Chapter 2: Seatmate

209 18 0
                                    

Habang Naglalakad ako papunta sa aking classroom hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Halos hindi ako makapaniwala na sa ganoong sitwasyon ko unang mararanasan ang unang halik.

Ano ba tong iniisip mo Siri dapat mag focus ka sa pag aaral. Bulong ko sa akin sarili.

Nakarating na ako sa aking classroom at nakahanap na rin ng upuan sa bandang dulo katabi ng bintana, ngunit napansin kong halos lahat ng estudyante ay nag bubulungan at nakatingin sa akin mukha yatang namumukhaan nila ako sa nangyari kanina.

 Napansin ko rin na walang umuupo sa aking kanan at nanatiling bakante ang upuan. Nakaramdam ako ng hiya, lungkot at takot ng mga oras na iyon dahil pagnalaman ito ng mga teachers ay baka ipatawag ang aking magulang. Iniisip ko palang ito ay sobrang nakakhiya na.

Dumating na rin ang aking guro at nag pakilala itong si Ms. Louise Madison. Lahat ay nagulat ng sabihin niya na siya ay 37 years old dahil mukha pa itong bata sa kanyang edad at nag kwento ng konting impormasyon tungkol sa kanya.

Gusto ni Ms. Madison na mag pakilala kami bilang ito naman talaga ang gawain sa unang araw ng klase. Dahil ako ang nasa dulo, ako ang huling nag pakilala. Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin at sa kalagitnaan ng aking pagsasalita biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang mukhang hindi ko makakalimutan.....  Si Cedrick.

Cedrick saktong dumating ka ikaw na ang susunod na magpapakilala. Bungad ni Ms Madison sa kanya.

Hindi ito sumagot at naglakad lamang papalapit sa akin at shit hindi ito maari, mukhang makakatabi ko pa yata siya dahil sa tabing upuan ko lang ang may bakante. Habang papalapit si Cedrick nakatitig lamang siya sa akin, hindi masama o kung ano pa man mas maamo ang mukha niya at duon ko lang napansin na ang gwapo pala ng lalaking ito. 

Halos lahat ng estudyante ay nag bubulungan habang siya ay nag lalakad ang iba naman ay parang kinikilig na akala mo ay eksena sa isang pilikula ang nakikita. Nanatili ako sa aking pag kakatayo at ng siya ay makaupo napansin kong nakatingin lang siya sa akin. Tinuloy ko ang aking pag papakilala. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at inulit ko ito sa simula...

I'm Siri 15 years old and I'm a new student here. I love to play volleyball and I'm a music enthusiast.

Pagkatapos kong mag pakilala nakarinig ako ng bulong galing Kay Cedrick

Volleyball player pero di marunong sumalo ng bola.

Napatingin ako sa kanya inalis din agad. Pinaupo na ako ni Ms. Madison at nagpasalamat sabay tawag kay Cedrick upang siya Ay mag pakilala. Noong una ay parang ayaw pa niyang tumayo ngunit wala naman siyang nagawa. 

Cedrick John Legaspi, 16 years old. 

Ganun kaiksi lamang ang pagpapakilala ni Cedrick sa kanyang sarili at umupo agad ito. Napakasuplado ng kanyang dating ngunit napansin kong halos lahat ng kababaihan sa classroom namin eh kinikilig sa kanya. Hindi naman niya ito pinapansin at nag papakita pa ito ng hindi pag kakaroon ng interest sa kanila. Aaminin kong gwapo talaga tong kolokoy na to pero hindi ako sa kagaya niyang mayabang magkakagusto. 

Nagpatuloy ang aming klase kay Ms. Madison at naging maayos naman ito. Medyo nakakadistract lang si Cedrick katabi dahil maya't maya eh nilalapitan ito ng mga kaklase kong babae lalo na si Ashley halos ligawan na niya si Cedrick dahil binilhan pa niya si Cedrick ng sandwich at nung inabot niya ito ay may kindat pang kasama. 

Let's call it a day! Yan ang sabi ni Ms. Madison.

Halos lahat ng kaklase ko ay nag madaling lumabas ng classroom. Si Cedrick ay nagmadali na ring ayusin ang gamit niya ngunit pag katapos nitong isuot ang bag ay hinawi nito ang kanyang buhok sabay tingin sa akin ang tingin niyang seryoso at parang nangungusap na mata ngunit pinakita kong hindi ako apektado sa kanyang pagtitig sa akin dahil inalis ko agad ang aking tingin sabay naman niyang talikod at labas ng classroom. Napabulong ako sa aking sarili na gwapo sana kaso mayabang.

Napansin kong wala ng tao sa classroom kaya' lumabas na rin ako. Pagdating ko sa pintuan ay may paang sumulpot sa ibaba ng pinto na naging sanhi ng aking pag ka tisod. Narinig kong biglang nag tawanan ang mga estudyante at napansin ko ang nag tisod sa akin ay si Cedrick dahil siya ang nasa tabi ng pinto at tawa ng tawa. Nag madali akong tumayo sa aking pag kakadapa at sasampalin sana siya ngunit nasangga niya ito agad.

Cedrick inaano ba kita? Galit kong tanong sa kanya.

Hindi ito sumagot at tumawa na lang ito. 

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon