Chapter 31

138 22 7
                                        

Rod's Pov:

Pag gising ko ay tulog pa si Imee at nakayakap na si Ree sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at di ko nareplyan si Rochei kahapon.

Pag open ko ay may message din pala si Chris at open na ito, marahil ay na open ko ito kagabi bago patulugin si Ree at nakalimutan ko din basahin at replyan.

"Roch sorry busy lang dito nag anniversary kami ni Imee, wag ka na mag message, hawak kasi ni Imee ang phone ko, kita na lang tayo mamaya pag uwi namin. Don't reply na din" sagot ko naman sa message nya kagabi.

Binuklat ko naman ang message sa akin ni Chris at nagka palit nga kami ng ring. Sya kasi kasama ko sa pag bili ng necklace at ring na ibibigay ko kay Rochei mamaya.

"Chris pag uwi ko mamaya na lang, daanan ko bago pumunta kay Roch" sagot ko dito.

Agad itong nag reply naman sa akin.

"Iiwan ko sa office ? May pupuntahan ako Rody" reply naman nya sa akin.

"Wag ... Wag sa office, alam mo naman andun si Lia. Ipakiusap mo na lang sa helper mo, kukunin ko sa inyo" reply ko dito.

Nag okay naman ito at gumalaw naman si Imee kaya ni delete ko agad ang messages namin.

Tumingin sa akin si Imee at ngumiti ako dito.

"Good morning mahal" bati ko at kiss dito sa noo.

Inayos nya lang si Ree at tumayo.

"Pa bantay kay Ree. Mag aayos lang ako" sagot nito at wala man lang akong narinig na bati.

Marahil ay sa kaka isip ay nagka bad dream na naman.

Nagising na si Ree at malaki ang mata na tumingin sa akin.

"Ang cute talaga ng anak kong ito eh" sabi ko naman sa kanya at kalong agad para di umiyak.

"Mama" hanap naman nya sa mama nya at tingin sa buong kwarto.

"Nag shower anak, wait natin" sabi ko naman dito at labas sa kanya sa balcony para malibang.

"Wit wit" turo nito sa puno na may dalwang ibon.

"Wow ... You want that ?" Tanong ko dito pero umiling at ngumuso.

"Ouch" sagot nito at turo sa may kamay nya.

"What ouch anak ?" Tanong ko dito at turo ulit sa ibon.

Marahil ay gusto nyang sabihin na baka sya kagatin ng ibon.

"No anak they don't bite, they peck lang" biro ko dito at as usual di nya naintindihan kaya tumingin lang sya sa akin.

"Meow" sabi ulit nito at turo naman sa may baba.

"What's that anak ?" Tanong ko ulit.

"Meow ..." sagot nya sa akin at natawa naman ako dahil kahit anong animals puro sound ang sagot nya talaga lagi.

"That's cat ... Say cat" turo ko dito.

"Meow ... meow" sagot parin nya at turo sa pusa sa may baba.

Na kiss ko na lang naman sya sa cheeks sa sobrang cute ng anak ko.

"Mama ?" Tanong naman ulit nito at tingin na sa may kwarto.

"Mama is still showering anak eh" sagot ko ulit dito.

Inakit naman nya ko sa loob at nag simula ng umiyak.

Manang mana sa nanay, bigla biglang nagi iba ng mood.

Pagpasok namin ay saktong labas ni Imee at naka towel lang ito.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon