Chapter 20: Photos

203 24 4
                                    

Huling araw na ng Foundation week and unfortunately hindi ako makakapunta. Sinamahan ko si mama sa kaibigan nitong ninang ko nuong binyag.

Gustong gusto daw akong makita nito dahil baby pa lang daw ako nuong huli niya akong nakita at bago sila lumuwas papuntang America.

Gustuhin ko mang makita si Cedrick bago mag sem break ay wala akong magagawa dahil kailangan kong samahan si mama at isa pa nung kinausap niya ako ay punong puno ng excitement ang mata nito dahil close friend daw niya itong ninang ko since high school sila.

Ngayon ko na lang ulit nakita si mama na masaya after 4years mula nuong iwan kami ni papa. Sabi ni mama ay iniwan kami ni papa nuong makarating daw ito ng Australia. Nag trabaho ito duon at di na nag paramdam pa sa amin.

Anak bakit naka tulala ka dyan?

Wala po Ma, sinisilip ko lang tong mga building.

Mga building o Si Cedrick?

No, ma hindi po.

Pasensya na ha! Ikaw ang inaya ko sumama sa akin.

Ano ka ba naman mama. Ayos lang po yun. Wala kayong dapat ihingi ng pasensya.

Kinuha ko ang headset ng aking iPhone 5s at binuksan ito. Ipinikit ko ang aking mata at nag relax na nakinig sa kanta ni Ariana Grande na The Way.

Hindi ko akalain na sa 32nd building na ito nag ta-trabaho ang aking ninang. Napakagara ng building na ito at maganda ang pagkakadesensyon. Pag tumingin ka dito ay akala mong gawa sa salamin ang buong building dahil wala kang makikitang bato sa labas na itsura nito.

Malayo pa lang kami sa entrance ay halatang puro professional ang nag ta-trabaho dito dahil lahat nang lumalabas at pumapasok ay naka formal attire at may hawak na black case na akala mong naglalaman ng maraming pera.

Dumaan kami sa isang scanner machine upang ma detect kung may dalang armas ang mga papasok. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi nito na detect ang dala kong nailcutter. Hehe

Dumiretso kami sa front desk kung saan ay may sasalubong sayong 3 babae. Tinanong kami nito kung Anong floor kami pupunta. 28th floor naman ang sinagot ni mama. Iniwan namin ang aming ID at binigyan ng temporary badge.

Pagpasok namin sa elevator ay napakaluwag nito. Tumingin ako sa bandang itaas at nakita ko na 30 katao ang capacity nito.

Pag dating namin sa 28th floor ay may another front desk ulit. Kinausap ito ni mama at ako naman ay tumingin tingin sa paligid. Dito ko nalaman na ang kumpanyang ito ay ISOF o International School of Fashion.

Umupo kami sa waiting area at hinihintay lumabas ang aking ninang.

After 8 minutes may lumabas na babae na naka pixie ang buhok at naka white dress na hindi lalagpas sa tuhod. Maganda ang babae ito at halatang supistikada dahil tela pa lang ng suot niya ay mamahalin na at hindi normal na makikita sa mall. Kung titignan halatang mas bata ito tingnan kumpara kay mama.

Habang papalapit ang babae sa amin ay nakangiti ito. Napansin ko namang tumayo si mama at sasalubonging ang babae ng yakap.

Josephine it's been a long time!

I know right. How are you Diane?

I'm good Josie. You haven't changed a lot. Oh my... is that Siri?

Nakatingin lang ako kay mama at sa kausap nitong babae na nagngangalang Diane. Nang marinig ko ang aking pangalan ay tumayo na ako lumapit sa kanila. Habang papalapit ako ay nakaabang na si Ms. Diane ng pagyakap. Niyakap ko rin namn ito ang humalik sa pisngi.

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon