Chapter 1: First day of school

411 25 0
                                    

Siri's Room

Nakahiga ako sa aking kama at nakatitig sa kisame ng biglang tumawag si Anne. Hindi pa man ako nakaka hello sa kanya eh bigla na agad itong sumigaw.

Siri I miss you na! Bukas na first day of school mo di ba?

Siya si Anne one of my best friends. Noong sinabi ko sa knya na lilipat na kami ng bahay eh! nag pupumilit siyang sumama para mag kasama kami ng school.

Oo beh wag ka namang sumigaw.

Sorry beh miss na kita ng sobra tsaka alam mo naman na excited ako sa mga mang yayari sa buhay mo kailangan updated ako.

Ganyan talaga siya gusto niya nag kukwento ako sa kanya ng nangyayari sa buhay ko araw araw pati mga kinain ko kapag hindi kami mag kasama kailangan alam niya. Siya na yata ang living dear diary ko.

Don't worry I'll text you always after ng school ok? miss ko na rin kayo. Hindi nga ako mapakali ngayon eh kasi kinakabahan ako para bukas.

Make sure na updated ako ha! At bakit naman? Dapat excited ka nga kasi new environment.

Ewan ko ba beh maninibago yata ako. Tsaka wala kasi kayo eh!

Kaya mo yan beh ikaw pa ba?

Yan ang lagi niyang sinasabi kapag na di-discourage ako. Pessimistic akong tao at siya naman ang friend kong Optimistic na laging naka back up sa akin pag na panghihinaan ako ng loob.

Doon na naputol ang usapan namin ni Anne. Ipinikit ko na ang aking mata at mahimbing na natulog.

Ako nga pala si Siri 15 years old. Nag iisang anak lang ako at maagang iniwan ng aking papa. Sa Quezon city talaga kami nakatira at bagong lipat kami sa Cavite dahil dito na assign si mama para sa work niya. Hindi ko alam kung bakit mahirap para sa akin ang mag adjust sa mga bagay bagay. Meron yata akong seperation anxiety sa mga taong mahal ko sa buhay.

St Mark Academy of Cavite

Please check your designated section at gymnasium. Yan ang nabasa kong karatula sa harap ng malaking gate ng St Mark. Infairness sa school na ito malaki at halatang private school. Bubungad sayo ang malaking gate at pag tumingin ka ng diretso makikita mo ang malaking gym at ang tatlong building na nakatayo sa dalawang gilid nito at isa likod. Habang papalapit ako sa gym nakita ko na ang board kung saan maraming estudyante ang nag kukumpulan at hinahanap ang pangalan nila. Tumingkayad ako at nagbabaka sakaling makita ang aking pangalan pero na bigo ako dahil masyado pa rin akong malayo. Pinilit kong isiksik ang aking sarili at duon ko nakita...

IV - Intelligent
12. Siri Mae R. Salazar

Matapos kong makita ang akin pangalan ay sumiksi na ako palabas ng nag kukumpulang erstudyante. Naglalakad na ako palayo sa board ng biglang

BLAG!!!! Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa sahig ng gym dahil tinamaan ako ng bola. Tumingin ako sa aking paligid ng napansin kong lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Tumayo ako at sumigaw...

Sinong nag hagis ng bolang to?

Katahimikan ang sinagot sa akin ng mga estudyante ng biglang may narinig akong boses sa aking likuran.

Ako.

Malumanay ang boses na iyon at halatang galing sa isang lalaki. Lumingon ako at sumalubong sa akin ang isang matangkad, maputi at katamtamang laki ng katawan ng isang lalaki. Mapula ang labi nito at maganda ang mata.

Bakit ka kasi hindi tumitingin sa paligid mo? Masungit na pag kakasabi nito.

Wow ha! Pasensya na kasi bakit kayo may dalang bola sa unang araw ng klase? Masungit na pag kakasabi ko.

Hindi ito umimik at tinitigan lamang ako. Hinagis ko sa kanya ng malakas ang bola pero madali niya itong nasalo.

Bago ka rito noh? Tanong nito.

Uu, pero hindi mo ako dapat batuhin ng bola.

Hindi ko sinasadya yon. Sabay talikod nito at lakad palayo

Mag sorry ka! Galit na utos ko.

Hindi ito lumingon kaya hinabol ko siya sabay hawak sa kanyang braso upang ipihit siya paharap ng bigla niya akong hinalikan.

Hindi ako nakagalaw ng mga sandaling iyon. Nararamdaman ko rin ang malambot niyang labi. Nanghina ako sa gulat ngunit mabilis ko rin naigalaw ang aking kamay sabay sampal sa kaniya.

Woooh!!

OMG!

The crowd is getting crazy about the scene.
Napansin kong may lumapit na tatlong lalaki.

Cedrick ok ka lang? Tanong ng isang lalaki sa kaniya.

Tumingin ako kay Cedrick, nakatitig lang siya sa akin napansin kong dumudugo ang labi niya. Kinabahan ako ng sandaling iyon sa kung ano ang gagawin niya pero ngumiti lang ito sabay punas ng panyo sa labi niya. Biglang tumunog ang malalaking speaker sa itaas ng gym

Please go to your designated room. The class is about to start in 5 minutes.

Binalikan ko ng tingin si Cedrick ngunit wala na sila sa kanilang kinatatayuan. Napansin ko rin na umaalis na ang mga estudyante sa gym.

Naglakad na rin ako papunta sa aking classroom habang nakahawak sa aking labi dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa ng Cedrick na iyon. Bukod sa mama ko, siya pa lang ang unang lalaking humalik sa labi ko.

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon