Chapter 25: The Perfect Invitation

21 3 0
                                    


"Everyone, please pumila kayo ng maayos. Graduation practice will not start kapag hindi maayos ang inyong pila!!!" Sigaw ng Floor Director.

I am looking around and observing the student around me. Lahat sila masaya, nakangiti at excited sa darating na pagtatapos. 

Lumingon ako sa aking likod kung saan nakapila si Kyla. Nakikipag tawanan ito sa iba naming kaklase habang pinag uusapan ang pag kahulog ni Monique sa hagdan bago pa kami bumababa sa gymnasium. 

Sa harapan ko naman ay nakapila si Jen at sa harap nito ay si Ashley at Joanna. Pati sila ay masayang nag uusap tungkol sa Mac foundation make up na bagong bili ng magulang ni Ashley. Si Jen at Joanna ay hangang hanga na halatang gusto rin mag karoon ng ganung produkto.

Sa harap naman namin mga estudyante ay ang malaking entablado kung saan inaayos ang mga speaker at microphone. Nanduon din ang mga guro na nag aabang at magiliw na tumutulong sa pag aayos.

I can feel the happiness of people around me. I am happy for them really but the happiness I had before is no longer with me. Ang hirap ng kalagyaan ko pag katapos ng nangyari.

 A fireball inside my heart is burning alive that gives me an indescribable pain.

Habang lumulutang ang aking kaisipan ay narinig ko na may nag sisigawan sa kabilang linya. 

Hindi kalayuan sa amin ay ang pila ng mga lalaking estudyante. Naagaw ng sigawan nila ang aking atensyon kung saan may isang estudyanteng lalaki na pilit tinutulak papalapit sa linya naming mga babae. 

Hinanap ko kung saang parte galing ang naghihiyawan at doon ko napag tanto na galing ito sa grupo ng mga varsity player. Napansin ko na nag hihiyawan sila habang tinutulak si Cedrick. 

Hinawakan ni Kyla ang aking braso, humarap ako sa kanya at napansin kong nakangiti ito. 

"Si Cedrick oh!" saad niya.

"Yeah I noticed"

Napansin ni Kyla na hindi ganun ka cheerful ang aking aura.

Alam ko na naiintindihan ako nito dahil sa tuwing kakausapin niya ako ay titingin lamang ito sa aking mukha at sabay yayakapin ako ng mahigpit. 

Masaya ako kapag ginagawa niya ito dahil alam kong hindi ako nag iisa. Malaki rin ang aking pasasalamat dahil palagi itong nasa bahay sa twing hindi siya umuuwi sa kanila. 

Pagkatapos akong bumitaw sa pag kakayakap kay Kyla ay isang lalaki ang nakatayo malapit sa aking harap. Nakatindig ang pag kakatayo nito at nakalagay ang dalawang kamay sa likod Maganda ang ayos ng buhok at kitang kita ang ngiti sa kanyang mga labi. Si Cedrick.

"Bakit po?" malumanay kong tanong ko sa kanya

Nakangiti lamang si Cedrick at umiling na senyales na wala siyang kailangan.

Pinagmasdan ko ang napaka gwapong mukha nito, Napakakinis, matangos ang ilong at may dalawang malalim na dimple. Mapula rin ang labi nito habang nakangiti sa akin.

"Ano nga po yun?" ulit kong tanong.

"I love you po" sagot nito sa akin.

Naghiyawan ang lahat ng mga estudyante matapos sambitin ni Cedrick ang salitang iyon. Habang ako naman ay napayuko at  bahagyang napangiti na para bang may kuryente na biglang pumasok sa aking katawan. 

Ngunit napawi din ito at nanaig ang sakit na aking nadarama sa pag kawala ni Mama.

Hindi ko ito pinahalata kay Cedrick bagkos nagpanggap akong masaya at maayos ang pakiramdam. Tumingin ulit ako dito at ngumiti. 

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon