Chapter 2- Mistaken Revenge

4.8K 74 2
  • Dedicated kay sa mga nagcocoment na nakakainspired sakin
                                    

Pasukan na naman.


Ito ang araw na pinaghandaan ko ng buong linggo.

PInagplanuhan ko ito ng mabuti at siniguradong magiging perpekto ang aking araw.

Araw ito ng aking pagganti sa Micko na ‘yon.

Hindi ko palalagpasin ang araw na ‘to dahil dalawang beses lang naman kaming nagkikita sa klase. Lagot ka ngayon kala mo ah..

Pagpasok ko at pag-upo ay may mga narinig akong hindi kaaya-ayang pananalita mula sa mga asungot kong kaklase…

“Tama ka dyan sis, siya nga yung feelingerang girl na napahiya nung lunes.”

“Ahahaha. Ambisyosa kasi kala ang tahitahimik pero malandi.”

“Haha. A big Flirt.”


Aba lokong mga babae to ah. Sabunutan ko kaya nang matauhan.


Papunta na sana ako sa mga tsismosang iyon para paghihilain ang kanilang mga rebonded na buhok nang makita ko kung sino ang tumabi sa aking upuan.

Walang duda. Yung lalaking Micko nga ang pangalan.

Wala pa ring nagbago madumi pa rin ito at mukhang dugyot. Paano naman kaya iyon naging sikat? Baliw na ata ang mga ito.


“Hi. Miss Sungit.”

Hindi ko siya pinansin.

“Miss, may problema ka ba?”

Hindi ko pa din siya sinagot. Ang kulit.

“Miss?”

“Miss?” ulit nito.

“Miss, is there something wrong?” ulit na naman nito.

“Hey Miss?” muling ulit nito.


Sa sobrang pagkainis ko ay hindi na ako nakapagtimpi. Nainis na ako dahil sobrang kulit ng lalaking ito. Sumigaw na lang ako ng malakas at mahaba para lumayo na ito.



“SHUUUUTTT UUPPPP!” Oo, napalakas ang sigaw ko.

“ Ms. Constantine Dela Paz, what’s that noise all about?” Naalala ko na may teacher pala sa harap.

“Wha—t? Oh Sir!” Nag-iisip ako ng idadahilan.

“We’re at the middle of the discussion when you suddenly shout. You’re out of your mind, don’t you know that you’re interrupting our class?” Nagsisimula na siyang manggisa. Nanginginig nako.


“Ummm.. I’m sorry Sir, I didn’t do that intentionally. I won’t do that again I’ll promise.” Yumuko ako.

“Please go to our school’s clinic after this class Ms. Dela Paz” Nawala yung kaba ko dahil natatawa-tawa siya.

“No need Sir, ayos lang po ako hindi naman po sumakit ang ulo at lalamunan ko.” Nangangamot sa ulo na sabi ko, kakahiya naman kay sir.

“No Ms. Dela Paz, I mean you should let our doctors consult your brain. I think you’re a lil bit crazy. I’m afraid!” Tinapat niya yung daliri sa ulo at pinaikot.

Ayun, pahiya na naman ako nung araw na iyon. Kasuhan ko kaya tong professor na to???

Sira lahat ng pinaghandaan ko dahil na naman sa ulupong na iyon at napagtawanan pa ako ng buong klase. Pati Prof. ko napagkamalan pa akong sira ang ulo. Okey. 2-0 na ang score naming ng Mickong iyon at lumalabas na dehado ako.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon