Imee's Pov:
Nasa airport na kami at papunta kami ngayon ng manila. Narinig ko naman si Rod na nagpa alam kay Iyay na may pupuntahan lang syang business sa manila at 2 weeks sya doon.
Malamang pumayag si Iyay dahil kasama namin ito ngayon at in 2 weeks uuwi na din si Iyay.
Naintindihan ko naman kung hindi pa nya mahiwalayan si Iyay, at alam ko naman na minahal nya din talaga ito nung mga panahon na hindi pa kami nagta tagpo.
Si Iyay ang pumuno ng pagma mahal kay Rod na dapat ako ang magbi bigay.
Kahit nako konsensya ako dahil sobrang innocente ni Iyay at walang alam sa nangyayari wala naman akong magawa dahil kailangan ko din naman ipaglaban ang akin.
Pagkatapos ko mag powder room ay nakita ko naman si Rod at Ree na nakatayo at paikot ikot lang.
"Anong problema nyo ? Hindi kayo maupo muna" tanong ko naman kay Rod.
"Ayaw nya eh, naiyak gusto lakad lakad" sagot naman nito sa akin.
Hindi naman nakasama si Nanay at sila Manang samin kaya kami lang ni Rod ang mag kasama.
"Eh bakit wala na yan short at naka diaper na lang yan ?" Tanong ko ulit dito.
"Pinatanggal nya, nakakahiya nga eh ang lakas umiyak" reklamo naman nito.
"No daw" dagdag pa nito.
"Sabi sayo ayaw nga nya kasi nung short masikip ata, sinuot mo parin" dagdag ulit nito na sabi.
"Anak naman" reklamo ko na lang at akit sa kanila maupo ulit.
"Nung isang beses sandals pinatanggal mo ngayon naman itong short, baka sa susunod diaper na lang suot mo" pagalit ko naman kay Ree na kinatawa ni Rod kaya tinignan ko ito.
"Nakakatawa kasi akala mo pina pagalitan mo 10 years old na" sabi naman nito.
"Rey it's just an expression" sagot ko naman dito.
"Call me what you call me before, para naaalala ko" sabi naman nito.
"Ayoko nga, mamaya matawag kita na kalapit si Iyay ng tawag ko sayo noon noh" sagot ko naman.
"Hindi yan ... Ano bang tawag mo sa akin at tawag ko sayo noon ? Nung tayo na ha like gf na kita simula nun" tanong naman nito.
"Pangalan lang" maikli ko naman sagot.
"Hindi ako naniniwala ano nga ?" Pilit parin nito.
"Ano ba ! Wag na nga kasi eh" inis ko naman sabi.
"Okay sa madaldal na si Lia ko na lang itatanong, alam nya lahat. Dami nya kwento sa akin kung gaano mo ako ka mahal" sabi naman nito.
"Nakakainis kayo ! Bakit nyo ako pinagchi chismisan ?" Galit ko naman reaction.
"Sya lang noh ... Hindi ako nagta tanong kusa nya sa akin kinuwento" depensa naman nya pero di ko na lang pinansin.
"So ano nga ? Anong tawagan natin ?" Pilit pa rin nito.
"Gusto mo lang marinig sa akin eh ! Pero alam mo naman talaga" reklamo ko naman.
"Eh sabihin mo na kasi, nakalimutan ko Imee" pilit parin nito.
"Bahala ka hindi ka maki cooperate edi lalong tatagal itong situation ko, lalo akong magta tagal kay Iyay" panakot naman nito.
"Dali na ano, para yun na tawagan natin simula ngayon, kaya naman natin i remind yung sarili natin kapag kasama natin sya eh" pilit parin nito.
BINABASA MO ANG
TIMELESS
RomanceAt the End of the Day ... You're Mine ! My gatekeep story ... Scroll to my other stories hahahaha, do not read ! Fanfiction only 🫶🏻 Dumee 💚❤️
