Chapter 17

62 18 11
                                    

Rod's Pov:

Pag gising ko ay wala na si Imee sa kalapit namin at si Ree naman ay saktong pa baba na ng kama kaya agad kong na kapitan.

"Mama" sabi naman nito at maluha luha na hanap sa mama nya.

"She's just outside anak" sabi ko naman at buhat dito.

Gulo gulo naman ang buhok nito kaya inayos ko naman muna at hinanap ang pang hair tie habang nag iiyak ito ng mahina at mama ng mama.

Ang iyak pa naman nya ay parang nagpa paawa na hanapin ang mama nya.

Dinala ko na din muna sa Cr para mag ayos muna ako at i wipes din ito.

Pinalitan ko na din ng diaper muna si Ree at binihisan na rin.

Pagka ayos namin ay lumabas naman na kami at hinanap si Imee.

Hindi ko naman ito nahanap sa loob ng bahay at palabas naman na kami ng marinig ko sa tagiliran ito at parang may kausap.

Pag punta namin doon ay nasa dirty kitchen pala ito at naglu luto.

"Sinong kausap mo ?" Tanong ko naman dahil sya lang naman ang nandito.

"Dumaan sila Manong papunta sa may sugarcane eh kaya bumati lang ako" sabi naman nito.

"Mama" sabi naman ni Ree at sasama dito.

"Naglu luto pa ko kay dada ka muna anak, bakit umiyak ka" sabi naman nito at nguso nya sabay halik ko.

"Kay Ree ako ki kiss hindi sayo" reklamo naman nito at kiss kay Ree.

"Akala ko sa akin eh" natatawa ko naman na sagot.

"Saka mama ng mama kanina nung nakita nya wala ka sa room kaya umiyak" dagdag ko pa.

Hindi naman nya ko pinansin at inirapan lang.

Pagkatapos naman nya magluto ay sa labas na din naman kami kumain at naka kalong lang si Ree kay Imee.

"Pinag laruan mo ba ito ? Bakit ganito pagka katali ng buhok ? Hindi pantay tapos hindi pa partner itong damit oh" reklamo naman nito.

"May partner pa yan ?" Tanong ko naman.

"Oo hindi ito ang short nito, Rod magkaka lapit na yun talaga" sagot naman nito.

"Puro white lang mga kalapit nyan, malay ko ba na kailangan pala partner partner" sabi ko naman.

"Eh etong buhok di pantay ang pagkaka tie" reklamo pa nito.

"Ang likot nya eh" sagot ko naman ulit.

"Pinalitan mo ba ng diaper ? Baka di mo hinugasan" pagta taray naman nito.

"Ni wipes ko, ganun turo sa akin ni Manang" depensa ko naman.

"Wipes ? Pag magpa palit ka lang nun eh, pag gabi bago matulog at umaga pagka gising niwa wash ito, buong gabi sa kanya yun diaper nya, magkaka rashes ito" pagalit naman nya.

"Hindi ko alam ... Next time na lang, ngayon ko lang nalaman" sagot ko naman.

Hindi naman ito sumagot na dahil ang aga aga nagta talo na naman kami.

Ibang iba talaga sya kay Iyay. Si Iyay tahimik ... Wala ka na maririnig na reklamo, matiisin kasi sya kahit ayaw nya susundin na lang nya. Pero si Imee she's very vocal, lahat sasabihin kung anong gusto nyang sabihin, pero sobrang lambing pagnag lambing.

TIMELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon