Chapter 27- CUT. Ina's First Cameo

1.7K 34 4
                                    

INA'S POV.                      

Wait lang talaga tine, babalikan ko lang yung pinabalot ko na spicy dishes na hindi natin nagalaw kanina. Wait lang ah.

GRABE LANG AH, ang hirap namang makiusap sa management nila. Ayaw pa sana ibigay yung pagkain namin. Tae naman oh, ang hirap mabuhay ah. Mabuti nalang at binigay nila. Kasalukuyan kong dala dala yung mga pagkain na natira, hawak ko yung paperbag at palabas na ako sa glass door ng resto ng biglang ..  may dumaan na pamilyar na lalaki sa gilid ko, kahit ata nakatalikod ako sa kanya ay makikilala ko siya. Siya kaya ang prince charming ko.. Haha.

Kaya lang ang problema sakin, kung anong daldal ko sa harap ng ibang tao, siya namang tiklop ko pagdating sakanya.

"Samuel..."

FLASHBACK.

"mama, ayaw ko na pong mag-aral. Ayaw ko na pong pumasok sa school. Please mama, wag niyo po akong iiwan." as usual transferee na naman ako sa school na to ngayong grade 6. Kelan ba ako tumagal sa isang school. Si mama kasi masyadong affected kasi lagi nalang akong umuuwi na umiiyak. Lagi kasi akong binubully ng mga elementary classmates ko. Kaya lagi akong nililipat sa ibang school every grade level.

Matagal ko ng pinipilit si mama, alam kong nasa tama naman na akong katinuan noon at alam ko na ang nangyayari sa akin. Siguro ay nagsasawa na rin ako na palaging pagpasok ko sa school ay tutuksuhin ka, didikitan ng kung anu ano sa likod, tas babatuhin ng scratch paper or worse ay trash.

"baby, hindi pwedeng magstop ka. Nandito lang lagi si mommy para sa yo. Hindi kita pababayaan okey?" niyakap ako ni mama.

"pero mama, natatakot na po akong pumasok sa school. Aasarin na naman po nila ako, sasabihan na naman po nila ako ng mga hurtful words."

Pinahid niya ang mga luha ko at inayos ang collar ng uniform ko, "lets try baby, okey?"

Wala na akong magawa. Pumasok na ako sa loob ng room at muli napuno na naman ng halakhakan yung buong room.

Ako naman nakatiklop at halos hindi tumitingin sa kanila. Lahat sila tawa nang tawa at parang nakakita ng payaso.

"Tatahimik ka lang ba? Pinagtatawanan ka nila oh." hinanap ko yung boses. Guardian angel ko ba yon at pinapalakas lang yung loob ko.

"sinasabihan ka nila ng kung anu-ano pero nakayuko ka lang dyan?? Magsalita ka nga hoy! Psstt." hanggang sa makaramdam ako ng sipa sa likuran ng upuan ko. Pag'ikot ko nakakita ako ng lalaking may hawak na gitara at abala sa pagtono nito. Tiningnan ko siya nang may pagtataka.

TAKTE! ang gwapo niya!! Sobra. As in sobra. Ang linis linis niyang tingnan, he seems to be a nice guy.

"lintik naman oh, ano pang tinitingin tingin mo dyan pagtanggol mo nga sarili mo." oh oh, mali pala ang akala ko sa kanya. Looks can be deceiving.. But i can't blame myself, he's handsome.

Sinipa niya ulit yung likod ng upuan ko nang hindi ako sumagot.

"ahh--- ehh --" ohmygosh, anong nangyayari sakin? Bakit parang ayaw lumabas ng mga words sa bibig ko?

"oy, kinakausap siya ni samuel oh."

"nabubulag na ba si samuel, hahaha."

"hindi bagay kay samuel na may kausap na pangit. Parang ang sagwa."

Sunud sunod na bulungan at hagalpakan ang narinig ko. Sino ba si samuel??

"tol, anong trip yan at bat mo siya kinakausap?" tanong ng lalaking katabi ni Mr. Pogi na may hawak na gitara.

Sumunod naman na nagsalita ang isa pang lalaki na katabi ni mr. Pogi, "kaya nga samuel? Anong trip ba yan?"

Samuel? Kung ganun siya pala si samuel, ano ba siya dito at halos bukambibig siya ng mga classmates namin.

The Sweetest Man Hater [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon