Chapter 24

132 21 3
                                        

Imee's Pov:

Umalis si Rod para pumunta sa farm nila kasama si nanay.

Kaming dalwa lang ni Ree dito sa bahay at wala naman kaming ginagawa kung di manuod lang.

Maya maya ay tumatawag naman si Iyay at sinabi na sumasakit daw ang tiyan niya at hinahanap si Rod.

Sinabi ko naman na nasa farm si Rod kaya ako na lang ang pupunta para dalhin sya sa hospital pero sumigaw naman ito at tawagan ko na lang si Rod.

Tinawagan ko naman si Rod para pumunta ito doon at sinabi naman nya na may inaasikaso pa sya kaya ako na lang ang nag pasya na pumunta agad kasama si Ree.

Nag book naman ako ng sasakyan at ng makarating kami sa bahay ay nakita ko naman itong naka upo lang.

"Asan si Rey !" Tanong naman nito at biglang hawak nya sa tiyan.

"Di kasi maiwan yung ginagawa nya eh" sagot ko naman sa kanya.

"Tawagan mo !" Utos parin nito.

"Iyay kung nasakit yan halika na sa hospital mag book na ulit ako" sagot ko naman dito.

"Ayoko ! Ayoko sayo ! Kailangan ko yung asawa ko na inagaw mo !" Galit parin nya na sabi sa akin.

"Wala akong inagaw sayo Iyay, asawa ko sya bago pa sya magka amnesia" sabi ko naman dito.

"Kung hindi ka dumating sa buhay namin dapat mag asawa parin kami hanggang ngayon, ikaw ang gumulo sa buhay ko Imee, kayo ng anak mo" sigaw naman nito.

Marahil ay dumadaan ito sa matinding depression dahil tama nga naman sya parang nakaka guho nga naman ng mundo kung sa akin nangyari kung anong nangyari sa kanya.

"Iyay I'm sorry ... But you have to slowly accept everything. You are young" sagot ko naman dito.

"Bullshit ! Not because I am young I don't know anything. You are just 7 years older than me that's not even a huge gap, and you think you know better ? Huh ?" Sabi parin nito.

"Iyay calm down ... Baka kung mapa ano ang baby mo" sagot ko naman dito.

"Baby ito namin ni Rey ... I must be the priority and not that baby" umiiyak naman na nito na sabi.

Gusto ko man itong lapitan pero baka itulak lang ako at mabitawan ko ang anak ko.

"Halika na Iyay ... Let's go to the hospital para mapa check up ka" akit ko parin dito.

"I said ang kailangan ko si Rey hindi ikaw" sagot parin nito sa akin.

Tumayo naman ito at umakyat ng kwarto.

Tinawagan ko naman ulit si Rod dahil baka mapa ano ang anak nila at ayaw ko naman iyon mangyari.

Habang nagi intay kay Rod ay naupo na lang muna ako at hindi parin buma baba si Iyay.

Sabi ng doctora ko sa ob ay nagpa tingin nga daw ito sa kanya. Pero hindi ko na tinanong ang details kung anong pina tingin ni Iyay dahil alam ko naman na at masasaktan lang ako kapag narinig ko na naman yung confirmation na buntis ito.

Hanggang ngayon ay di ko parin tanggap at nagpa panggap na lang ako na okay lang sa akin para sa bata, anak din naman iyon ni Rod at kapatid din naman iyon ni Ree.

"Mahal bakit ikaw pumunta ?" Tanong naman ni Rod ng makarating sa bahay.

"Eh kasi inuuna mo ibang bagay, may nasakit nga daw sa kanya" sabi ko naman dito.

Kahit kita ko ang inis nito ay pumanik naman sya at di ko naman na sinundan.

Maya maya ay bumaba ito akay si Iyay ...

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon