Chapter 39: The man

1.4K 26 0
                                    


Micko's POV.

"Sweetie." Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napailing ako. Hindi kasi ako makapaniwala.

Siya ba talaga si Tine?

"Oh?!" Naiirita siya dahil sa suot niya. kanina pa siya baba nang baba ng damit at palda niya.

Natawa tuloy ako. "Ganda mo ngayon, babe." Kinindatan ko siya.

"Babe?!!!" Nanlalaki yung mata niya. "Saka ano bang tinitingnan mo diyan?!" Napansin pala niya na sa legs lang niya ako kanina pa. haha

Eh sa nanibago lang ako. Makinis. Nakakaproud.  Inalis ko muna yung mata ko sa kanya. Akala ko kasi hindi niya makikita na nakatingin ako, nakaeye liner na ako na black.

"Bakit ka nagpunta dito?" Pabalik na kami sa upuan namin. Kumuha lang kami ng drinks. 2 juice at isang red wine. Ayaw niya ako painumin ng hard kasi baka daw magbago na naman ako.

Oa ni Tine at ni Inna.

Umupo na kami. Inabot ni Tine kay Inna yung juice na para sa kanya. Siya naman sumipsip muna sa juice niya bago nagsalita. "Eh sabi kasi ni Amanda nandito ka."

Napatingin ako ulit sa legs niya. Nung muntik na niyang makita na nakatingin ako nag-iwas naman ako. Ang pervert ko ano? haha

"So? Pumunta ka na agad at nagbihis ng ganyan?" Humingi pa ako ng isa pang baso ng red wine sa waiter na dumaan.

"Ahhh kasi sabi niya lasing ka na." Sumingit si Inna. "Nag-alala na naman yung girlfriend mo." Binuhat niya yung plato niya. "Baka nakakaistorbo na ako sa inyo."

Hinawakan ni Tine yung damit niya. "Hindi. Dito ka lang." Takot girlfriend ko sa akin. Nakakatawa diba??

Sinenyasan ko si Inna. Sige na Inna, doon ka muna.

Tinuro ko sa kanya yung lamesa na gustung gusto niyang upuan kanina pa dahil may gwapo na nakaupo.

"Baka gabihin ako dito kaya mauna ka na Tine." Nawala na sa paningin namin si Inna.



Nakakalimang red wine na ako nang maalala ko na may pinag-uusapan pala kami. "So? Nag-alala ka pala sa akin, baby?"

Nanlaki na naman mata niya. "Baby?! Ang dami mo ng tawag ah."

"Kaya kita labs eh." Niyakap ko siya. Nagpupumiglas siya. Medyo tinamaan na ako ng kalasingan ah. "Binabaan ba nila yung aircon?"

Tinulak niya ako palayo. "Bakit???"

"Medyo uminit." Lumayo lalo siya. Dumikit naman ako, sarap niyang asarin.

Lumayo siya na may kasama pang tulak. "Bakit??" Natatawa ako habang nagtatanong. "Bakit ka lumalayo ah?"

"Micko. Tama na muna yung red wine. Kakaiba ka alam mo yan." May kaba sa tono ng pananalita niya.

Humiga ako sa balikat niya. "Okay. Pero gaganito lang ako?"

"Bahala ka."


11:00 PM
Tine's POV

"Nababadtrip naman ako sayo Micko eh!" Kanina pa siya nagsasabing susuka siya pero hindi niya ginagawa.

Nung pinaalis ko siya sa balikat ko. Uminom mga ang loko.

Ngayon lasing na talaga siya.

"Iiwan na kita."

Naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan niya iyon. At ginamit niya.

"Nagsisigarilyo ka?" Hindi ko alam.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon