September 11, Wednesday
Hinihintay ko na lang matapos ang Science subject namin at lunch na. Kailangan kong pumunta ng clinic upang humingi ng gamot. Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kahapon at kailangang ituloy tuloy ko na lang ang pag inom ko ng gamot ay gagaling na ako.
Hindi ako makapag focus sa aming mga lessons. Maya't maya ay tingin ako ng tingin sa bakanteng upuan ni Cedrick. Nag aalala na ako sa kanya dahil lahat ng teachers namin at kanyang mga ka team sa basketball ay lagi siyang hinahanap.
Lalo akong na-guilty sa aking ginawa nuong narinig ko ang usapan ni Lesly at Samuel, hindi daw ganito si Cedrick nuon at napaka bihira lang nito mawala sa klase kahit may practice sila. Kung hindi man ito makakapasok ay nag papaalam ito.
Ayaw kong mag overthink pero aminado ako na ako ang may kasalanan nito. Kailangan ko talagang makausap si Cedrick upang maayos namin ang aming sitwasyon at ayoko ng dahil sa akin ay napapabayaan niya ang kanyang pag aaral.
Clinic
Lunch na namin ay dumiretso agad ako ng clinic; pag bukas ko ng pinto ay isang nurse na nasa age of 24 ang naka assign dito. Tumingin ako sa name tag na nakalagay sa damit niya at Mika ang pangalan niya.
Hi, good afternoon po, hihingi lang po sana ng gamot.
Okay sige maupo ka muna. Nilalagnat ka ba?
Opo, pero sinat na lang po yata.
Okay sige check ko temperature mo ha!
She put thermometer in my ear and press something. I was surprise because the result was instant.
Hmmm medyo mataas pa rin dahil dyan bibigyan kita ng gamot. I think it's better kung mag stay ka muna dito at tatawagan ko ang parents para pasunduin ka.
NO! hindi po ayoko pong may malagpasan na lesson.
Kaya mo ba?
Opo.
Okay, sige isusulat ko na lang name mo para sa gamot ha!
Inabot ko ang aking ID sa kanya. Pag basa niya ng aking pangalan ay tumingin ito sa akin at ngumiti. Nagulat ako sa kanyang itinanong sa akin.
Kamusta naman kayo ni Cedrick?
Ha!? ano po?
Haha nabigla ba kita?
Ngumiti lang ako sa kanya.
Alam mo ba lagi kong pasyente dito si Cedrick since first year siya? Lagi kasi siyang injured sa game nila. At may na kwento siya sa akin na babaeng nag papatibok daw ulit ng puso niya. Alam ko na medyo mayabang ang dating ni Cedrick pero mabuti siya. Lagi siyang nag kukwento sa akin tungkol sayo. Pumapasok pa ba siya?
Hindi na nga po eh!
Haha! wag ka mag alala papasok din yun. He loves you and he will never let you go kasi sabi niya dadalhin ka daw niya dito sa clinic at ipapakilala bilang girlfriend niya. He promised that.
Hindi ko pa man naiinom ang aking gamot ay gumaan na ang aking pakiramdam sa aking narinig. Nagkaroon ako ng pag asa na makita ulit si Cedrick at kung makakausap ko man siya ay magiging tapat na ako sa aking nararamdaman sa kanya.
Habang pabalik ako sa aming classroom, natanaw ko sa malayo na may bag sa katabi kong upuan na kanina ay bakante at hindi ako pwedeng mag kamali na kay Cedrick ito. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag kinausap niya ako.
Dahan dahan akong lumapit sa aming classroom at nabigla ako sa aking nakita. Mag kausap si Ashley at si Cedrick. Inalis ko agad ang aking tingin sa kanila na kunwari ay wala akong nakita. Ayokong mag sinungaling sa aking sarili pero sigurado akong nakangiti sila habang nag uusap na hindi ko naman nakitang ginagawa ni Cedrick dati.
I don't know what happen but I feel that there's something pierced my heart. I feel like there's a warm acid inside me that decays my heart and I hate it.
Pinilit kong mag panggap na wala akong nakita at wala akong pakialam kung meron man.
Kinuha ko agad ang aking tubig at binuksan ang gamot sabay ininom ito. Tumingin ako sa labas ng bintana dahil napansin kong nakatingin ang iba kong kaklase sa akin. Alam kong hinihintay nila ang aking reaksyon pero bigo silang makita ang gusto nila dahil blanko ang ang aking ipinapakita Tumingin ako sa upuan ni Kyla ngunit wala pa ito at malamang ay kumakain pa.
Hindi ko alam ang aking gagawin ng mga oras na yun. Gustuhin ko man manatili na lang sa aking upuan at mag pahinga ngunit habang nandito ako ay parang tinu torture ko ang aking sarili sa aking nakikita.
Bago pa man ako tumayo sa aking upuan ay niyakap ni Ashley si Cedrick at sabay sabing "na miss kita, wag ka ng aabsent ha!"
Halos sumabog ang aking dib dib sa aking narinig. Hindi ko na alam kung ano pa ang aking gagawin dahil sa matinding selos na aking nararamdaman. Hindi ako makahinga at hindi mapakali sa aking upuan.
Nakita kong nakatayo si Kyla sa pinto at nakatingin ito kay Ashley at Cedrick na mag kayakap. Tumingin ito sa akin at napansin kong nag bago ang ekspresyon nito at sumigaw.
Siri tawag ka ni Nathan!
Hindi ko kilala kung sino si Nathan pero tumayo agad ako sa aking upuan at lumabas ng pinto. Alam ko na alibi lang ito ni Kyla. Nang makalapit ako sa kanya ay dumiretso kami sa gym.
I can no longer pretend that I am fine. Denying my emotion makes everything worst. This pain in my heart is getting worst as I keep it. Kyla hugs me and that's the time I decided to let go of my guard and burst into tears.
Huli na ba ang lahat para sa atin Cedrick? Tuluyan mo na ba akong kinalimutan?
The thoughts of it gives a huge pain my heart.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Novela JuvenilMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...