Chapter 31: Dodong and Dadang's Reunion

1.6K 29 5
                                    

 Tine's POV

“Excuse me miss, pwedeng makidaan?” Tiningnan ako nung dalawang estudyante na nagkukwentuhan sa may gilid ng hallway. Parang nagtataka ata sila sa pinaggagawa ko.

“Miss, ang laki laki naman nung daanan doon sa gitna bakit kailangan isiksik mo pa yung sarili mo dito sa gitna namin?” Sabagay may punto siya. Kaya lang kahit na magalit sila sa akin wala akong magagawa. May tinataguan kasi ako.

“Sorry miss. Padaan lang ah.” Nagtuluy-tuloy nalang ako ng lakad kaya lang nagtatago pa rin ako sa mga poste at bushes na nakikita ko.

Baliw na kung baliw pero parang wala pa rin akong balak na magpakita sa lalaking ‘yon. Nakakainis kaya, hindi rin ako nakatulog ng ilang gabi dahil doon ah. Kaya hanggang ngayon tago ako nang tago para makaiwas sa kanya. At magtatlong araw na rin kaming hindi nagkikita at mas nakakahinga ako ng mas maluwag.

“Eh sino naman kayang tinataguan mo dito?”  Napalingon ako doon sa nagsalita dahil nagulat ako. Akala ko kung sino na, mabuti nalang at si Ina lang pala. Kinabahan naman ako sa babaeng ‘to.

“Wala naman. Gusto ko lang tumambay dito.” Sabay smile sa kanya. Hindi ako pwedeng magkwento sa kanya. Medyo nakakahiya lang kasi. Okay siguro nga sobrang sama ko kasi bakit ko naman  ikakahiya yung tao. Okay medyo nakakaloko lang kasi siya. Ano ba? Ano ba kami? Di ba ang gulo? Bakit niya naman gagawin yon? Nako naman, buti nga hindi ko pa siya nasampal eh. Siguro nagulat din ako. Kaya ngayon sana wag siyang magpapakita sa akin.

“Tambay? Dito sa bushes? Anong trip mo na naman ‘to?” Tinakpan ko yung bibig niya kasi ang lakas lakag ng boses niya. Eh marami pa namang tao baka mamaya may makarinig.

“Huwag ka maingay, Taba.” Inalis ko na rin yung kamay ko na tinapal ko sa bibig niya. May bigla pala akong naalala kaya naman nilingon ko siya. “Eh? Bakit parang hindi ka nagpapakita sa akin nitong mga nakaraang araw? Nasaan ka ba?” Siniksik ko lalo yung sarili ko doon sa mga halaman na pinagtataguan ko.

“Pwede bang umalis na tayo sa pwestong to? Ang awkward naman kasi nung ginagawa natin eh.” Wala na akong nagawa tumayo na siya at hinila na rin ako patayo. Tinakpan ko nalang yung mukha ko at nagpayuloy sa paglalakad, mabilis na lakad kamo.

“Ano bang nangyayari sa’yo? Ang awkward mo ah.” Sabay tawa niya. Hagalpak na tawa. “Ah alam ko na, si Micko ang tinataguan mo ano?”

Bigla akong napasigaw. “HINDI AH! HINDI! ANO KA BA!”

Tumaas yung balikat ni Ina kaya nahalata ko na nagulat siya. Tumawa siya at tinitigan ako sa mata. “OO na. Sige! Kaya ko lang naman naisip yun ay dahil nung nakaraang araw ka pa hinahanap ni Micko. Hindi naman kita makita kaya hindi ko rin masabi kung nasaan ka.”

So hinahanap niya pala ako. Bakit kaya? Naku naku ano kayang plano nung lalaking yon? Masasapak ko siya kapag nagkita kami. Pinagsalubong ko ang ang kilay ko at tinitigan ko si Ina.

“Eh bago nga pala ang lahat nasaan ka ba kasi at hindi kita mahagilap?”

Ngumiti siya. At kakaibang ngiti ang ipinapakita niya sa akin ngayon. Parang may something na naman dito sa Babs na to.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon