Imee's Pov:
Late na ng bumaba ako ng kwarto. Wala naman ang mag ama ko dahil dinala ni Rod si Ree kila nanay.
Ang sakit naman ng katawan at ulo ko dahil tinotoo nga nya na hindi ako tigilan buong gabi.
Pagbaba ko ay si Lia lang ang nandito at nasa coconut farm na sila manang.
"Pagod na pagod tayo ah" biro naman sa akin ni Lia.
"Pa make nga ako ng coffee, ang sakit ng ulo ko" sabi ko naman kay Lia at di pinansin ang biro nya.
Narinig ko naman syang tumawa pero di ko na pinansin dahil parang hinihila parin ako ng antok.
"Ano ba kasing oras kayo natapos ni Kuya ng pag iinom ?" Tanong ni Lia.
"Hindi kami nag inom, ano ba Lia" sagot ko naman dito.
"Ah hindi ba ? Eh bakit parang lasing na lasing ka ?" Natatawa na sagot ni Lia.
"Tigilan mo ko Lia" sagot ko na lang at abot ng coffee at butter toasted bread sa akin.
Umupo ito sa tabi ko at nakisabay na rin mag almusal.
"Hindi ka pa nakain ? 10 na ata ah" tanong ko dito.
"Hindi pa, kaka gising ko lang din" sagot naman nito.
"Kayo ata nag inom nung secret bf mo eh" sabi ko naman.
"Break na kami" sagot nya.
Tinignan ko ito dahil parang wala pa atang ilang buwan sila mag on.
"Ah ... So umiyak ka lang hanggang madaling araw ?" Tanong ko dito at umiling naman ito.
"Eh bakit ka napuyat ?" Tanong ko naman.
"Nakipag away at bati pa ko eh" sagot naman nya.
"So hindi kayo break ?" Tanong ko naman.
"Break na nga ... Sinusuyo pa ko" sagot nya.
"Ano ba kasalanan ?" Tanong ko ulit.
"Hindi sumunod sa manila tapos may kasama daw babae, pero pinsan nya pala" sagot naman nya.
"Naniwala ka naman na pinsan ?" Tanong ko ulit.
"Oo nakausap ko yung babae, pinsan nga ... Nagpa kita pa ng pictures nila noon eh pero galit parin ako kasi di man lang nya ko ni update na di pala sya susunod sa manila. Dun ko sana papa kilala kila nanay eh" sagot nya.
"Ewan ko sayo Lia ... Lalong sumakit ulo ko sa pakikinig lang sayo" biro ko naman.
"Ate baka masundan agad si Ree ah" biro naman nya sa akin pabalik.
"Ikaw jan ang mag ingat ! Mamaya mauna kang mabuntis kesa mapa kilala mo" sagot ko naman.
"Mag asawa kami pero kayo hindi" dagdag ko pa.
"So may nangyari nga kaya tanghali ka na nagising ?" Pang aasar naman nya.
Hindi ko naman ito sinagot na at inirapan na lang.
Narinig naman na namin ang boses ni Ree na madaldal at mama ng mama.
Pagpunta nila sa amin ay sama agad ito sa akin at parang galing iyak.
"Bakit umiyak ito ?" Tanong ko naman.
"Hinahanap ka bigla eh, asan ka daw kaya inuwi ko na" sagot ni Rod.
"Kuya wag mo kasing pina pagod maigi si Ate para nakaka sama sa pag pasyal nyo" biro naman ni Lia at kukurutin ko naman ito ng makalayo agad at takbo palabas.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️
