Pasensya na kung sobra sobrang tagal. SORRY TALAGA. Wag kayong bibitiw ah :)
Para sa inyo to. I lab yow all :)
Mickos POV.
Maaga palang nagising na ako. Oh mas magandang sabihin na hindi ako nakatulog dahil sa sobrang saya sa sinabi ni tine kahapon. Mabuti naman at pumayag si tine na makipagdate sa akin. Magkakaroon kami ng time para sa aming dalawa. Haha nakakaexcite.
Wala pa rin siya samantalang 9:10 na. Ano kayang nangyari sa kanya. Ang tagal niya naman. Pero wala akong magagawa kelangan kong magtyaga, dapat alam ko na yon simula palang nung niyaya ko siya. At kelangan kong panindigan ang pagyaya ko sa isang bipolar at manhid na babae.
9:30 na. Sheth naman oh, bakit wala pa yung babae na yon. Mamaya pa neto basa na ung kilikili ko sa sobrang init ng suot ko. Sinadya ko kayang magsuot ng polo ngayon para sa kanya. Matino ako ngayon, hindi ako nakaporma ngaun kahawig ng porma ko sa tuwing may gig ako. Nakaayos ako sa paraang gustoni tine. Ayokong masira ung atmosphere sa pagitan namin. I want everything at peace.
Okey. Naiinis na talaga ako. 10:00 na. May balak pa bang sumipot si tine?? Alam kong lagi namang late yon sa usapan pero dapat inisip niya rin date naman to at hindi lang pagkaraniwang pagkikita.
Eh baka naman nagpapaganda lang kaya nahuli? Isipin mo nalang na babae siya at lalaki ka naman.
Sa bagay may point siya.
"hoy!!!" napalingon ako sa kung ano mang sumipa sa tuhod ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang magkasalubong na kilay ni tine.
"anong hoy? Ayos ka ah, kanina pa ako naghihintay sayo." okey medyo nadisappoint kasi ako ng kaunti. Akala ko nagpaganda siya para sakin pero tingnan mo naman yung suot niya, naka jacket lang siya na kulay black tapos yung hood nun nakalagay sa ulo niya. Tapos nakapalda siya na lagpas sa tuhod at naka rubber shoes. Sya na talaga ang baduy.
"eh ano naman? Saka bat ganyan ka makatingin ah?? Mabuti nga at sinipot kita. Hindi mo ba alam na maaga pa ako gumising para gawin yung mga dapat kong gawin. Ayaw mo ba ako dito? K. Fine. Uwi nalang ako." patalikod na siya kaya lang bigla kong hinawakan yung braso niya.
"okey. Sorry. Thank you dahil pinagbigyan mo ako." nakita ko naman na napahinto siya at medyo natuwa sa sinabi ko. Baka kinilig.
Tumabi siya sa pader na kanina ko pa sinasandalan dito sa town’s square. Tiningnan ko siya at nginitian.
"ano tara na??"
Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti ng matamis at humarap sakin. "wait lang. May hinihintay pa ako."
"hinihintay?"
"oo."
BINABASA MO ANG
The Sweetest Man Hater [Completed]
RomanceManhater ako. Malaki ang trust issues ko sa mga kalalakihan, hindi ako naniniwala sa mga pangako nila. Wala rin akong plano na magmahal. Pero huwag ka pala talagang magsasalita ng tapos. Kasi baka isang araw, may makilala kang iba sa kanila. Iba s...