Siri's Room
Nakahiga ako sa aking kama at inaalala ang lahat ng nangyari kanina lalo na si Cedrick. Nakatatak sa isip ko ang postura niya nuong lumingon ako at kung gaano kaakit akit ang kanyang mukha. Tulala ako at pa ikot ikot dahil hindi ako makatulog at sa sobrang inis ko Ay bigla akong sumigaw.
May gusto na nga yata ako kay Cedrick.... Arghhhhhhh!?
Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad si Mama napansin ko agad ang kanyang mukha na nag aalala.
Siri ano'ng nang yayari sayo bat ka sumigaw? Nag aalalang tanong nito. Natahimik ako ng sandali at umamin sa kanya.
Mama in love po ako. Dahan dahan kong pag amin sa kanya.
Hala ang baby ko nag dadalaga na! Ayos lang yan anak. Akala ko naman kung ano ng nang yayari sayo at nag susumigaw ka eh! Sino naman tong swerteng lalaki na to?
Cedrick po pangalan niya. Hindi ka po galit?
Bakit naman ako magagalit? Matagal ko ng hinihintay na marinig sayo to anak. Akala ko nga hindi ka tao eh kasi hindi ka na i-inlove O nag kukwento kung may crush ka. Biro nito.
Mama naman eh! At sabay kaming humalakhak.
Anak may gusto naman ba sa iyo itong Cedrick na tinutukoy mo?
Hindi ko nga po alam ma!
Anong ginagawa pag hindi alam ang sagot?
Tinatanong?
Korek! Gawin mo yan anak. Walang masama sa pag tatanong, malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman.
Ngumiti si mama at naglakad papuntang pinto. At bago niya ito isara....
Wag mong hayaang may mga tanong ka na hindi mo alam ang kasagutan. Pag isipan mo yan. I love you anak! Sabay sarado ng pinto.
Ang cool ng mama ko. Bulong ko sa aking sarili.
Pinag isipan kong mabuti ang sinabi ni Mama dahil alam ko na lahat ng yon Ay totoo at naniniwala ako sa kasabihang mother knows best. Kaya naman napag desisyunan ko na hahanap ako ng tamang tiyempo upang tanungin si Cedrick kung may nararamdaman ba siya para sa akin.
St. Mark
6:30 am o 30 mins bago mag start ang unang klase ng makarating ako sa gate ng school. Habang nag lalakad papunta sa aking classroom Ay patingin tingin ako sa kanan at kaliwa pati na rin sa mga lalaking estudyante na aking nakaka salubong at tinitignan kung Cedrick ito. Nababaliw na rin ako sa kakaisip kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko siya. Napadaan ako sa gymnasium at napansin kong may mga estudyante na nag i-ensayo ng basketball pero wala siya dito. Sabagay halos lagi naman siyang sakto pumasok sa unang subject namin kaya malamang wala pa ito.
Nang makarating ako sa aming building ay naaninag ko kaagad ang aming room. Pag pasok ko sa pinto ay upuan agad ni Cedrick ang una kong sinilayan. Mas bumilis ang tibok ng aking puso dahil nakita ko siya na nakatingin sa akin at nakaupo habang naka patong ang paa sa upuan at akala mo boss ng kumapanya. Inalis ko agad ang aking tingin Kay Cedrick at ng ako ay makarating sa aking upuan....
Late ka yata? Sabay ngiti nito sa akin.
Eh ikaw ang aga mo yata?
Di ba pag may gusto kang makita excited kang pumasok para sa kanya.
Haha hugot ba yan? Biro kong tanong sa kanya.
Hindi sinagot ni Cedrick ang tanong ko sa kanya at sinuklian lamang ako ng ngiti. May tuwa akong naramdaman ng sinabi niya na may gusto siyang makita at sa isang parte ng utak ko ay may nag sasabing sana ako yun. Lalong lumakas ang aking loob na ituloy ang aking balak na kausapin siya at tamang tiyempo lang ang aking kailangan.
P.E subject na lang ay matatapos na ang klase. Nang dumating si Mr. Garcia ay pinag palit kami nito ng t-shirt at short sa C.R at inutusang dumiretso sa gym dahil basketball ang aming topic. Pag dating ko sa gym napansin kong ako na lang ang hinhintay, habang papalapit ako sa kanila ay sumigaw si Kyla. Nakita kong napahinto si Cedrick sa pag di-dribble ng bola at napatingin sa akin.
Binigyan kami ni Mr. Garcia ng tig-iisang bola upang mag ensayo na patalbugin ito. Ang ibang kalalakihan na marunong mag basketball kagaya ni Cedrick ay naka assign upang Tulungan ang hindi marunong. Pumunta ako sa isang sulok ng gym at duon nag ensayo, sa di kalayuan naman ay si Kyla. Dahil hindi ako marunong mag pa talbog ng bola nilapitan ako ni E.J isa sa aking mga kaklase at tinuruan kung paano mag dribble ng bola, madali ko naman itong nagawa kaya umalis din siya maya maya Ay lumapit sa akin si Cedrick.....
Bakit sa iba ka humihingi ng tulong? Tanong ni Cedrick na parang nag seselos.
Hindi ako humingi ng tulong, nilapitan lang niya ako napansin niya yata na di ako marunong.
Bakit di mo ko tinawag?
Ang dami kayang humihingi ng tulong sayo.
Ipaprioritize naman kita kung tatawagin mo ako.
Cedrick may itatanong ako.
Sure! ano yun?
Gusto mo ba ako?
Bumilis ang tibok ng aking puso at dumilim ang aking paningin matapos kong sabihin iyon Kay Cedrick, kahit ako ay nabigla sa akin ginawang pagtatanong sa kanya. Ngunit habang nag hihintay ako ng kasagutan ay napansin kong nag bago ang ekspresyon ng mukha nito. Maya maya pa Ay bigla na itong nag salita......
Ha!? Anong naisip mo at naitanong mo yan? Friends lang tayo di ba? Hahaha. Palabiro ka talaga Siri.
Sabay alis nito sa aking tabi at pumunta sa iba naming kaklase na nahihirapan sa pag dribble.
Wala akong nasabi ng mga sandaling iyon. My mind was shutdown and my heart was broken into pieces. I tried not to cry but my eyes can't hold it anymore. I am so stupid to believe that he will feel the same way and here me now look stupid.
I hide my tears until Mr. Garcia sent us home. I run immediately back to our classroom to get my bag. Nagmamadali akong lumabas ng classroom ng nakasalubong ko ang ibang kong kaklase. Nakatungo lamang ako upang hindi nila mapansin ang luha na malapit ng tumulo sa akin mga mata.
Naramdaman kong hinawakan ni Kyla ang aking kamay at nag tanong kung bakit ngunit dumiretso lamang ako sa aking mabilis na pag lalakad. Nakasalubong ko din ang grupo nila Ashley at napansin kong nakatingin sila sa akin.
Ang huling kong nakasalubong ay sila Cedrick. Mas lalo kong binilisan ang aking lakad upang hindi nila mapansin ang luha ko. Nang makalagpas ako ng kaunti sa kanila ay narinig kong nag salita si E.J Siri ok ka lang?
Hindi ko pinansin si E.J at nag patuloy sa aking pag mamadali na makaalis. When I reach home and open the door my Mom was looking at me and she look worried. She probably saw my tears and to avoid her questions I proceed to my room and cry out loud to mourn for my broken heart.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Novela JuvenilMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...