Chapter 18: Day 4

284 21 3
                                    

Siri's room, 9:46pm

Paulit ulit kong naalala ang nang yari knina sa wedding booth. Pa ulit ulit din na naglalaro sa aking isip ang mga sinabi ni Cedrick. Napaka saya ng aking nararamdaman at para bang lumulutang ako sa hangin. 

Umupo ako sa harap ng magarang salamin at pinagmasdan ang reflection ng aking sarili habang hawak ko ang aking mga labi at nakalugay ang aking buhok. 

Tumayo ako sa aking kinauupuan at binuksan ang aking computer. Madali kong binuksan ang aking FB account.

23 Friend request

2 Messages

48 Notifications

Pag bukas ko ng aking friend request ay hindi ko napigilan ang aking mga labi na ngumiti nang mabasa ko ang pangalan ni Cedrick John Legaspi. Madali kong binuksan ang profile nito bago ko inaccept. 

Pa ulit ulit na pag ngiti lamang ang aking ginawa habang sinisilip ang profile nito lalo na ng makita ko ang profile picture niya nakasakay sa sasakyan habang nakatakip ang kamay sa kalahati nitong mukha. Kahit isang mata lang ang nakikita sa picture ni Cedrick ay hindi mapag kakailang magandang lalaki ito. 

Hindi ko rin pinalagpas na tignan ang mga post ni Cedrick. Bumilis ang tibok ng aking puso at nagulat ng makita ko ang isa mga post nito 5 hours ago with 107 like and 10 comments.

Siri <3

Napayuko ako sa harap ng computer at napakagat sa aking labi ng makita kong nag post ito ng aking pangalan na may heart emoticon pa. Biglang nag flashback sa aking isip ang nangyari kanina sa wedding, nuong una ay pinagduduhan ko pa ang mga sinabi ni Cedrick ngunit ngayon ay napatunayan ko na mali ako at totoo ang nararamdaman nito para sa akin. 

Nakaramdam na ako ng antok ng mga oras na iyon, I quickly turn off my computer and lay on my bed. After thinking about him many times finally I fall asleep.

St Mark, 11:32am

Late na ako ng makarating sa school. Hinanap ko agad si Kyla, nag paikot ikot ako sa buong gym ngunit hirap akong hanapin ito. Matapos kong lumagpas sa isang booth ay duon ko nakita si Kyla na nakaupo  at nagulat ako ng makita kong kasama nito si Nycor, Mark , Lester at si Cedrick.

Mabilis akong nag tago sa booth na aking pinaglikuan. Pinag iisipan ko kung lalapit ba ako o hahayaan na lang nila na makita ako.

Matapos ang nangyari sa amin ni Cedrick kahapon ay di pa rin nawawala ang hiya sa akin. Alam ko na ok na kami ngunit hindi ko alam kung paano ako kikilos kasama siya. Na-concsious ako sa aking sarili ng mga oras na iyon at hirap na hirap akong mag desisyon kung lalapit ba ako o hindi. 

Napapaisip din ako kung paano ako papakitunguhan ni Cedrick ngayon dahil sa nangyari kahapon at hindi ko rin alam kung paano ako reresponde sa kanya kapag kinausap ako.

Sinilip ko ulit sila bago ako gumawa ng desisyon. Matapos kong tignan si kyla na nakikipag usap kay Nycor ay napansin ko naman agad si Cedrick. 

Naka semi fit jeans, naka t-shirt, at naka Vans na shoes si Cedrick. Napansin ko din na nakasuot  ito ng cap na pabaliktad na first time kong makitang gawin niya dahil palaging naka wax ang buhok nito. Anyway, kahit anong gawin naman ni Cedrick na style sa sarili niya ay bagay pa rin ito at mas nag mukha pa nga itong cool at kaakit akit.

Nag desisyon ako na pumunta na lamang ng CR pag pasok ko ay walang tao sa loob. Humarap ako sa salamin at tinignan ang aking sarili. Maayos naman ang aking pananamit naka t-shirt ako na provided ng school na tama lang sa aking katawan, naka jeggings ako na navy blue at naka ipit ang aking buhok na nakuha kong style sa isang video game na si Koudelka Iasant. 

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon