Imee's Pov:
Kailangan kong pumunta ng office at tulungan si Lia doon dahil pasahod ng employees namin mamaya at kalahati palang ang naco compute nito.
Maaga ko naman ginising si Rod dahil kailangan ko itong paliwanagan ulit kung paano alagaan at bantayan si Ree maigi dahil si Manong at Manang ay papunta sa coconut farm naman.
"Mahal tulog pa ... Pero pag gising nyan si Manang ang magpa paligo ibibigay sayo yan ng ayos na ha, complete ang paa mga kamay at daliri ha ?" Paalala ko naman dito.
Natawa naman sya sa sinabi ko at seryoso ko naman itong tinignan.
"Oo nga mahal ... Kagabi mo pa sakin yan sinasabi. Saulo ko na lahat" sagot naman nya sa akin.
"Good" sabi ko naman dito at kiss na sa kanya dahil rinig ko na si Lia sa baba na tinatawag na ako.
Pagbaba ko naka mungot naman ito dahil madami syang hahabulin na trabaho sa office kaya maaga kami.
"Ate compute ko tapos bigay mo ha ?" Sabi naman nito at busy naman ako sa pakikipag chat kay Rod.
"Ate !!!" Sigaw naman nya sakin na.
"Ano ?" Tanong ko naman dito.
"Ang sabi ko compute ko tapos bigay mo ng sahod" ulit nito sa akin at tumango naman ako.
"They will be fine ate ... Asawa mo pa ba ?" Sabi naman nito.
"Yun na nga eh ! Si Rod pa ..." sagot ko naman.
"Hindi naman kasi yun pwede dalhin kasi malikot, tapos kay nanay at tatay naman maputik ang farm ... Magwa wala lang kapag di pinayagan gumala doon. Di naman pwede na wala si nanay at sahod din nila dun" sabi naman nito.
"Bakit kasi nag sabay ?" Tanong ko naman.
"Ate hindi talaga dapat sabay kaso kahapon lang ako nag compute eh" nahihiya naman nito na sabi.
"Ano ba pinagka kaabalahan mo ? Gabi ka na din umuwi minsan ?" Tanong ko naman dito.
"Wala ate ... Busy lang" sagot naman nito.
"Inuuna mo ang chismis malamang" sabi ko naman at natawa lang naman ito.
Pagdating namin sa office ay naupo naman na ito agad at ako naman ay nag video call kay Rod.
"Ayan si mama" sabi naman nito at galing iyak si Ree.
"Bakit umiyak ?" Tanong ko naman.
"Hinahanap ka, pinaliguan na ito ni manang. Tapos kakaalis lang din nila. Kami na lang nandito" sagot naman nito.
"Complete pa ba paa at kamay nyan ?" Tanong ko naman dito.
"Complete pa ... Don't worry mahal magaling ako mag alaga ng baby. Tignan mo sarili mo, di ba ang galing ko ?" Biro pa nito sa akin at nakita ko naman natawa ng mahina si Lia kaya binato ko ng ballpen.
"Sige na ... Ba bye na, at naglo lokohan na naman tayo. Wag mong ihuhulog yan ha ? Ikaw ang ihuhulog ko" paalala ko naman dito at tumango naman ito.
"Ba bye na kay mama ... Ba bye mama, see you" sabi naman nito at tingin naman sa akin ni Ree.
"Bye anak ... See you later na sana complete pa daliri at paa mo" Sabi ko naman dito pero paiyak naman ito.
"Mama" sabi pa nito ng naka pout at maiyak iyak na kinatawa namin ni Rod.
"Nagpa paawa, ang cute cute" sabi naman ni Rod.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomantikAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️
