I hear Kyla keep on asking me but her words doesn't sink into my mind and my brain is still preoccupied about what happened.
I've already said the words that I should have just kept so, I'll just stand for it.
December 4 Thursday
After what happened yesterday I think this is the best ever news we have received.
Napagdesisyunan ng mga nakatataas na gawing foundation week instead of foundation day. Isa sa mga dahilan ay dahil natutuwa daw ang director sa preparations at efforts na ginagawa ng lahat kaya sisimulan ito sa Lunes at magtatapos ng Biyernes.
Tuloy pa rin ang pag gawa ng mga mag kaka grupo sa kanilang booth naihahanda sa foundation week. Dahil tapos na kami sa aming Make me wet booth ay free time na lang ang meron kami.
Hindi ko pa nakikita ng buo ang natapos naming proyekto kaya niyaya ko si Kyla na pumunta sa room ni Ms. Bautista upang tignan ito.
Malayo pa kami sa room ni Ms. Bautista ay napansin kong nagkakagulo ang mga tao sa P.E room. Nagkukumpulan sila sa labas ng pinto at para bang kinikilig sa nang yayari sa loob.
Nauna si Kyla na sumilip sa bintana upang malaman kung ano ang nang yayari sa loob. Nakatingin lang ako sa mukha nito at inaabangan ang kanyang magiging reaksyon. Napatingin ito sa akin at parang may gustong sabihin na hindi maganda pero hindi ito nag salita at nag yaya na ituloy lang namin ang lakad.
Habang dumadaan at nakikipag siksikan sa Nagkukumpulang mga tao ay sila namang nagtitinginan sa akin, naghihiyawan at nagkukumpulan sa di malamang dahilan. May sumigaw pa nga na "Magandang eksena to"
Nang mapatapat ako sa pinto ng P.E room ay di ko maiwasan na sumilip sa loob.
Bumilis ang tibok ng aking dib dib at parang may karayom na tumusok dito ng makita kong magkatabing nakaupo si Cedrick at isang di kilalang babae ngunit pamilyar ang mukha.
Nakaharap ang mga ito sa pinto at magka holding hands. Halata sa mukha ng babae na natutuwa ito sa nangyayari.Nang sinilip ko ang mukha ni Cedrick ay nakangiti ito ngunit ng ito ay tumingin sa akin ay nagbago ang ekspresyon at naging seryoso. Patuloy pa rin ang paghiyaw ng mga estudyante kahit kami ay nakalagpas na at ipanakita ko na wala akong pakialam which is yun naman ang dapat kong nararamdaman.
Kyla's POV
Binilisan ko ang aking lakad upang silipin ang mukha ni Siri. Wala itong ekspresyon at palingon lingon sa kung saan saan. Alam kong kahit papaano ay nasasaktan ito dahil alam ko kung gaano siya tinamaan nuon kay Cedrick.
Kung alam lang ni Siri kung gaano siya ka mahal ni Cedrick base sa mga kinukwento ni Nycor sa akin ay malamang magiging masaya ito.
Hindi ko naman alam sa Cedrick na to kung bakit nakikipag hawakan ng kamay kay Stephanie. Alam kong crush ni Cedrick nuon si Stephanie pero sabi niya ay wala na itong nararamdaman ng pagselosan ito ni Ashley nuon
Basta ngayon ang alam ko ay Siri ang apple of the eye niya. Kung nag sisinungaling man siya Ay ititigil ko na ang pag suporta sa kanya at hahayaan N makapag move on ang aking kaibigan.
Siri's POV
Pinilit ko ang aking sarili na hindi gumawa ng kahit Anong expression na magpapakita ng kahit anong ebidensya na nagseselos ako. Alam kong may stingy akong naramdaman sa aking dib dib pero natitiis ko naman. At isa itong Magandang senyales na nakakapag move on na ako.
Nang makarating kami sa room ni Ms. Bautista ay nakita ko agad ang isang malaking aquarium, mas mataas ito ng konti sa akin at sa itaas nito ay isang tabla.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Teen FictionMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...