Imee's Pov:
"Ahhh ...." Pahirapan kong pag push habang nanga nganak.
"Sige pa Imee push pa, konti na lang" rinig ko na sabi ni doctora at push ko naman ng todo.
Naramdaman ko naman na parang lumabas na ito at napa pikit naman ako sa sobrang pagod at narinig ko itong umiyak bago ako nakatulog.
Nagising ako ng may parang nagki kiss sa pisngi ko.
Nang tignan ko ito ay si Ree pala at kapit ito ni Lia.
"Gising na si mama, baba na" utos naman ni Lia at hinawakan ko naman si Ree sa pisngi.
"Ano na nangyari ?" Tanong ko kay Lia.
"Healthy si Dree ... Ang pogi pa" sabi naman ni Lia.
Tumango lang naman ako at ramdam ko parin ang pagod sa panga nganak.
Maya maya ay dala na ito ng nurse at binigay sa akin. Si Ree naman ay pumanik sa upuan para makita din ito.
"Mama cute" sabi naman nito sa akin.
"Yawn mama oh" dagdag pa nya ng humikab ang kapatid nya na kinatawa namin.
"Ang ingay mo Ree, naiirita sya oh" sabi naman ni Lia dito.
Inirapan naman ni Ree ito at ngumuso.
"Manang mana sa nanay" natatawa na sabi nito at natawa ulit ako.
Pinag masdan ko naman si Dree at hawig parin ata sya ni Rod kesa sa akin.
"Breast feed na po mam" sabi naman ng nurse at tinulungan ako nito para pa dedehin si Dree.
Habang na dede ito ay may pumasok naman at sumigaw si Ree dito.
"Papa !!!" Sigaw na tawag nya.
Lumapit naman sya kay Ree at binigyan ito ng pagkain.
Hinalikan naman ako ni Rod sa noo at tumingin sa anak nya.
"Kanina umiiyak na yan sa nursery eh, tagal daw magising ng mama nya" sabi naman nito at inirapan ko naman.
Pinalapit ko naman ito at inayos ang bandage nya sa noo.
"Nakapag pa check up ka na ba ?" Tanong ko dito at tumango naman sya.
"Tinatawag ako ng Rey ang kulit, sabi ng Rodrigo ang pangalan ko eh" inis na reklamo nya naman.
Tinignan ko ito mabuti para asarin.
"Ayan ka na naman, gusto mo ba i announce ko dito sa buong hospital saan saan ka may nevi ?" Asar nya sa akin agad.
"Che ! Malay ko ba kung si Rey ka parin ? Niloko mo ko eh" Sagot ko na lang.
"Hindi nga ... Naiinis na ko mahal. Di ko nga maalala paano natin ginawa yan cute na bagong baby natin" asar na sagot nito.
"Ate si Rodrigo nga ... Asar na asar agad eh" pang aasar ni Lia at tinignan ito ni Rod ng masama.
"Oo nga Lia, bugnutin eh" dagdag ko pa.
Umupo lang si Rod sa tabi ko sabay tinignan si Dree at di kami pinansin.
Tumingin naman ako dito at napa ngiti ako ng ngumiti ito habang tinititigan si Dree.
"Sa susunod mahal, gawa ulit tayo ng ganito ha ? Kasi alam ko ngang ginawa natin itong makulit na Ree pero di ko naman nakita na ipanganak, tapos ayan naman di ko alam na ginawa natin pero nakita ko na ipanganak" sabi nya at tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️
