Chapter 22.
"Anong problema?" Sabay hugot ni Ina ng chocolate galing sa pants niya. Sabay kaming kumakain ngayon dito sa canteen. Depressed kasi ako ngayon kaya naman hinanap ko siya. Ikaw ba naman makakuha lang ng 10 points out of 50 items. Patay talaga.
--- FLASHBACK MODE ---
[see chapter 21 for the reason.]
--------------------------------
"Bumagsak nga kasi ako." Nakatalumbaba ako ngayon habang siya nakatingin lang sa akin habang kung anu-anong kinakain. Wala akong balak na kumain eh.
"Asus! Ayos lang yan. Ako nga laging bumabagsak sa hagdanan eh. Kasi nga mabigat ako diba?" Sobrang seryoso ng mukha niya habang sinasabi niya yan. Umiral na naman po ang pagka-korni nitong taong 'to.
"Wag ka ngang adik Ina. Ibang bagsak ang tinutukoy ko. Bagsak ako sa test. As in bagsak yung score ko." Nakikuha na rin ako nung sandamakmak na chocolates na nakapatong sa mga books nya.
"Ahh.. sorry naman malay ko ba. Mukha ngang malungkot ka."
"Halata na talaga noh? Hindi nga ako makangiti ngayon eh. Badtrip naman kasi! Alanganin scholarship ko nyan. Eeee! Ewan!" Ginulo ko na yung buhok ko sa sobrang inis. BV talaga.
"Gurl ano ka ba naman? Wag mong sirain ang buhay mo dahil lang bagsak ka. Isang beses ka lang naman bumagsak ata kaya wag ka ng OA, Okey?"
"Eh sino naman nagsabing sinisira ko buhay ko?"
"Hindi ba?"
Sarap batukan nitong kausap ko. Sino bang nagsabing sinisira ko na buhay ko. Nadismaya lang siguro ako. Bukod kasi sa bumagsak ako sa test eh natalo pa yung bet ko na si Manny. Hindi ko talaga matanggap yun. Tsk.Tsk.
"AAHHHHAAA!"
Ay Kabayo! Nakakagulat naman 'tong si Ina. Ba't ba bigla-bigla nalang syang sumisigaw? Tapos yung ngiti nya pa ngiting aso with matching grin.
"Ba't ka ba nakasigaw ha?"
"Hehe, may naisip lang naman akong magandang bright idea. Gusto mo bang malaman?" The way na ngumiti siya parang nakakatakot alamin yung reason ng pag-ngiti niya. Mukhang di kanais-nais.
Umiling ako at bumalik na sa pagde-daydream.
Kaya lang inagaw niya bigla yung kinakain kong cupcake. "Tingnan mo muna ako! Di ba sabi mo namomroblema ka? Edi sumama ka nalang sakin? Ano sama ka?"
Bigla ko namang inagaw sa kanya yung cupcake ko kaya lang hindi ko na nahabol. Dumiretso na sa esophagus nya yung pagkain ko. "Bat mo kinain yun? Isa na nga lang pinag-interesan pa. Balik mo yon."
Pagkatapos nyang lumunok tumingin sya sa akin. "Gusto mong palitan ko?"
"Oo naman. Kinain mo eh."
"Edi sumama ka muna sa akin." Blackmail Day ba ngayon huh? Bakit puro nananakot mga tao dito? Talaga naman oh.
"Saan ba kasi yan?"
"Basta malapit lang naman may aalamin lang tayong importanteng bagay. Pero mag-eenjoy ka dun. Promise."
Napatingin naman ako sa wristwatch ko. Kahit gustuhin man naming umalis sa ganitong oras ay hindi pa kami papalabasin ng mga guards. Kapag hindi pa kasi labasan bawal lumabas kahit sino. It's the school policy.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
Storie d'amoreManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...