Chapter 3- Playful Heart

4.3K 75 7
                                    


10:00 am.


Martes at wala kaming pasok dahil walang prof.

Naglalakad ako papuntang library ng aming school. Para lamang katagpuin ang pugitong si Micko. Simula pa lang kasi ng paggawa ng aming research.

Okey. Kakalimutan ko muna ang galit ko sa kanya para matapos na ‘to agad. Nakita ko siyang nasa sulok ng library at natutulog ulit.


Kinalabit ko siya gamit ang dala kong ballpen. Ayoko kayang madumihan ang aking malilinis na kamay. Nagising naman siya at hinarap ako ng may ngiti ulit na kinaiinis ko pero di ko alam kung bakit.

“Oh, buti naman dumating ka na. late ka na kasi ng dalawang oras, usapan kasi 8:00 di ba?”

Sinadya ko talagang magpa-late para lang mahirapan ka.

“Sorry. Traffic kaya natagalan ako.” Umupo ako sa tapat niya.

“Ganun ba? So—“ Hindi ko siya pinatapos

“Oo ganun na nga. Kaya magsimula na tayo at tama na ang satsat.”

“Hey, easy lang. We didn’t know each other yet. We didn’t get to know formally. By the way my name is Micko Cruz.. 18 yrs. old an education student and I’m the vocalist of our school’s band.” introduction niya na wala naman akong pakialam.


Napakadaldal talaga ng lalaking ito. Nilahad niya ang kanyang kamay bilang pagpapakilala. Tinanggap ko nalang iyon para manahimik na ito. Ang kulit kasi.

“Ako si Constantine.” sabi ko sa tonong tinatamad.

“Wow! Very vintage ang pangalan mo. I like it. Can I call you Tin?”

Hindi ko inaasahang ganoon ang magiging reaksyon ni Micko. Kung ibang lalaki kasi ang kausap ko ay nilayasan na ako. Pero ang isang ito kakaiba. Matapang.

Nakakapanibago lang talaga… kakaiba ‘to.

“Ikaw ang bahala. Kung anong gusto mong itawag sa akin. I won’t mind.” binuklat ko yung notebook ko na galing sa bag.

“Thanks Tin.”

Parang iba ang naging impak sa akin ng pangalan ko nung araw na iyon dahil sa galing iyon kay Micko. It sounds sweet … very sweet… super sweet ..

Teka. Teka! Hindi dapat ako mag-isip ng ganito. tsk!tsk! Kadiri ah!

“Pwede bang magseryoso ka na? Umalis ka na dyan sa upuan mo at maghanap ka ng mga librong magagamit natin.” inabutan ko siya ng mahabang checklist. Nilista ko yung mga libro na gagamitin namin.

“Oh sure Tin.”


Buong araw akong nagsungit sa kanya habang gumagawa kami ng research. Ayokong magpakasaya sa piling ng isang lalaki. Akala ko magwa-walkout siya dahil sa mga ginagawa ko … pero ngiti lamang niya ang sinasagot niya sa aking mga pagtataray..


Pasado alas-tres na rin nang magkahiwalay kami ni Micko.

Iniwan niya ako dahil may klase pa siya. Sa bagay okey lang iyon para makapag-focus na ako.

Gawa ako nang gawa at hindi ko namalayang alas-sais na pala. Rush hour na! Tumayo na ako at tumakbo sa open ground ng aming campus nang may marinig akong pamilyar na boses.

Tama. Siya na naman. Si Micko Cruz na nakasakay sa kanyang bisikleta.

“Hi Tin! Bakit hindi ka pa umuwi kanina?” Nilapit niya yuny bisikleta niya papunta sakin.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon