Pumikit ako sa sobrang inis sa driver ng motor na dumaan sa harap ko kaya sumabog sa mukha ko yung naipong tubig sa inaapakan ko. Gusto kong magwala at habulin yung nagmamaneho pero nagmamadali ako at wala na akong oras para sa walang kwentang bagay.
Kinuha ko ang tissue sa bag ko at nagsimulang pahiran yung putik na tubig sa puti ko lang naman na dress.
Nakakagigil talaga.
*Kring.Kring*
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at padabog na sinagot yung tawag. Istorbo din e.
"Hello!" Medyo napalakas ata.
"Naistorbo ba kita?" Tanong nung kausap ko.
Tinapon ko yung tissue sa kalsada. At pumara na ako ng taxi. Kapag nga naman minamalas ka, wala pa yung driver mo nung araw na napakaimportante sa yo.
"Oo nakakaistorbo ka." Sabi ko kay Daniel. Tumirik ang mata ko at nagkataon pa na nagkatinginan kami nung driver na natakot ata.
"Napakataray nito. Kaya walang boyfriend." Nagbibirong sabi niya at may halong tawa pa sa background. "Samantalang yung nanliligaw nang mahigit 2 taon na, di napapansin." Biglang lumungkoy yung tono niya.
"At sinong nagsabi na wala akong boyfriend? Andiyan na ba yung client? Asikasuhin mo muna, mahuhuli ako." Pababa na sana ako nung tawag nang bigla pa siyang humirit.
"Eh nasaan?"
Nanggigigil na napasagot ako ng "NASA PUSO KO!"
Napatingin sakin yung driver at nakikita ko na natawa siya sa sinagot ko. Narinig ko rin na humagalpak lalo si Daniel. Bwisit! Binaba ko agad yung tawag sabay ngiti dun sa driver.
Isang taon lang kami nagsama ni Micko. Pagkatapos nun, pinatawag siya papuntang Japan para ma-train pa lalo sa pagiging vocalist. LDR kami in short.
Nagcheck ako ng instagram niya at lalo akong nalungkot kasi nakikita ko na masaya siya. Samantalang ako, hirap na hirap.
Hayss...
Tinawagan ko siya. Sumagot naman siya agad. "Tine! Kumusta?"
Eto stress. Di nag-eenjoy na malayo sayo.
"Ayos naman baby. Anong ginagawa mo?" Medyo bakas sa tono ng boses ko na malungkot ako kahit sinubukan kong ngumiti.
"Nagpaparty sila. Successful yung album launching namin e." Naririnig ko nga sa background, may mga tumatawa at sigaw nang sigaw ng Kampai!
"Buti naman nag-eenjoy ka. Uwi ka na." Opps.
Bigla akong napatakip ng bibig ko. Di ko sinadya promise.
"Huh?" Buti di niya narinig.
"Sabi ko ingat ka palagi diyan. I love you. Miss you." Pagbabago ko ng topic.
"Same here!" Ay shet. Same here? Seryoso? Yun lang. "Nga pala, tawag ako mamaya. Busy e."
Busy din naman ako ah pero tinawagan kita. May time ako sayo ah.
Nagbayad na ako kay manong at lumabas ng taxi papunta sa building na pinapasukan ko.
5 days later...
Nagbukas ako ng facebook para ichat si Micko. Di ko kasi siya matawagan. Yung sabi niyang tatawagan niya ako mamaya, di naman niya ginawa.
Online siya.
Ako: Babyyyyy.
Typing...
Micko: Tine, uuwi nako.
Napabalikwas ako nang tayo. Hawak ko pa yung laptop ko.
Ako: Huh? Paanong???
Typing...
Micko: Mahabang istorya...
Gaano kahaba ba para hindi niya ikwento? Bahala na nga. Ang mahalaga, uuwi na siya.
Ako: Susunduin kita.
Typing...
Micko: Wag na. Ako nalang pupunta sayo.
Pareply palang siya kaya lang bigla na siyang nagoffline. Nawalan na naman kami ng connection. At simpleng bagay lang yon pero sobra akong nahurt.
Iba na ngayon. Ako na talaga ang mas nagmamahal.
Dati, tandang-tanda ko pa na sobrang si Micko ang nagmamahal sa aming dalawa. Kaya lang bumaligtad na ang mundo. Ako na ang laging natatalo.
Tinulog ko nalang lahat ng nararamdaman ko. Sana lang bukas maging masaya kami.
7 AM.
Nasa coffee shop ako kasama si Inna. Na umaasa pa rin hanggang ngayon. Nagtatrabaho nga siya ngayon sa coffee shop nila Samuel."Bes alam mo na ba?" Bungad niya sakin pag-abot ng kape sa lamesa ko.
Humigop ako at ngumiti. "Alangan namang hindi maka-alam ang girlfriend." Bilib na talaga ako sa kaibigan ko super updated sa mga happenings sa banda nila Micko.
"Sabagay may point ka. Siya ba nakabuntis---?"
Di ko siya pinatapos sa sinasabi niya dahil napatitig ako sa mga mata niya. Napahawag ako sa mug ko. "Buntis?"
"Akala ko ba alam mo?" Nagsalubong yung kilay ni Inna. At humawak siya sa baba niya na hindi na doble ngayon.
"Alam ang ano??? Pwede bang buuin mo?"
"Nagkagulo ang mga fans nila kagabi. May pumutok na balita. May magiging tatay na sa kanila. Tho, chineck ko si Samuel... Mukhang hindi siya. It's either si Micko o France or Arthur yon... Pero di ko naman maisip na magagawa ni Micko yon baka---"
Padabog ko na hinampas yung wooden table sa harap ko. Nauga yung mug na may kape at tumapon ng konti ang laman non.
"Wag kang magsalita ng ganyan, Inna!" Agad kong dinampot yung bag ko na nakapatong doon sa nakatabing upuan.
Tumayo ako at naglakad na hindi siya nililingon.
Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko pero agad ko ring hinawi.
Ang sakit e.
Sobrang sakit.Kaya ba siya uuwi?
Ako nga ang talo.
***
Bonus chapters coming.Bonus Chapter/Special Episodes were set Private mode. Meaning... Kelangan followers ko kayo para ma-access. :)
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
RomansManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...