Iyay's Pov:
Hapon naman na at sinabi sa akin ni nanay na bukas pa daw uuwi si Rod dito.
Nasa kwarto lang naman ako ng tumawag at kumatok si nanay saka pumasok.
"Bakit hindi mo kinain itong tanghalian mo ?" Tanong sa akin ni nanay.
"Pwede po ba tawagan mo si Rod nay ?" Tanong ko naman dito.
"Anak Iyay ... Nasa beach sila ni Imee. Bukas pa uwi nila dito sa city" diretcho naman sabi sa akin ni nanay.
"Dati kami yun nanay ... Kami yung nasa beach diba ? Kami yung nangangarap na magka anak at dalhin ito sa beach. Bakit all of a sudden nagbago lahat ?" Nalungkot ko naman ng sabi ulit.
"Ang bilis naman nay ... Saglit lang sa akin binigay si Rey, yung taong pinalangin ko kinuha agad agad at ibinigay agad sa iba" dagdag ko pa.
Nayakap naman ako ni nanay ng naluluha pero wala ng luha ang nais pang pumatak mula sa akin.
"Pero atleast natupad yung pangarap nyo ni Rey diba ? Atleast may iniwan sayo si Rey na magpa paalala na minahal ka nya talaga bago pa ito bumalik kung sino talaga sya" sabi ni nanay habang yakap ako.
Humiwalay ako sa yakap at pinahidan ang luha nito.
"Hindi naman ho ito sa kanya" mahina ko naman pag amin na kinagulat nya.
"Anong ibig mong sabihin ?" Tanong naman nya sa akin.
"I was force by mayor po dahil nilasing nya ako nung campaign" sagot ko naman.
"Hindi yan anak ni Rody ?" Panigurado nya sa akin at tumango naman ako.
"Sasabihin ko na po nay, ang mahalaga sa akin ngayon ang anak ko, I just need him kasi ayoko po malaman ni mommy at ipakasal akong pilit dahil sa reputation nila doon" sabi ko naman dito.
"Iyay bakit ngayon mo lang sinabi ? Tutulungan ka naman namin eh" sagot ni nanay sa akin.
"Sorry po nay, pero nung una po nag panggap lang talaga ako na buntis, pero di ko po alam netong nakaraan na buntis pala talaga ako at nag bunga ang nangyari sa amin ni mayor, natakot ako nay mawala itong anak ko kahit hindi pa po si Rod ang ama nito" sabi ko naman.
Nayakap na lang ako nito ulit at sinabi na tutulungan nya ako kay Rod mag paliwanag.
"Ayoko po umuwi sa amin nay. Mawawalan din po kayo ng kasama eh" sabi ko naman dito na kina ngiti nya sa akin.
"Ikaw talaga ... Kahit na ang sungit sungit ko sayo ganyan ka parin sa akin" sagot nya.
"Eh nay mas masungit po ang mommy ko" sagot ko lang dito.
"Hayaan mo nak bukas sasabihin ko kay Rody na pumunta dito. Pero di ko mapa pangako na mag stay sya ng matagal ha ?" Suyo naman nya sa akin at tumango na lang naman ako.
Pinakain naman nya ko dahil hindi pa ko kumakain mula tanghalian pa..
Habang kumakain naman ay nagagalit ito sa mayor na pinilit akong may mangyari sa amin at gusto pa itong sugudin pero pinaliwanagan ko naman na hindi pwede dahil sigurado akong wala pang ilang oras ay pilit na akong isasakay ng helicopter para pauwiin doon.
Pagka alis nito ay natitigan ko lang naman ang tyan ko.
"Alam kong alam na nya na hindi mo sya daddy" nasabi ko na lang naman ng mahina.
Rod's Pov:
"Who's papa ?" Paulit ulit kong tanong kay Ree.
Tinuro naman nya ko at kada tama nya ay kini kiss ko naman ito na kinaka tawa nya.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️
