Chapter 16

115 22 5
                                        

Iyay's Pov:

I saw them hugging each other and flirting and laughing in the balcony of that room.

Ang sakit sakit na ang tinuring kong kaibigan at inakala kong magiging kapatid ko ay aagawin ang taong pinaka mamahal ko.

I thought she's just that friendly at mahal na mahal ang nawala nya na asawa pero inaagaw na pala nito ang asawa ko.

Tinignan ko naman sa phone ang picture nila kahapon na nasa restaurant ni Rey.

Pinadala ito ng kaibigan ko na saktong nasa restaurant din kahapon.

Noong una ay pinag laban ko pa na baka nagkita lang sila sa manila at business partner din namin si Imee.

Pero sinabi na iba mag tawanan at iba ang kapit ni Imee sa asawa ko nung paalis na sila sa restaurant.

Narinig daw nya na pina kilala ito na business partner pero grabe ang yakap nya sa asawa ko habang naka angkas at hindi din iyon ang motor ni Rey. Wala naman syang scooter sa bahay namin sa manila.

Naniwala na ko na may kakaiba sa kanila ng mag tanong sa akin ang kapitbahay namin dito sa manila kung umuwi kami dito dahil nakita nya si Rey sa ibang kotse at may kasamang bata at babae na sakay. Iisa lang kasi kami ng subdivision nila Imee dito sa manila.

Kinabahan na ko dahil sinabi nito kaninang umaga na papunta sya sa investor at mala late lang lagi ng reply o tawag sa akin sa sobrang busy.

Noong una ay binabalewala ko ang pagiging cold nito sa akin at halos hindi na ko kausapin dahil sya lang mag isa sa Davao at baka madaming trabaho sa farm at ibang business namin. Naniniwala din naman ako kay nanay sa mga sinasabi nito na busy lang ito sa farm at nag manila nga for investors.

Hindi ko alam kung alam ni nanay lahat ng ito, lahat ng kalokohan ni Rey sa akin, pero wala na akong paki kung alam nya o hindi dahil sa punto na ito humadlang o kampihan man ni nanay si Rey ... Ang akin ay akin parin.

"Hindi kita kayang i confront ngayon Imee dahil sure ako na ipagla laban ka lang ni Rey mula sa akin at itatago, ayokong mag hiwalay kami kaya titiisin ko muna ngayon" sa isip isip ko naman.

"Pero sisiguraduhin kong pagbalik ko hindi na kita hahayaan na ma solo mo sya ... Ahas" dagdag ko pa habang nakatingin sa picture nila sa restaurant.

Imee's Pov:

Tulog na si Rod at naka tingin lang naman ako sa kanya na yakap nya si Ree dahil naka yakap ito sa kanya din.

"Daddy's girl na sya dati mommy's girl lang eh" sa isip isip ko naman.

Kinabukasan ay late nagising naman ako ng may naka upo na sa may waist ko.

"Gising na si mama ... Yehey at last chubchub" rinig ko naman sabi ni Rod at tingin ko sa kanila na hawak si Ree para di mahulog sa pagkaka upo sa akin.

"Ano bang trip nyo ?" Tanong ko naman sa kanila.

"We are going to Ilocos diba ? 9am na mahal" sabi naman ni Rod at napa upo naman ako.

"Bakit di mo ko ginising ng maaga ? Gagabihin tayo nyan" sabi ko naman at tayo agad para mag ayos.

Sumunod naman sa akin ang dalwa sa closet room at binigay ko naman kay Rod ang damit ni Ree.

"Love naligo na kami, ikaw na lang tapos breakfast na tayo" sabi naman ni Rod.

Tumango na lang naman ako at naligo na ko sa bathroom.

Pagkatapos ko ay wala na din dito ang bag namin na kinatingin ko kay Rod.

"Nasa kotse na ... Bakit ba tinanghali ka ng gising ? Maaga tayo natulog diba ?" Tanong naman nito.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon