September 12, Thursday 3:34am
I woke up in the middle of the night. It was cold and I shiver so hard. I cover myself with my blanket and try to sleep however as I force myself, my head aches so I decided open my Facebook and I received a message from Kyla.
While the message is loading my heart beats so fast and I am hoping the message is not about Ashley and Cedrick.
Beh how are you? Hope everything is good.
Ayoko mang sabihin ito sayo pero I've heard that Ashley and Adrian already broke up last Monday. Get rest.Sumikip ang aking dib dib sa aking nabasa. Ayoko mang mag over think pero di ko maiwasang mag isip na baka nililigawan ni Cedrick si Ashley.
That thoughts of it makes my situation worse.
8:34am
Late na akong nakapasok sa school. Nasa gate pa lang ako ay halos umiikot na ang aking paningin at pilit binabalense ang aking sarili.
Kailangan kong pumasok dahil ayokong lumiban sa klase. Alam kong hindi lang yun ang dahilan kung bakit pinipilit kong pumasok kahit mataas ang aking lagnat.
Somewhere in my heart is hoping that something good will happen between me and Cedrick.
Bago pa man ako makarating sa aming classroom Ay halos sumabog ang aking dib dib sa aking nakita. Hindi na si Cedrick ang nakaupo sa aking katabing upuan.
Nilibot ko ang aking mata at halos lahat ng aking kaklase ay nakatingin sa akin. Pero ang isa sa hindi ko matanggap ay ang makita si Cedrick na nakaupo sa likod ni Ashley.
Wala akong naintindihan sa mga lessons namin.
Buong araw kong pinagmamasdan si Cedrick at Ashley. Halos hindi ko kayanin ang aking nakikita dahil sa sobrang selos na aking nararamdaman.Maya't maya Ay nag uusap sila, laging nakahawak si Ashley sa braso ni Cedrick at buong araw silang mag kasama mapa break or lunch.
Alam kong nasasaktan na ako sa aking ginagawa pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na sulyapan si Cedrick dahil umaasa akong may pagkakataon na kami ay mag kausap.
September 30, Friday
Naghahanda ang lahat para sa examination sa P.E. Hindi ito written kung Hindi isang Physical exam.
Nangangamba ako para sa magiging resulta ng aking exam lalo na ngayon hindi maganda ang aking pakiramdam.
Dinadagdagan pa ng pag torture ko sa aking sarili sa maya't maya kong pag sulyap kay Cedrick at Ashley.
Ok guys please change to your P.E shirt and proceed to gymnasium after 15 minutes.
Halos nag mamadali ang lahat sa pag punta sa C.R. Habang ako ay pinipilit ang aking sarili na bumalik ang dati kong sigla.
Nagpalit na rin ako ng aking p.e uniform nang bigla kong naalala na naiwan ko ang aking rubber shoes sa classroom. Kinuha ko ito kahit hilong Hilo na ako sa taas ng aking lagnat.
Bumilis ang pag tibok ng aking puso ng maabutan kong nasa loob si Cedrick mag isa at nagpapalit ng sapatos.
Nang makaupo ako sa aking upuan ay hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas ng loob na kausapin siya. Maya't maya ang pag sulyap ko kahit na likod lang niya ang aking nakikita. Hindi ako Nawawalan ng pag Asa na makita siyang lilingon ulit.
Napansin kong tapos nang mag suot si Cedrick ng kanyang sapatos. Tumayo ito at naglakad palabas ng room.
Bago pa man ito makarating sa pinto ay nilakasan ko ang aking loob at tinawag ang pangalan niya.
Cedrick!
Huminto si Cedrick sa kanyang paglalakad.
Lumingon ka naman oh!
Halos madurog ang aking puso nang tuluyang lumabas si Cedrick ng classroom. Hindi ko na rin mapigilan ang pag luha ng aking mga mata sa kirot na aking nararamdaman.
Itinungo ko na lang ang aking ulo at hinayaang magpatuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata hanggang ako ay tuluyang makatulog.
Isang boses ang tumatawag sa aking pangalan at pinipilit akong gisingin nito. Nang imulat ko ang aking mata si Kyla ang agad kong nakita bukod duon ay napansin kong walang tao sa classroom at duon ko lang naalala na exam namin sa P.E.
Pinunasan ko ang aking mukha at nag pahid agad ng pulbos. Kahit masama ang aking pakiramdam ay pinilit kong bumaba.
Sinisilip ko ang aking repleksyon sa bawat salamin na aming nadadaanan napansin kong kahit ang ipinahid kong pulbos ay di nagawang takpan ang pamamaga ng aking mata na senyales ng aking pag luha.
Nang makarating kami sa gymnasium ako na lang ang kanilang hinihintay. Madali kong ipinwesto ang aking sarili at tumingin sa aking kalaban na si Ashley. Nakangiti lang ito na senyales na kanyang siguradong pag kapanalo dahil alam nito na ako'y may sakit.
Inexplain ng aming guro ang kailangang gawin. Paunahan itong makuha ang flag na hawak ng estudyante na nasa malayong distansya. Pag nakuha ang flag ay kailangang bumalik agad sa starting line at ang unang makarating ay ang panalo.
Ready set go!
Sa simula nang karera ay nakakasabay pa ako kay Ashley. Nang makarating kami sa gitna ay duon na ako nag karoon ng problema sa aking paghinga at lumalabo na rin ang aking paningin.
Unang nakuha ni Ashley ang flag at pabalik na ito sa starting line. Habang ako naman ay pinipilit kahit tapusin ang karera at pinipilit ibalanse ang aking sarili.
Nang makuha ko ang flag at babalik na sa starting line ay nakita kong natapos na ni Ashley ang karera at nagtatatalon sa tuwa.
Nakita ko rin si Kyla natuloy tuloy sa pag cheer kahit mukhang nag aalala.
Kahit malabo na ang aking paningin ay pilit kong hinahanap ang taong gustong gusto kong makita... Si Cedrick.
Hindi man maliwanag ang kanyang mukha ay alam kong siya ito at nakatingin sa akin. Gustuhin ko mang makita kung ano ang reaksyon niya ay hindi ko magawa dahil hindi ko na talaga kaya.
Hindi ko na inalis ang aking paningin kay Cedrick.
Nang makarating ako sa kalagitnaan ay tuluyan ng bumagsak ang aking katawan.Bago pa man ako mawalan ng malay ay napansin kong nakatalikod si Cedrick at naglalakad palabas ng gym.
Ipinikit ko ang aking mata ng may huling patak ng luha.
I know it's my fault why we turn out this way. I know you are still in pain to do such thing so please forgive me. If moving on is the best way for us then I'll let go and try my best to forget about us. Always remember...
I love you Cedrick.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Teen FictionMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...