Chapter 5- Saved by a Mysterious Guy

2.9K 52 5
                                    


Sabado. Walang Pasok.


Araw ng trabaho sa bookstore at wala gaanong mga costumer.

Kasama ko si Ate Mitch, ang itinuturing kong kapatid na may-ari  ng bookstore at isa sa tumulong sa aking makapag-aral at malaki ang naitulong sa aking buhay.

“Constantine, anong problema? Umuwi ka na nga lang kung buong maghapon ka lang tutunganga dyan.” nagbibilang siya ng pera sa counter.

“Ate naman.” samantalang ako eto at nakatalumbaba sa counter.

“Eh, kanina ka pa nakatalumbaba at mali-mali ang ginagawa mo. Yung sukling limang daan ginawa mong isang libo. Ano ka ba ?” sumbat niya.

“Sorry naman.” nangangamot na tugon ko.

“Sorry sorry ka dyan.”

Halata namang nagbibiro lang si Ate. Kahit mukhang ‘tong maldita dahil sa kilay na tattoo nito ay ubod ito ng bait. Ito ang umagapay sa akin sa aking paglaki, tinulungan niya akong mabuhay at lumaban sa buhay.


 “ Constantine, nga pala aalis muna ako ikaw na muna ang bahala dito.” tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa akin.

“Sige Ate.” tumango ako.

“Huwag kang magpapa-rape agad-agad. Magpakipot ka muna.” tawa siya nang tawa.

“Ate naman.”


“Biro lang. Sige.”


Sa wakas umalis na rin ang pagkakulit kong ate-atehan. Sa totoo lang tama naman siya. Uy hindi yung magpakipot ang sinasabi ko ah!

Tama talaga si Ate na kanina pa ako wala sa aking sarili. Eh, kasalanan ko ba? Si Micko iyon! Ginugulo niya ang sistema ko, isa siyang malaking bulas! Para siyang kulangot na sobrang hirap tanggalin. Bwisit!


Maya-maya pa’y tumunog na ang glass door ng aming bookstore. Malas ko lang isang lalaki ang pumasok, isang lalaking mukhang anghel. Kahit hindi ako pala tingin sa mga pugito alam ko pa rin ang hitsura ng mga pugitong alam kong may ibubuga ang mukha.



Matangkad, ganda ng katawan. maputi, maganda ang gupit at parang bagong gupit pa ata, nakasuot ng asul na jacket, gray na sando sa loob, at malinis ah, amoy hanggang dito ang pabango. Hmmm smells nice huh!


Kung tutuusin mas gwapo pa siya kay Micko at mas mabango.

Huh? Ba’t nasama na naman sa usapan si Micko. At isa pa bakit parang napapadalas na ata ang kakatingin ko sa mga pugitong lalaki. Peste talaga ‘to si Micko! Dakilang BI! Bakla!




“Miss, Bibilhin ko ‘to.”

Bumalik lang ang katinuan ko nang makita ko ang isang babaeng costumer na lumapit. Nawala na rin ang lalaki pero si Micko naiwan pa rin dito sa utak ko. Hayyysss .

“Magkano?” tanong ng costumer.

“Dalawang piso ho.” Sagot ko.

“Huh? Dalawang Almanac dalawang piso??”

“Oho. Sale.” Sabi ko ulit.

“Sigurado ka?” tanong niyang nakakunot ang noo.

“Palit ho tayo, kayo magtinda ako ang bibili. Marunong pa kayo sa akin eh.” Napikon na ako eh.

“Oh siya, eto limang piso. Keep the change.” Para pang napipilitan.

“Salamat. Come again.” Sabi ko.

“Oh sure!” sagot niya.


Parang wala sa sariling lumabas ang babaeng costumer na kausap ko. Siguro may problema rin yon kaya naguluhan sa mga binili.

Aray! Sumasakit ang ulo ko dahil kay Micko. Wala ka talagang kwenta!


Dahil sa sobra kong pag-iisip ay naghanap ako ng isang bagay na pwede kong pagkaabalahan. Ayun!Nakita ko ang mga bagong libro na kailangang maidisplay na.

