Chapter 32

165 24 7
                                        

Rod's Pov:

Isang linggo na mula ng huli kami mag usap ni Rochei dahil nag hinala na daw si Imee.

Nag sumbong si Roch na pumunta doon noong isang linggo si Imee at Lia at may binili daw na black roses pero binigay din sa kanya.

Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dahil kakaiba si Imee these days, ni hindi nya ko kinausap tungkol sa hinala nya sa amin ni Rochei ... She's very calm at alam kong mas nakaka takot kapag kalmado sya.

"Whose this ?" Rinig kong kausap ni Imee kay Ree sa playroom habang nag aayos ako ng laruan dito.

"It's Ree's train" sabi pa nya at pakita ng bagong toy train na binigay kahapon ni mommy nung nag punta dito.

"Chug ... Mama" sabi naman ni Ree.

"Yes anak, that's the sound of train" turo pa ni Imee dito.

"Ouch" rinig ko na sabi ni Ree at napatingin ako dahil kanina pa nya sa akin sinasabi din yun at may tinuturo sa may bandang tiyan nya.

"Alin anak ?" Tanong ni Imee dito.

Tinuro naman ni Ree ang stomach nya at nagpa kalong kay Imee saka humilig.

"Kahapon ka pa ganito ... Okay ka tapos maya maya papa kalong ka na naman at hihilig" alala ni Imee na sabi.

Lumapit naman ako sa kanila at tinignan si Ree.

"What hurts anak ?" Tanong ulit ni Imee at turo ulit nito sa may stomach nya at hilig ulit.

"Dalhin na natin kay Doctora nya" sabi ko naman.

"Kahapon pa yan tinuturo sa akin din, kala ko nagugutom lang" sabi ko pa dito.

"Hindi naman sya naiyak. Na dede din naman" sagot nito sa akin.

"Baka nga minsan nararamdaman nya, kaka dede lang nya tapos ganyan na naman sya" sagot ko din dito.

Hindi na ito sumagot at lumabas sila ng playroom.

Sinundan ko naman sila at binihisan naman nya si Ree kaya nag bihis na din ako.

Ang hirap kay Imee ngayon di na sya minsan magsa salita at dapat gets ko na agad ang gagawin.

Pagka bihis ko ay binigay sa akin si Ree at sya naman ang nagpalit ng damit.

"Are you okay anak ?" Tanong ko dito at tumingin lang ito sa akin.

Tinignan naman ito ni Imee at ni check kung mainit ba.

"Hindi siguro natunawan, sabi ko sayo kasi sabihin mo kay mommy wag bigyan ng bigyan ng kung ano ano at isang taon palang ito" pagalit naman ni Imee.

"Syempre mahal di ko masabi kasi si mommy iyon, magagalit sa akin sabihin ang oa natin na magulang" sagot ko dito.

Inirapan naman nya ako at di nag salita.

"Lagi akong nasa silent treatment these days ah" sa isip isip ko naman.

Pag dating namin kay Doctora ay 4 pa ang naka line up.

Umiiyak naman si Ree dahil ayaw ng naka upo lang kaya nilabas ko muna.

"Brrrrr" sabi nito ng maka kita ng motor at okay na naman ang pakiramdam.

"Anak moody ka lang ata eh, minsan okay ka tapos bigla ka na lang hindi, gusto mo lang ata magpa labas ano ?" Biro ko dito at tumingin lang sa akin at bigla akong sinampal sa mukha.

"Anak naman ... Joke lang, mana naman sa mama eh" natatawa ko naman biro ulit.

"Mahal ... Tayo na" tawag sa akin ni Imee sa may pinto ng clinic kaya pumasok na kami.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon