Imee's Pov:
Halos anim na araw na ang nakakaraan at hindi parin nagigising si Rod.
Pinagta tabuyan naman ako ni Iyay at hindi pinapa pasok sa kwarto at pati si Nanay ay hindi nito pina pakinggan.
Sya daw ang asawa ni Rod at hindi ako kaya wala akong karapatan para bantayan ito doon.
Isang oras lang din ang binibigay nya sa akin para ma dalaw ko ito at umaalis din sya kapag nandon ako.
Nasa bahay naman ako at si nanay lang ang taga monitor ko kay Rod.
"Ate hindi ka kumain kagabi, kain ka na" sabi naman ni Lia.
"Mamaya na ... Antayin ko lang magising si Ree" sabi ko naman dito.
"Gusto mo ba itaas ko na lang dito yung almusal mo ?" Tanong naman nya.
Ngumiti lang naman ako sa kanya at bahagyang tumango.
Paglabas ni Lia ng kwarto ay saktong gising naman ni Ree.
"Good morning anak" bati ko naman dito at ngumiti naman ito sa akin.
"Katulad na katulad talaga ngumiti ng ama" sabi ko naman dito.
Binuhat ko naman sya at bumaba na kesa itaas pa ni Lia ang pagkain ko.
Ayoko naman talaga kumain, wala akong gana.
Kinuha ni Manang si Ree at hinila ako para mag breakfast.
"Kumain ka ... Pag gising ng asawa mo baka akala nun ginugutom ka namin" sabi naman ni Manang na kina iyak ko sabay tingin sa kanya.
"Paano kung di na sya magising ?" Tanong ko naman dito.
"Imee ..." Pagalit naman tawag ni Manang.
"Or paano kung magising sya pero hindi na nya ulit ako kilala ?" Tuloy kong iyak na sabi.
"Ate ang oa mo ... Hindi ka naman talaga pa kilala ni Kuya as Rod eh, pero na inlove parin sya sayo. Sure ako hindi ka nun maka kalimutan" sabi naman ni Lia.
"Pakilala ka ulit if ever makalimutan ka" mahina pa nitong sabi at kita ko naman palihim itong kinurot ni Manang.
"Wag ka makinig dito, magigising at kilala ka ni Rody okay ? Kain na Imee" sabi naman ni Manang at tumango na lang ako.
Pagkatapos ko kumain ay naligo naman na ako at nag bihis.
Sabi ni nanay ay wala daw si Iyay doon at pinauwi nya muna. Nakipag away pa daw talaga sya doon manalo lang sya kay Iyay na pauwiin ito.
Ayaw kasi na nya talaga bumitaw kay Rod ...
Pagdating ko ng hospital ay dala ko naman na si Ree at pasok namin sa kwarto nito.
"Dada" tawag naman ni Ree at nagpa baba agad para pumunta dito.
Binuhat naman ito ni nanay at umupo sa harapan ni Rod.
"Dada" gising naman nya sa dada nya at kinukurot kurot pa ang mukha tulad ng ginagawa nya dito.
Ngayon lang kasi nakita ni Ree ang dada nya mula nang aksidente ... At pinapa ulit ulit ko lang ang kanta ni Rod dito sa voice message pag hinahanap nya ito.
Nag sign naman si nanay sa akin na lumapit na dahil nasa harapan lang ako ng pinto.
Nang maka lapit ako kay Rod ay pina upo naman ako ni nanay at binigay sa akin si Ree.
"Dada ?" Patanong naman na sabi ni Ree sa akin dahil nagta taka siguro kung bakit hindi nagising.
"Sleepy pa si dada anak ..." Sagot ko naman dito.

BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️