Bonus Chapter: We Met Again 3

1.2K 28 0
                                    

Tinitigan ko si Micko mula ulo hanggang paa. Naka-crossed arms ako sa harapan niya.

Inaamin ko naman na medyo napahiya ako sa ginawa ko kanina. Pero nabigla lang ako.

Saka parang may mali pa rin eh...

Napahawak si Micko sa panga niya at ineexercise niya yung jaw niya. Medyo napapangiwi din siya. Lumayo muna kami sa mga kaibigan namin. Nasa hotel lounge kami.

Medyo naguilty ako.

"Masakit pa rin ba?" Inabot ko yung mukha niya at hinaplos ko yung bahaging nasampal ko kanina.

Nilayo ni Micko yung mukha niya sa kamay ko. "Bakit ka nagpunta? Di ba sinabi ko sayo na ako ang pupunta sayo? Tapos gumawa ka pa mg eksena kanina. Nakakahiya."

Tumalikod siya sakin. Magkatabi kami sa sofa. Ngayon nakikita ko nalang yung likuran niya.

Bakit parang di naman niya ako namiss? Samantalang ako, halos mamatay araw araw.

Gumalaw ako at niyakap ko siya mula sa likuran. Dinikit ko yung mukha ko sa likod niya. At mahigpit siyang niyakap.

"Sorry na. I miss you." Mahinang sabi ko. Alam ko namang may kasalanan din ako.

Inalis niya yung kamay kong nakayakap sa kanya at nilagay niya sa bibig niya. Inamoy niya yung kamay ko. "I miss you so much."

Lumingon siya sakin at dahan-dahang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Hinalikan niya ako. Yung halik na matagal kayong di nagkita.

"Ahemm..." Naputol kami nung biglang paglabas ni Arthur. "Let's check the resto in this place?"

Nahihiyang tumango ako. Patayo na ako nang biglang hawakan ni Micko yung kamay ko, napaupo tuloy ako sa lap niya. "Oy ano ba." Sabi ko.

"Mamaya na kami kakain di pa kami gutom." Sabi ni micko sabay tagi ng mukha niya sa pagitan ng mga buhok ko. Nakikiliti nga ako e.

"Okay fine." Nagmamadaling umalis si Arthur. Mabuti nalang exclusive yung lugar na to, wala masyadong tao.

"Bat parang bumigat ka?" Natatawang biro ni Micko. "I love you."

"I love you too."

Yung mga salitang matagal mong hinintay na marinig at pakawalan. Ang sarap pakinggan.

Sa hotel na rin kami nagdinner. Magkakasabay kami. Nandoon din si Andy kaya medyo uncomfortable pa rin ako sa kanya.

Nasa kanan ako ni Micko. Nasa kaliwa naman niya si Andy.

"I will eat seafoods tonight." Nagbibirong biro ni Micko sabay kindat sakin.

Nagtawanan tulog mga kaibigan niya. Napayuko ako kasi nakakahiya. Pag angat ko nakita ko na nilalagyan ni Micko ng wine yung baso ni Andy.

"I like seafoods as well." Bida ni Andy. "What should I try here, Micks?"

Micks????
May tawagan talaga.
Okay sige naiintindihan ko. Dayo siya kaya wala siyang alam dito sa Pinas but come on... Minsan lang umuwi yung boyfriend ko, can she shut up?

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon