February 21
2:24amIt's been 2 days since I woke up. I am still denial that I was sleeping for 2 months already and all I can do is to cry as I am believing that this is just a dream and I will wake up any moment from now.
Pero kahit ano pang gawin ko ay parang hindi ako nagigising na lalong nagbibigay lungkot sa akin.
Habang tumutulo ang aking luha sa pag iyak ay ay may isang boses na tumawag sa akin.
Psst! lumingon naman ako sa aking kaliwa kung saan nanggagaling ang boses at duon ko nakita ang isang batang babae na nakaupo sa kanyang kama, naka puti, nakalugay ang buhok at nakatingin sa akin.
Sobrang kinabahan ako sa aking nakita dahil hindi ko namalayan na may kasama pala ako sa kwarto. Nuong una ay inakala kong multo ito dahil sa aking mga napapanuod sa TV ngunit kinausap ako nito kaya naman medyo nawala ang aking kaba.
Sorry, nagulat po ba kita ate?
Hehe medyo pero ayos lang.
Ok lang po ba talaga kayo? Kasi kahapon pa po kayo umiiyak.
Napansin mo pala. Matagal ka na ba dito?
Mas matagal ka po sa akin kasi nandito ka na pag dating ko.
Ahh ganun ba? Anong nangyari sayo?
May sakit po ako sa buto sabi ni mama alam kong malala pero hindi niya sinasabi sa akin.
Ganun ba? Baka naman kasi hindi talaga. Gagaling ka rin wag kang mag alala.
Umiling lamang ang bata sa akin na para bang walang pangangamba at handa na sa kahit ano mang mangyari sa kanya.
Paano mo naman na sabi na hindi ka na gagaling, Sinabi ba ng doctor sayo?
Hindi po pero nararamdaman ko.
Hindi ka ba natatakot?
Hindi po. Sabay ngiti nito sa akin.
Ano bang name mo?
Andrea po.
Ilan taon ka na Andrea?
9 years old po.
Ahh, ako nga pala si Siri.
Kilala ko na po kayo.
Really? Paano mo nalaman?
Pag dinadalaw po kayo ng friends niyo nag uusap usap sila tungkol sayo. Tsaka nag kukwento po sa akin ang mama mo.
Nang marinig kong nabanggit ni Andrea si mama ay agad akong nabuhayan at nawala ang aking pangamba. Kaya naman ay madali akong nag tanong ng nag tanong sa kanya.
Si mama? Nakita mo ang mama ko?
Opo ate lagi siyang nandito, lagi ka niyang binibisita.
Tumulo ang luha sa aking mata ng malaman kong ok si mama. Nawala ang aking pangamba. Tumingin lamang ako kay Andrea at nag pasalamat. Habang nakatingin sa akin na para bang sa expression ng mukha nito ay ramdam niya kung gaano ako nag aalala.
Ok lang po yun. Basta mag pagaling ka ate kasi yun ang gusto ng mama mo.
Oo mag papagaling ako. Promise. Habang inaalis ang bawat patak ng luha sa aking mata.
February 22
8:07amSikat ng araw ang aking naaninag ng dumilat ang aking mata. Para bang isang bagong pag asa at panibagong yugto ng buhay ang nag hihintay.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Teen FictionMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...