Chapter 37: Love Vs. Friendship

1.4K 32 0
                                    

Habang kumakain kami hindi ako makapagconcentrate.

Nasa tabi ko si Micko at nasa harap ko naman si Allan.

"Dang, totoo?" Ngumunguya ng hamburger si Allan habang nagsasalita.

Kanina pa niya ako tinatawanan.

"Ang?" Ingat na ingat ang mga sinasabi ko dahil hindi na maganda ang ngiti ni Micko.

"Na boyfriend mo siya?" Nakanguso siya para ituro si Micko. "Akala ko pa naman hindi ka pwedeng ligawan kaya hindi kita nililigawan. Madaya ka."

"Sorry, dude." Pabulong na sabi ni Micko. Inapakan ko yung paa niya na nasa ilalim ng lamesa.

Tinitigan niya ako. Nginitian ko lang siya.

"Dang, sayo nalang to." Nilagay niya sa plato ko yung sandwich na kinagatan na niya.

Napatingin sa akin si Micko at umiling. Binalik ko naman ang tingin ko kay Allan. "Thank you."

Bata pa lang kami malapit na talaga ang loob ko kay Allan. Medyo babakla bakla pa kasi siya dati kaya hindi ako naiilang. Ngayon ang laki na ng pinagbago niya.

Nagtalumbaba si Micko. "Ano bang meron? May sarili pa kayong tawagan?"

Nakabusangot na siya. Tinapik ko yung balikat niya. "Alam mo naman uso sa probinsya ang ganito, Micko. Di ba Dong??"

"Oo."

Napaharap sa akin si Micko. "Siya naaalala mo na Dong ang itawag pero ako nakakalimutan mo yung tawagan natin. Grabe na."

Masyado naman ata siyang childish. Mabuti nalang at kaunti lang tao dito sa canteen. Sabi ko nga wag na kami dito pero nagalit na naman sa akin si Micko.

"Ahhh..." Nangangamot at natatawang sabi ko. "Swee...t.iii.eee" Hirap na hirap akong buuhin iyon dahil nasa harap ko si Allan.

"Sweetie??" Sabi na magugulat talaga siya.

"Oo. Bakit masama?" sabi ni Micko.

Umiling siya. "Hindi. Ang sweet nga." Pero alam ko na deep inside natatawa at nasusuka na siya. Napatingim siya sa relo niya. "Nako tapos na break ko. Sige na."

Tumayo na siya.

"Ingat ka. Kita nalang tayo ulit."

Umalis na siya.

"Ano bang problema?" palabas kami ng canteen at hindi niya ako pinapansin.

"Tara." Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa likod ng isang building doon.

"Bakit naman hindi mo sinabi na nagkikita na pala kayo?" may tono ng pagtatampo sa boses niya.

"Nagkikita? Once palang, swee---tie"

"Saka bakit ang close niyo naman ata?"

"Close? Mas close pa nga tayo doon kasi boyfriend kita?"

Timalikuran niya ako. "Nakakainis kayong dalawa."

Natatawa nalang ako sa pinagsasabi niya. "Isip bata ka talaga. Huwag ka na magselos."

Bigla siyang humarap. Bigla. "Ano? Selos? Hindi ako marunong nun sweetie."

"Ahhh..."

Lumapit siya sa akin at inakbayan niya ako. "Ako ata ang pinaka-cool na boyfriend sa mundo."

"Ahhh..." inaasar ko lang siya.

Naglakad na kami papasok ng building. Nakatingin yung iba naming classmates pero hindi kami nagpatinag.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon