August 12
Time fly so fast at tatlong buwan na pala ako sa St. Mark. Parang kakabukas lang ng school pero Agosto na. Masaya naman ako sa aking pag aaral dito. Nag karoon ako ng bagong kaibigan si Kyla.
Old student na siya dito at since grade school ay dito na siya nag aaral. Mag kasing height kami ni Kyla, maganda ito pero medyo may pag ka suplada nga lang. Naalala ko nuon ng may lumapit sa aming estudyante na nag paalam kung pwede ba siyang ligawan. Tinitigan lang ito ni Kyla at inirapan.
Medyo naawa ako sa estudyanteng iyon dahil mukhang seryoso naman ito sa panliligaw sadya sigurong hindi lang ito ang tipo ng lalaki na gustong maging BF ni Kyla.
Marami rin siyang naikwento sa akin kagaya ng mga strict na guro at mga issue ng estudyante. Isa sa hindi ko malilimutan na kwento niya ay ang ex girlfriend ni Cedrick na si Ashley. Nuon pala ay good couple itong dalawa ngunit ng malaman ni Cedrick na laging kasama ni Ashley si Adrian ay nakipag hiwalay ito.
Ngayon ko napagtanto kung bakit laging masama ang titig ni Ashley sa akin ay dahil pala sa may nakaraan sila ni Cedrick. Hindi ko naman siya masisisi dahil normal naman itong reaksyon ng isang babae kung may nararamdaman pa ito sa ex niya.
Napapansin ni Kyla na iba daw ang kilos ngayong taon ni Cedrick nag balik daw ito sa normal niyang sigla. Nuon daw ay lagi itong matamlay dahil na rin siguro sa naapektuhan ito ng sobra ng mag hiwalay sila ni Ashley. Napapansin din niya na lagi daw itong lumilingon sa akin sa twing nakatingin ako labas ng bintana. At kapag nasa malayo daw ako ay palaging nakatingin sa akin si Cedrick .
Wala akong alam na palagi palang nakatingin sa akin si Cedrick kahit na sa malayo ako pero since katabi ko ito ay aking napupuna na lagi itong lumilingon sa akin.
Speaking of Cedrick ang estado naming dalawa ay maayos naman lagi lang ako nitong inaasar sa mga kung ano anong bagay. Minsan feeling pogi ito dahil nuong tatawagin ko si Kyla na nakaupo sa tabi niya ay....
FLASHBACK
O bakit ka nakatingin sa akin?
Hindi naman ikaw ang tinitignan ko, tatawagin ko kasi si Kyla.
Weh!? crush mo lang ako eh!
Malakas ang pag kakasabi nito ni Cedrick kaya narinig ito ng iba kong kamag aral at tinukso ako.
Siri may gusto ka pala kay Cedrick eh! Malakas na sigaw ni Athan
Nag tatawanan naman ang iba kong kamag aral ng mga oras na yun. Sobra akong nahihiya dahil halos lahat sila ay tinutukso ako ang iba pa nga ay sumisigaw.
Tumigil ka nga Cedrick, hindi kita crush noh tsaka ikaw kaya yung laging nakatingin sa akin! Depensa ko sa aking sarili.
Tumatawa lang si Cedrick ng mga sandaling iyon. Sobrang nahiya ako at di ko namalayan na namumula na pala ang aking mukha.
Wala kang gusto sa akin? Bakit ka namumula?
Lalong lumakas ang panunukso nila ng sabihin iyon ni Cedrick at ang iba naman ay nag tatawanan. Itinungo ko nalang ang aking ulo sa sobrang hiya at tinakpan ng aking kamay ang aking mukha.
Hindi lang ito ang isa mga naalala ko. Kagaya nuong nakaraang buwan ay nahuli ako nito na nakatingin sa kanya habang ito ay nakatungo habang natutulog.
Nakasilip ako sa labas ng bintana at tinitignan ang kalangitan ng mga oras na iyon ng makarinig ako ng malakas na hilik. Napalingon ako sa aking katabi at kay Cedrick nga galing ang hilik. Naawa ako dahil after class ay lagi itong nag practice ng basketball dahil Varsity player ito. Palaging kulang ang tulog ni Cedrick sa twing naririnig ko siya sa twing nakikipag usap sa iba naming kaklase minsan pa nga ay narinig ko itong umiinda na masakit ang katawan.
Biglang sumilip ang kalahating mata ni Cedrick at nagulat ako ng nahuli ako nitong nakatingin sa kanya.
O bakit ka nakatingin sa akin?
Huh!? hindi ah! kasi naman ang lakas kaya ng hilik mo.
Ikaw ha! di mo maiwasang tignan ako ha! Inlove ka na sa akin noh!
Hoy! Cedrick ang kapal mo ha!
Haha! bakit? eh totoo naman eh nahuli nga kita.
Oo nga nakatingin ako sayo pero hindi ako inlove!
Wag mo na i deny love din naman kita eh!.
Hindi na ako nakapag salita matapos ang aking narinig. Bumalik na rin si Cedrick sa kanyang pag kakatungo at natulog ulit. Hindi ko alam kung biro ba ang mga salitang iyon pero isa lang ang sigurado ako, bumilis ang tibok ng aking puso at nag iba ang aking pag tingin sa kanya.
Pero matapos ang insedenteng iyon ay nag kaka ilangan na kami ni Cedrick. Sa tuwing na huhuli ko itong nakatingin sa akin ay inaalis na lamang nito ang kanyang mata. At kapag ako naman ay kanyang nahuhuli ay tutungo ito agad.
Inisip ko na lang na biro lang ang mga salitang iyon.
Present
Tapos na ang klase namin ng araw na iyon at pinalabas na kami ni Ms. Madison. Nauna ng maka uwi ang iba kong kaklase at hinintay ko naman si Kyla na may kukunin na libro sa library. Nang makabalik ito ay nag kwento agad ito ng kanyang opinyon tungkol sa mahihirap naming subject.
Mabilis kaming nakalabas ni Kyla ng building at nuong nasa gilid na kami ng Gym ay may narining kaming boses.
Pssst!
Hindi namin ito pinansin ni Kyla at tuloy lang sa kwentuhan at pag lalakad. Maya maya pa ay inulit na boses na iyon ang pag tawag.
Pssst!
Nilingon ito ni Kyla at ako naman ay diretso lang ang tingin. Alam kong kami ang tinatawag ng boses na iyon dahil kami na lang ang nag lalakad sa gilid ng gym.
Kinalabit ako ni Kyla at humarap naman sa kanya. Nakanguso ito na para bang may tinuturo sa loob ng gymnasium. Sisilip na sana ako ng biglang...
Siri lumingon ka naman oh! please!
Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng mag kamali na kay Cedrick ito.
Isang nakaputing T- Shirt at pawis na pawis na lalaki ang aking nakita. Nakangiti ito sa akin habang hawak ang bola ng basketball. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng makita ko si Cedrick kahit na pawisan ito ay malinis pa rin tignan at hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging heart throb. Sa totoo lang ay mas naging kaakit akit pa nga ito.
Sinuklian ko ng ngiti si Cedrick. Inalis ko agad ang aking tingin dahil nakatingin din sa amin ang iba nyang kasama. Nakatungo ako at naguguluhan dahil matagal na kaming hindi nakapag usap. Nakatingin naman sa akin si Kyla at ayaw akong tigilan sa pang aasar.
Habang naglalakad ay narinig ko ulit ang boses ni Cedrick.
Siri Salamat ha!
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
أدب المراهقينMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...