Ina’s POV
Mahirap maghabol sa taong hindi alam na may naghahabol sa kanya diba? Ayun ang ginagawa ko ngayon, medyo nahihirapan lang ako maglakad dahil menyo may kalakihan ang aking katawan.
Kanina pa kaya ako sumusunod kay Samuel, buti na nga lang kahit papaano nagkakasya ako sa pinagtataguan kong lugar. Haha, ang hirap maging malaki.
Napahinto siya kaya huminto na rin ako kaya lang nagtago ako sa may gilid ng poste at sinuot ko yung hood ng jacket ko na may ears ni mickey mouse.
Tiningala ko yung lugar at nagulat ako sa nakita ko. Alam niyo kung ano?
Coffee shop. Akala niyo kung ano na naman? Kayo talaga oh.
Pumasok siya sa loob kaya ako naman tumingin muna sa paligid ko. Baka mamaya may makahalata na nagfifeeling stalker na naman ako.
Tuluy-tuloy akong pumasok sa coffee shop. Dahil kilalang-kilala ko ang kanyang figure mabilis na nalaman ko kung saan ako dapat na umupo. At siyempre dapat malapit sa upuan niya.
Wala pa rin siyang pinagbago, napaka gwapo niya pa rin. At mukha pa rin siyang mabait. At siyempre hindi niya pa rin kinakalimutang dalhin yung gitara niya, lagi niyang sukbit. Bakit kahit na sobrang tagal na naming hindi nagkita parang hindi pa rin nawala lahat ng nararamdaman ko? ayan na naman ako umeemo na naman ako eh.
“Hi, Samuel right?”
Napakurap ako. San galing yon?
Shet, yung nagsalitang babae nakaupo na sa tapat nung inuupan ni Samuel. Laslas na.
“Yes. Upo ka.” Medyo bastos din to si Sam? Tama bang huwag alalayan yung babae sa pag-upo? Medyo mukha pa namang rich kid yung babae tapos mukha pang mahinhin. Pero bakit parang natautuwa pa ako? Ang sama ko.
“Hi, I’m Valerie. Nice meeting you.” Sab nung babae kay Sam. Nakalahad pa yung palad para makipag-shake hands kaya lang hindi tinggap ni Samuel. Natawa na naman ako.
Lalo ko pang nilapit yung tenga ko para marinig ko ng maayos yung pinag-uusapan nila.
“Miss, may order po kayo?” Nagulat ako sa nagsalita, bigla ko tuloy naalala na nasa coffee shop ako. Nginitian ko si kuya waiter, infairness may itsura siya ah.
“Sorry. Sige yung pinakamasarap na kape nalang ninyo.” Muli kong binalik yun tenga ko sa pakikinig kila Samuel.
“Miss, iyon lang po ba?”
“Oo na sige na. Umalis ka na.”
“Ayy sorry po kung nakaka-istorbo.”
Biglang napakurap ako, hindi pa pala umaalis yung waiter. Inakala pa na siya yung sinasabihan ko. Lol naman oh, ayaw pa kasi umalis eh.
“No. No. Hindi ikaw ‘yon. May naisip lang ako. Sige 3 nito, apat nito, sampu nito. Sige bye bye.” Hinawi ko na yung waiter palayo. Istorbo naman mga tao ngayon oh.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
RomanceManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...