Tine's POV.
Kring... Kring.. Kring..
Tinatawagan ko si Micko pero hindi niya sinasagot.
Hindi kami nagkita ngayong Friday.
Dahil tinulungan ko si Allan na maglipat ng bahay.
Okay. Alam ko matagal ko ng hindi nakikita boyfriend ko pero huwag niyo akong husgahan. I mean kawawa din si Allan. Siya lang dito sa Manila.
Saka nilaan ko na buong araw ko para sa kanya bukas.
Pero ngayon hindi siya sumasagot.
Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin sa kisame.
Kring.. Kring... Kring..
"Hello?"
Napatayo ako.
Hindi boses ni Micko yung nasa linya.
Si Amanda.
"Teka bakit? Bakit magkasama kayo ni Micko?"
"Owww.. Sorry for that. Niyaya niya kasi akong uminom and now lasing na lasing na kami." The way she talks mukhang hindi siya lasing.
"Pakibigay naman yung phone kay Micko." pakiusap ko.
"Why don't you come here and give it to him personally?" Nagawa niya pang magpakasarkastiko.
"Okay fine. Nasan kayo?"
"Dito sa Drunk Out Bar. Just hope na makapasok ka." sinabayan niya pa ng halakhak yung pagkakasabi niya.
Binabaan ko na siya.
Drunk Out Bar?? Ano yun?
Saan?
Tinawagan ko ang unang pumasok sa isip ko. Si Inna na dakilang gala.
"Ina!!! I need your help!"
"Tine! Anong nangyari sayo?"
Nginangatngat ko yung kuko ko. "Ahhh alam mo ba yung Drunk Out Bar? Samahan mo naman ako."
"Oppsss. Saan mo nalaman yan?"
"Nandoon kasi si Micko. Ano kita na tayo sa may sakayan?"
Kinuha ko na yung jacket ko na may hoodie."Tine, chill. Mahirap kasi makapasok doon bess may dress code doon saka magulo doon kaya mo ba?"
Nabitiwan ko yung jacket ko. Wala akong pakialam kung magulo doon, pero dresscode??
"Okay lang. Ano bang kailangan?"
"Wait mo ako sa sakayan. Pupunta ako ng house niyo dala ko na damit natin. Mabilis lang ako."
Binabaan na niya ako ng cellphone.
10 mins later.
"So dito ka pala nakatira?" may dala dala siyang malaking backpack sa likod niya.
"Yup. Pasok ka."
Pagupo na pag-upo niya nilabas niya agad yung laman ng mga nasa bag niya.
Napanganga ako.
"Bess, ito sayong mini skirt na pink. Tapos crop top na black then ito yung boots mo na black. Tapos nandito sa box na to yung mga abubot. Ako naman pek*** short nalang saka spaghetti strap. Gusto ko rin sana yung crop top kaya lang ang laki ko---"
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
RomanceManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...