Humanap ako ng corner na pwede kong paglagyan ng mga librong iyon. Nakakita ako, iyon nga lang ay nasa tuktok ito kaya kelangan kong umakyat gamit ang hagdan.

Kumuha na ako ng hagdan. Umakyat ng dahan-dahan at nilagay ang mga libro ng isa-isa. Kailangan kong magdahan-dahan dahil mataas-taas rin itong aking narating at siguradong patay ako kapag nahulog ako.


“Hmmm.. ano ba ‘tong mga bagong librong ito?”

Tiningnan ko ang title ng libro. The Adventures of Micko the Sailman.


Lang-hiya! Pati ba naman dito sa mga libro eh hindi mo ako nilulubayan?? Tama na please!

Dali-dali akong bumaba at hindi ko na tinapos ang aking ginagawa. Sa sobrang pagmamadali ko at sa kagustuhang makaalpas sa mga kamay ng librong iyon ay sumabit ang sintas ko sa turnilyo ng hagdan.

YARI! Nawalan na ako ng balanse! Alam ko ng babagsak ako, pumikit nalang ako at naghintay sa aking kamatayan.  OA ko noh??


Naramdaman kong unti-unti na akong bumababa nang maya-maya’y nakaramdam ako ng dalawang pares ng kamay. Mas sumalo sa akin. Dahan-dahan akong dumilat at nakita ko ang anghel na nakita ko kanina sa may glass door … Patay na nga ako.



“Opps okey ka lang ba?” sabi niya.

 Hindi pa pala ako patay. “Opo, pasensiya na Sir.”

“Ganoon mo na ba ako kaayaw para sir nalang ang itawag mo? Pati ba pangalan ko ayaw mo pa rin.” Sabi niya.

Hala! Sira-ulo ang gwapong lalaking ito. Sayang ang mukha may saltik pa. Tsk.Tsk.

“Sir, ano ho bang pinagsasabi niyo?” tanong ko.

“Ah, wala wag mo ng isipin.”


Aakalain ko na sanang tunay nga siyang baliw ngunit nang ngitian niya ako, parang ako pa ang mababaliw. Naramdaman ko na ang ganitong pakiramdam eh at isa pa nakita ko na ang mga ngiting iyan. San nga ba??


Tama! Kay Micko nga! Pero hindi pwede masyadong malinis ang lalaking ito para maging si Micko. Siguro dahil sa naiisip ko lang ang pigitong iyon kaya napagkakamalan kong siya ang lalaking ito.


“EHEM.”

Bumalik na naman ang diwa ko. Tiningnan ko ang nagsalita. Nakita ko si Ate Mitch, nakangiting parang-aso at may kung anong nginunguso sa akin. Sinundan ko ang tinuturo niya.



WTH. Mahigit 10 minutes na pala akong nagpapakargang parang bata sa lalaking nagligtas sa akin.

Nakakahiya! Baka akalain niyang feelingera ako. Kahit malambot ang mga bisig niya nabigatan din iyon.

Tumalon ako palayo. Tiningnan ko siya, ganun pa din nakangiti pa rin siya na sobrang pamilyar sa akin.

Yumuko ako at nagsalita.


“Salamat Sir, kung hindi dahil sa inyo nasa ospital na ako.”

“ Walang anuman.”  Sagot niya.

Umalis na ako sa harap niya. Hindi ko siya matitigan nakakahiya. Hinila ko na si ate Mitch na hanggang ngayon ngiting aso pa rin ang reaksyon.

“Sinunod mo ba ako?” Sabi ni ate Mitch.

“San?” sabi kong nagtataka.

“Na magpakipot ka muna bagi ka magpa---“

“Ate Mitch STOP!” sigaw ko.

“Hehe.Pikon.”


Pambihira . Ba’t naman sa lahat pa ng taong makakakita si Ate Mitch pa? Eh, dakilang alaskador ‘to. Pero nakakahiya talaga dun sa lalaking anghel. Hayaan mo na nga makakalimot din yon.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon