Hindi ko pa rin lubos maisip kong paano nang yari ang lahat. Napaka bilis ng pangyayari na halos hindi ako nakasunod sa agos ng buhay. Ngayon ako'y na mulat na sa lahat ng bagay, sisiguraduhin kong hahabulin ito kung nasaan man ako nito dalhin at hindi na mag papaiwan pa.
Nagising si Cedrick at naabutan akong lumuluha. Tumingin ito sa akin at sa sketch pad na aking hawak, sa itsura nito halatang naguguluhan ito kung bakit patuloy ang pag agos ng aking luha mula sa aking mata habang nakatingin sa larawan.
Naramdaman ko na lang ang mga daliri ni Cedrick sa aking pisngi, pinapahid ang aking mga luha at nagtanong kung bakit ako umiiyak. Doon ko sinimulang i-kwento sa kanya ang tungkol kay Andrea at nagulat ito dahil noong araw rin na muntik na akong gahasain ay ang araw na pumanaw si Mama.
Matapos itong sabihin ni Cedrick ay doon ako nag simulang mag tanong sa kanya sa mga nangyari matapos akong mawalan ng malay. Noon una ay ayaw pa nitong mag kwento ngunit napilit ko rin ito..
Cedrick's POV
Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nararamdaman sa araw na ito dahil kagabi lamang ay kausap ko si Siri. Plano kong surpresahin siya ngayong araw dadalawin ko siya at yayaing lumabas.
Papasok na ako sa subdivision nila Siri ng makita ko si Tita Josephine, binuksan ko ang bintana ng aking Toyota VIOS at tinawag ito. Pauwi na raw si Tita galing sa supermarket kaya naman sinabay ko na ito at sinabi ko na rin sa kanya na dadalawin ko si Siri at yayaing lumabas.
Marami kaming napag-usapan ni Tita Josephine bago kami makarating sa bahay nila ngunit habang papalapit kami ay napansin ni tita na para bang may hindi magandang nang yayari sa bahay nila.
Nang makababa kami ni Tita ay nakatingin ang mga kapit bahay nito sa bahay nila madali itong nilapitan ng isang babae na nasa middle age at nag sumbong na may hindi kilalang lalaki na pumasok sa bahay nila.
Doon nag simulang kabahan si Tita dahil nagmadali itong tumakbo papunta sa kanilang bahay at binanggit ang pangalang Siri . Inutusan ni tita Josephine ang kapit bahay na tumawag ng pulis nabanggit din ng kapitbahay na nauna na nilang tawagin ang mga barangay tanod.
Agad kaming pumasok ni Tita Josephine sa bahay nila. Pag bukas namin ng pinto ay hindi maipaliwanag ang aking pakiramdam sa aming nasaksihan. Natagpuan naming nakahiga si Siri sa lapag na may dugo at nakapatong ang isang hindi kilalang lalaki.
Tinawag ko ang pangalan ni Siri ngunit wala na itong malay. Doon ako napasugod ngunit bumwelo ang lalaki gamit ang bakal na hawak nito at akmang ihahampas sa akin. Agad ko namang napigilan ang aking sarili ngunit nagulat ako ng sumugod si Tita Josephine.
Handa na ang dalawang kamay ni Tita na sakalin ang lalaki ng mahampas ito sa leeg at tumumba sa kanyang kinatatayuan. Lalong nag dilim ang aking paningin kinuha ko ang flower vase na nasa aking tabi at naipalo sa ulo ng lalaki. Napahawak lamang ito sa kanyang ulo at agad na naka recover bumwelo ulit ito at hahampasin ako ng tumalon si Tita Josephine sa likod nito at kinagat sa balikat nang lalaki. Agad namang sinabutan si Tita ng Lalaki at hinihila ito upang malalag sa likod ngunit hindi bumibitaw si tita sa pag kaka kagat sa lalaki.
Agad ko namang sinaklolohan si Tita Josephine ngunit bago pa ako makalapit sa lalaki ay agad ako nitong hinampas ng tubo na tumama sa aking noo. Bumagsak ako sa aking kinatatayuan at halos mawalan ng malay. Nakahiga ako sa sahig, nanghihina at nakatingin sa lalaki na inuuntog si tita sa pader.
Gustuhin ko mang saklolohan siya ngunit hindi na ako makagalaw at nanghihina. Isang putok ng baril ang aking narinig bago tuluyan na akong nawalan ng malay.
Siri's POV
Halos ayaw tumigil ng aking mata sa pag luha matapos marinig ang kwento ni Cedrick. Hindi ko akalain na pati sila ay sobrang nadamay lalo na si mama na nag sakripisyo ng buhay para sa akin.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Teen FictionMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...