LC: You know what will make me happy? Only one thing. Please read my new story "Just Bought A Girlfriend". Para naman masaya :) thanks! that's it.
BTW, This will end soon. Nagawa ko na yung mga episodes until the end...
Tine's POV
Nasa malayo lang ako. Siguro nandito lang ako nakatayo sa may bungad ng gym.
Hindi ako nagpapakita kay Micko.
Namamaga din yung mata ko kaya hindi ako pumwesto sa maraming tao.Natapos na yung singles na labanan. And he won his game. Ang daming nag-checheer sa kanya. And now, tinutulak siya ng mga ka-club niya papunta kay Amanda dahil sila na ang maglalaro.
Niloloko siya at inaasar kay Amanda. I am sad and happy at the same time. Sad dahil hindi ko man lang siya malapitan. Happy dahil hindi din siya mukhang masaya na inaasar siya kay Amanda.
I deserve this. Masyado akong madrama, mapanghinala at hindi ko macontrol temper ko.
Siya na nga itong laging nag-aadjust sa aming dalawa.
And again they won the game.
Napahawak ako sa pader nang yakapin ni Amanda si Micko after i-announce na nanalo sila.I walked out. Hindi ko kayang makita siyang ganyan.
This is the end. It's better I guess.
"Excuse mam, ikaw ba si Constantine Dela Paz?"
Nagpunas muna ako ng luha bago ako tumingala. "Bakit?"
"Kilala niyo ba si Mr. Alde Dela Paz?"
Naglakad ako nang mabilis. Iniwasan ko siya. Kaya lang may 3 lalaki ang muling humarang sa akin.
"Kelangan mo siyang makausap mam"
Umiling ako. "No. Hindi ito ang tamang oras! Please lang lumayo na kayo!" Tinulak ko sila.
"Mamamatay na ang daddy mo." Tumigil ako sa paghahampas sa kanila.
Ano? Nanghihina din pala yung lalaki na yon?
Akala ko hindi na siya magpapakita, pero hinanap niya pa ako. Para pahirapan ganon?
"So?"
"Mam, sumama na po kayo."
"Hindi niya ako kailangan, saka nananahimik na ako."
"Kayo ang gusto niyang makita bago siya mamatay. Sana mapagbigyan mo siya, mam."
Sa totoo lang gusto ko siyang makita. Para ipamukha sa kanya na lumaki ako nang hindi ko siya kailangan.
"Sige."
Sa mansyon ng daddy niya...
Hindi pa rin siya nagbabago mayaman pa rin siya.
Pagpasok ko nakita ko yung mukha ng mga taong minsan ko ng nakita, bago ako lumayas.
Mga nag-iiyakan.
Mga plastik."Madam, nandito na po siya." Siya yung tita ko na nagpapahirap sa akin dati nung dito pa ako nakatira sa mansyon.
Tumayo siya. Niyakap niya ako.
Gusto kong masuka.
"Iha."
"Nasaan siya?" Bumitaw ako sa pagkakayakap niya.
"Nanghihina na ang daddy mo sana mapatawad mo siya."
Ang bait naman niya ata sa akin.
Lumingon ako sa mga guards na naghatid sa akin dito sa mansyon. "Ituro niyo na sa akin yung kwarto niya."
Inakyat nila ako sa pangalawang palapag at pinapasok sa isang malawak na kwarto.
Pinagsuot nila ako ng mask bago pumasok.
Nakita ko siya. Nakahiga siya sa malaking kama at may mga aparato na nakakabit sa kanyan. Naka-oxygen din siya. Nakadilat ang mata niya at nakikiramdam siya.
"Hey dad." sarcastic na bati ko sa kanya. "Kumusta mag-isa?"
Hindi siya makakasagot dahil wala na daw siyang kakayahan.
"Bakit ngayon mo lang ako hinanap? Ngayon mo lang ako namiss after 5 years ba?"
Hindi ko magawang mainis.
Inaral ko na ito na kailangan kong maging malakas kapag nakaharap ko siya pero sa kalagayan niya, naaawa lang ako.
Gumalaw yung kamay niya at tinuro yung drawer niya sa tabi. Binaba niya rin agad. Kahit sarili niyang kamay hindi na niya mabuhat.
Binuksan ko yung drawer at nakita ko ang isang puting envelope. Napatingin ako sa mga larawan na nasa loob ng drawer. Mga larawan namin ni mama.
Kinuha ko yung envelope at mabilis kong sinara yung drawer.
"Siguro aalis na ako. Palakas ka." Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumakbo palabas ng kwarto niya.
Sinalubong ako sa baba ng tita ko pati mga katulong niya.
"Anong sinabi ng daddy mo?" nang-uusisa siya.
Mukha pa rin ba siyang pera?
Tumawa ako. "Secret." Gusto ko siyang asarin. "Alagaan niyo siya nang mabuti." Nagpaalam na ako sa mga taong nandoon at todo bow sila sa akin.
Wala akong balak na bumalik dito.
Tinitigan ko yung hawak kong envelope at sinuksok sa bulsa ng coat ko. Bakit ang daming nangyayari ngayon?
Sa bahay...
Humiga ako sa kama ko. Ang daming bagay na nangyari. I looked at my phone, walang tumatawag at walang nagte-text.Wala ng balak si Micko na kausapin ako dahil sa ginawa at sinabi ko. Ang dami ko naman atang problema?
Binato ko yung cellphone ko. Tumingin ako sa kisame at inaalala ko yung itsura ng lalaking matagal ko nang kinalimutan.
Hinubad ko yung coat ko at nakapa ko yung letter niya.
Tinitigan ko muna bago ko buksan. Hindi naman cheque parang ordinaryong papel lang yung nasa loob.I opened it and I saw a hadwritten letter from him. Magulo yung pagkakasulat, alam mong siya mismo nagsulat.
Dear daughter,
I am writing this letter because I know this is the only way for you to hear my words. Hindi ka makikipag-usap personally, I tried to follow you bago pa man ako manghina. But I can't move forward, naramdaman kong mas okay na hindi ako magpakita. Masaya ako na lumaki ka ng ganyan at masaya akong makita ka bago ako nanghina.
Napahigpit yung hawak ko sa sulat niya. So siya yung lalaking sumusunod sa akin.
It's been a while. Binigyan kita ng freedom dahil gusto mo but you need to come back... I am dying and I am using all my energy left to write this.
Take care of yourself and your older sister, Jaimee. She's 3 years older than you. She's the first daughter of your mom.Muntik ko nang mabitiwan yung hawak kong sulat. I have a sister? Pero mas matanda siya sa akin? What?! Ang alam ko ako lang ang bata na nasa mansyon noon.
Treat her as your own sister the same way I treated her when I let her stay after you left. She's like you and your mom. Love her. Love your mom and don't ever hate her. I am sorry. Sorry for not being a good dad. And sorry for hurting you and your mom. Come back. I love you, my princess.
Hindi ko napigilan ang luha ko. Pumatak nang pumatak.
I have a sister.
And she's the first daughter of my mom. My mom only.
I hated my father because of my ignorance?Ang tanga mo, Tine.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
RomanceManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...