Rod's Pov:
Isang linggo mula ng maka uwi kami ni Imee at di ko naman ito mapuntahan. Lagi na lang kasi nagpa pasama si Iyay kung san san at kapag paalis ako ay sya naman ang suma sama dahil nabo bored na daw sya sa bahay.
Kapag inaakit ko naman ito kila Imee ay laging nagda dahilan na paano kami bubuo ng baby kung nakiki kuha kami ng baby ng iba.
Hanggang message ko lang din naka kamusta si Imee at Ree at sa gabi ko lang napa panuod ang video ni Ree na sine send ni Imee.
Kagabi ay naawa ako dahil umiiyak si Ree at hinahanap na daw ako dahil nakita nito sa phone ng mama nya ang picture namin.
Wala akong magawa kung di padalan na lang ng voice message si Ree dahil kapag naman video call na tulog na si Iyay ay madalas tulog na rin si Ree at si Imee ay antok na rin.
Nagli linis naman ako ngayon ng kwarto ng lumabas si Iyay ng naka towel lang.
"Nakalimutan mo ba damit mo ?" Tanong ko naman at umiling ito.
Lumapit naman ito sa akin at inagaw ang hawak kong feather duster.
"Sabay tayo maligo babe" akit naman nito sa akin.
"Mauna ka na babe, nagli linis ako oh, matagal natin di kasi nalilinis" pagda dahilan ko naman.
Umupo naman ito sa kama at nag cross arm sabay salubong ang kilay na tumingin sa akin ng masama.
"Babe ... Mamaya na lang" sabi ko naman dito at hawak sa kamay nya.
"You don't love me na ?" Tanong naman nito.
"Of course not babe" sagot ko naman at halik naman nito sa kamay nya at noo.
"Mauna ka na maligo, date tayo ... Hindi ako pupunta ng farm eh" suyo ko pa dito at ngumiti naman na ito at tumango na lang.
Pagkatapos namin mag ayos ay palabas naman na kami ng utusan ako ni nanay.
"Bigay mo ito kay Imee ... Wag mo ka kalimutan Rey ha ?" Sabi naman ni nanay.
Kukunin naman ito ni Iyay ng pigilan nya ito at iabot ulit sa akin.
"San kayo pupunta ? Diba pinapa tulong kita Iyay ? Hatid mo muna yan kay Imee, Rey. Balikan mo itong asawa mo. Nagpa patulong ako dito dun sa pag aayos ng pinamili ko eh" sabi pa ni nanay at wala naman nagawa si Iyay kung di mag agree na lang.
Pumasok naman ito sa loob at tumingin naman sa akin si Nanay.
"Sabihin ko inutusan pa kita sa iba para kahit bago mag lunch ka umuwi. Sige na punta ka na sa anak mo" bulong naman ni nanay sa akin at napa ngiti naman ako at yakap sa kanya.
Habang nagda drive ay tinawagan ko naman si Imee ...
"Hello mahal ?" Bungad ko naman dito dahil di nasagot.
"Yes ?" tanong naman nito sa akin.
"Mainit ata ulo ng mahal ko ah" biro ko naman dito na sagot.
"Bakit ka ba tumawag ?" Parang galit naman nito na tanong.
"Mahal papunta ako jan, inutusan ako ni nanay ibigay sayo yung niluto nya tapos sabi nya bago ako mag lunch umuwi sasabihan na lang nya si Iyay na initus---" putol ko naman paliwanag dahil pinatay nya ang tawag.
"Anong nangyari dun ?" Sa isip isip ko naman.
Hindi ko naman na tinawagan at baka mainit lang ang ulo at baka hindi pa ako maka pasok sa bahay kaya dinalian ko na lang mag drive papunta doon.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️
