Chapter 24. Handkerchief Love story.

1.8K 30 13
                                    

Nakasakay na ako sa bus papuntang school nang may maalala ako sa pag-uusap namin ni Ina kagabi habang naglalakad kami pauwi. Sobrang init nga ngayon ng ulo ko kaya yung upuang nasa tabi ko nilagyan ko ng bag ko para walang maka-upo, kanina pa balik nang balik yung conductor pero hindi naman ako ma-approach takot ata.

FLASHBACK..

“Teh, nakita mo ba yung dalawa kanina (Micko and Amanda’s Hugging Churva)?” tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya with matching kunot ng noo. “Anong kanina?”

“Yung dun sa garden? Nakita mo ba si Micko pati yung ex-girlfriend niya na naglalabing-labing?” Ahh, nakita niya rin pala yon. Ako pa ang tinanong niya?? Kitang-kita ko kaya.

Pero teka .. Anong sabi niya?? Ex-girlfriend?

“Ano?? Ano kamo? Magkaanu-ano si Micko saka si Amanda?” Lumaki na naman yung mata ko. Sana hindi tama yung narinig ko. Sana lang.

“Edi mag’jowa sila dati. ‘to naman parang walang alam ---“ Hindi niya natapos yung sinasabi niya kasi biglang tinakpan niya yung bibig niya. Napansin niya atang nagbabago yung itsura ng pagmumukha ko.

“Hoy. Joke lang yon ah.” Binawi niya bigla yung sinasabi niya at nagmadaling naglakad. Hinabol ko naman siya at hinarangan.

“Magsabi ka ng totoo! Ano pang nalalaman mo?” Umiling-iling siya tapos sumipol. “Hoy. Kaibigan kita kaya dapat ako ang kinakampihan mo diba?”

Nanahimik naman ulit siya bigla at tila nag-iisip. “OO na! sasabihin ko na. Si Micko at si Amanda ay dating in relationship. Alam ko lahat ‘yon dahil dito rin ako nag’highschool sa university. Kilala sila bilang Highschool  Couple nung mga panahong ‘yon.” Pinaghahampas niya bigla yung ulo niya. “Nu ba naman ‘tong gulong nagawa ko!!! Tae talaga!” Sabay hampas ng bibig niya.

“Wala ka namang ginawang mali. Tama ang ginawa mo.”

“Ano namang tama don?”

“Magkakaroon ako ng valid reason para tanggihan siya.”

Bigla siyang nagtititili. “OHMY!!! Nililigawan ka ba niya?! Since When!!?”

Hinampas ko siya sa balikat. “Timang! Hindi ligaw kundi date. Date! As in niyaya niya akong makipag-date.” Aba buti lang na wag na ako sa kanyang makipag-date. Nakaka-BV kaya siya!

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon