na kita."

Huminto siya. "Busy ako, Dang. May inuutos yung babae sa akin."

Binitiwan ko siya. "Ah ganon ba?" Nadismaya ako. Humahanap lang naman ako ng tyempo kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na lumalablayp na ako.

Paniguradong tatawa siya at hindi maniniwala.

"Kung gusto mo samahan mo muna ako. Aayusin ko lang yung mga ilaw sa stock room. Dalawa lang naman ilaw doon."

Nag-OO nalang ako. Mabuti nalang at may klase si Micko ngayon.

Baka kung ano pang isipin non.

Sa stock room..

"Okay na!" Pababa na siya ng hagdan.

Nakasandal ako sa mga boxes na matatagpuan sa loob. Pumalakpak ako. "Mabuti naman. Akala ko dito na ako matutulog"

Nangamot siya ng ulo. "Sorry na bestfriend."

Ako ang unang humakbang papuntang pinto. Siguro mga 5 hakbang nalang nang biglang may bumagsak mula sa itaas na timba ng tubig. Nakaiwas ako pero ramdam ko na nabasa yung uniform ko.

Napasigaw ako. "Dong, yung pinto."

Huli na. Naisara na nila yung pinto. At hindi na kami makakalabas.

"Sorry. Sino ba ang mga iyon?" Nagtatakang tanong niya.

"Mga bully. Mga epal ganon."

Tumayo ako at grabe sobrang basa ng damit ko.

"Huhubarin ko nalang yung uniform ko may sando naman ako sa loob." Wala namang malisya ito sa amin. Magkaibigang likas talaga kami.

"Oo sige. Oh" Hinubad niya yung t-shirt niya at binigay niya sa akin. "Yan nalang muna suotin mo"

Kinuha ko yung t-shirt at nginitian ko siya. "Ang bait mo talaga."

Tumalikod na siya para makapagpalit ako ng damit.

Tapos.

Biglang bumukas yung pinto, mabuti nalang at nasuot ko na yung t-shirt.

"Tine! Nandito ka---"

Napahinto si Micko sa gusto niyang sabihin. Tumaas ang kilay niya at tinitigan niya si Allan ng matagal.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. "Mabuti nalang dumating ka akala---"

"Sino siya? Saka bakit nakahubad yan?" Napatitig siya sa akin at hinaltak niya yung manggas ng damit ko. "Saka hindi to sayo?! Kanya ba to?!"

Nakikita ko yung galit niya.

Hinawakan ko yung kamay niya. "Wait. Mali ang iniisip mo. Hindi mo ba ako kilala?"

Binitiwan niya ako.

"Let me explain." pabulong na sabi ko.

"Okay."

"Siya si Allan. Kababata ko, nagtatrabaho siya dito bilang gardener. Ako lang ang kakilala niya kaya tinutulungan ko siya." Mukhang hindi pa rin siya naniniwala.

"Then?"

"Ah itong damit? Binully ako okay? Binuhusan na naman ako ng tubig nung mga babae na iyon. Kaya nagpalit ako ng damit."

Nagbago na yung expression ng mukha niya. "Really? Nasaktan ka ba?" Kinapa niya yung ulo ko. Pati buong mukha ko.

"Hello? Nandito pa ako." Naalala ko si Dong. Nilingon ko siya. Hindi pa rin siya nginingitian ni Micko.

"Dong, siya si Micko boyfriend ko^^" Nag-peace sign pa ako sa harap niya.

"Weh?!" nanlalaki yung mata niya.

"Bakit hindi ka naniniwala?" nakisali sa usapan si Micko. Nakurot ko tuloy siya sa tagiliran.

"Hindi naman. kasi dati nung mga bata pa kami---"

"Cut the childhood memories." Nasiko ko si Micko dahil sa sinabi niya.

"Micko!"

"Wow. Gwapo siya. Nice meeting you." Nilantad niya yung isang kamay niya at naghahantay siya ng shake mula kay Micko.

Nakipag-shake hands naman siya pero hinigpitan niya. Mukhang nasaktan si Allan.

Pinaghiwalay ko yung kamay nila dahil mukhang walang balak si Micko.

"Pasensya ka na galit lang yan sa mas gwapo sa kanya. Tara sabay-sabay na tayo mag-lunch." Niyakad ko na si Micko palabas.

Kaya lang bigla akong napahinto. "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Nag-iwan ka ng note. Nagpanic ako nung nakita kong nakasara itong kwarto kaya sinira ko." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Mahal niya talaga ako.

Nilusot ko yung ulo ko sa braso niya. "Talaga? Pero hindi ako ang nag-iwan ng note na yon. Malamang napagtripan na naman tayo."

Nagsalubong yung dalawang kilay niya.

Inalis niya yung kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

Naghubad siya ng damit sa hallway.

Tinuro niya yung banyo.

Nakanganga ako.

"Palitan mo yang damit mo. Meron pa ako sa locker na damit. Ito nalang muna gamitin mo." Inabot niya sa akin yung t shirt niya at kinuha niya sa kamay ko yung damit ko na basa.

"Okay... Wait lang Dong at Micko." Paalis na ako nang marinig ko siyang bumulong.

"Una talaga siya bago yung pangalan ko. Tsss."

Natatawang iniwan ko silang dalawa. Wag naman sana silang mag-away.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon