“Constantine! Gumising ka na nga!” Nakaramdam ako ng unan na humambalos sa ulo ko.
“ARRRRRAAAAYYYYY! Ano ba ate? Wala namang pasok ngayon ah. Magpatulog ka naman ate.”
Hinampas na naman niya ako ng unan. “Adik! Hindi mo ba alam na ngayon ang February ball niyo? Ba’t ka pa nakahilata dyan? Tayo!”
Actually sinadya ko talagang hindi gumising ng maaga. I really don’t care on that freaking ball! Mas gusto ko pa ngang matulog nalang.
She grabbed my hand and forced me to stand up. Yes, she won. I am now starring at her in a sleepy way.
“Kilos na my dear! Go! Go! Go!” sabi niya sa tonong naeexcite.
“Ate Mitch, gusto mo ikaw nalang kaya ang pumunta dun? Mas mukha ka pang excited sa akin eh.”
“Gusto ko sana dear, yun nga lang walang magbabantay sa bookstore mamayang gabi.”
I sighed. “Whatever.”
She growled at me, “ Tayo na! Tayyyoooo!” Hawak pa rin niya ang aking mga kamay. “or else dadaganan kita.”
“No! eto na. tatayo na po.” I said in a very lazy tone.
“Then let’s go!” sigaw ni Ate Mitch.
“San?” I asked.
“Basta.” Naramdaman ko nalang na nagpatianod na ang aking katawan kay ate Mitch.
‘Chuvanesk Ecklavosh Babbooomm Babbboooshh Parlor’
Nakatayo kami sa labas ng parlor na ‘yan. Take note I’m still wearing my blue pajama with numerous number of bears printed on it. It sucks.
Hinila ako ni ate Mitch papasok. “Tara, papasok tayo.”
I hesitated. “No .. wag mong sabihin ate ?? No never ayaw ko.”
“Mayaman ka Tin?” tanong ni ate.
“Hindi.”
“Oh hindi pala eh, pwes dito ka magpapaayos.”
“Pero ate ako nalang kaya?”
She screamed. “Hiiiiinnnnndddiii! Ako pa rin ang masusunod!”
Siyempre kahit papano ay takot din ako kay ate Mitch. Pag-sinabi niyang ganoon ang gagawin, dapat ganoon talaga ang mangyayari. Batas eh. Haha XD Maya-maya’y nabasag ang katahimikan ng aming paligid. May lumapit na bakla at nagtititili.
“Ayyyy! Sisteret! Napadalaw ka here?” sabay beso ng bakla kay ate.
“Bruha, kelangan ko kasi ng tulong mo.” Tugon naman ni ate Mitch na hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko.
“Ay Go! Havey na havey ako dyan!” tili uli ng jokla.
Naguluhan ako sa mga kaganapan. Napatawa tuloy ako ng kaunti dahil sa aking naisip. Hindi kaya dati ng bakla si Ate Mitch? Hehe.
Maya-maya’y may isang bakla na naman ang nag-ingay.
“Mars kung yang mukha mo ang ipapaayos mo pasensya na pero wala na talagang pag-asa ‘yan. Ang ganyang beauty endangered na’ yan teh.” Na ang tinutukoy ay si Ate Mitch.
“G*ga! Mas maganda pa nga ako sa ‘yo no. Saka hindi naman ako teh itong kasama ko.” tinuro ako ni ate Mitch. Nginitan ko naman sila at ginantihan naman nila ito.
“Anak mo teh?” Tanong ng naunang jokla.
“Hindi niya yan anak. Tingnan mo naman yung agwat ng face.” Asar naman ng pangalawa.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
RomanceManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...