Chapter 6: Wish

183 17 3
                                    

Nag daan ang Sabado't Linggo ay di pa rin nawawala ang sakit na aking nararamdaman na dinulot ni Cedrick. Para akong may mainit na bola sa loob ng dib dib. Pilitin ko mang ibaling ang aking atensyon sa ibang bagay ay palagi pa ring bumabalik ang sakit at alala kung paano ako umasa at nag assume sa bagay na isang malaking kahibangan lamang.

Monday morning at St. Mark

Pinilit kong ayusin ang aking sarili at ibalik ang aking dating sigla. Ngunit habang ako ay nag lalakad sa school ay di ko maitago ang pag ka wala ko ng gana sa mga bagay bagay. 

Nang makarating ako sa aming classroom ay halos naka tingin lahat sa akin ang aking kamag aral. Habang papunta ako sa aking upuan ay narinig kong ng salita si Ashley.

"Pathetic human being"

Hindi ko ito pinansin at patuloy akong nag lakad papunta sa aking upuan. Nang ako ay maka upo napansin kong bakante ang upuan ni Cedrick. Nilapitan naman ako agad ni Kyla sabay hawak sa aking kamay.

Siri are you ok?

Oo naman. Napilitan kong sagot sa kanya

We heard what happened last week.

Huh!? 

Napansin ni Sir. Garcia na umiyak ka last week matapos kang kausapin ni Cedrick. Kaya pinatawag niya ito.

Natahimik ako sa aking narinig. Paano nila nalaman iyon? Nakakahiya, napaka desperado kong tignan dahil isang babae ang nag tapat ng kanyang nararamdaman sa isang lalaki. Ngunit alam ko naman na wala akong magagawa.

Sinabi ni Cedrick ang pinag usapan namin?

No! hindi siya nakausap ni Sir. Pero narinig kayo ni Merly at siya ang nag kwento. Kapag kailangan mo ng kausap naandito lang ako ha!

Malumanay na tungo lang ang aking sagot kay Kyla. At bumalik na rin agad ito sa kanyang upuan. Ngunit masama ang tingin sa akin ni Ashley. Hindi ko naman siya masisisi dahil may nakaraan sila ni Cedrick at malamang ay may nararamdaman pa siya para dito. 

Hindi pumasok si Cedrick ng araw na iyon. Hindi rin ito pumasok ng 4 na araw. Biyernes ng umaga ay lumapit sa akin si Kyla. Hindi naman ako nagtanong sa kanya tungkol kay Cedrick ay nag kwento ito na kaya daw hindi nakakapasok si Cedrick ay full time ang pag eensayo nila dahil ngayong araw ang laban nila. Hindi ako nag pakita ng kahit anong emosyon, umarte na lamang ako na parang walang pakialam dahil yun naman talaga ang dapat kong gawin dahil wala kaming relasyon o kahit ano pa man. Nag pakita na rin ako ng kasiglahan ng araw na iyon, naging normal ito kagaya ng dati. Ngunit di ko maiwasan na mag isip ng kung ano-anong bagay. Kagaya na lang nang kaya siguro wala si Cedrick ng isang Linggo ay dahil para makapag move on ako sa ginawa niya o kaya naman ay ayaw niya akong makita.

Linggo ng umaga ay niyaya ako ni Mama mag simba, gusto niya ay humingi ako ng tulong sa diyos para paginhawain aking nararamdaman. Lagi naman talaga kami nag sisimba pero ngayong araw ay pinilit ako ni mama dahil tumanggi ako at mas piniling manatili sa kwarto dahil wala rin namn akong magagawa at diyos naman ang pag sisilbihan ko ay sumama na ako. Nag suot ako ng fitted na jeans at white t-shirt na may print na mickey mouse, tinali ko ang aking buhok na pony tail at may kaunting bangs na nakabagsak sa aking noo.

Baclaran Church

Marami na ang tao pag dating namin sa simbahan. May nakita kaming upuan malapit sa pinto gawing kanan at dito na lang kami umupo ni Mama. Hindi pa nag sisimula ang misa ay tumungo na ako at ipinikit ang aking mata. Sinuko ko sa diyos ang lahat ng aking mabigat na pasanin. Napaka buti talaga ng diyos hindi siya nag mimintis sa aking mga hiling, pag dilat ko ng aking mata ay medyo gumaan agad ang aking pakiramdam. Matapos ang misa ay nagyaya na si mama na umuwi hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ay napansin kong may pamilyar na lalaking naka tingin sa akin sa kabilang side ng upuan, nilingon ko ang mukha nito at si Cedrick ang nakita ko. Naka jeans at naka long sleeves siya at ang buhok ay ang usual niyang style. Ang ekspresyon ng mukha nito ay blanko at parang may gustong sabihin. Bumilis ang tibok ng puso ko sampung beses na mas mabilis sa normal na tibok nito. Inalis ko agad ang aking tingin dahil sa tuwing nakikita ko ito ay lumalala ang nararamdaman ko para sa kanya at gusto kong tuluyang mawala ang nararamdaman ko para dito. Mabilis kaming nakalabas ni Mama pero dumiretso muna ito sa sindihan ng kandila. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami sa simbahan. Kumuha si mama ng kandila at kumuha naman ako ng tatlong piraso. Sa una kong pag sindi ng kandila ay humiling ako ng kapayapaan para sa lahat, pangalawa naman ay pasasalamat sa blessings na binigay sa amin. Bago ko pa man masindihan ang ikatlong kandila ay may narinig akong boses na galing sa aking liko at humihiling din.

Lord patawarin po sana nya ako. Naging duwag lang ako. Salamat!

Pamilyar ang boses ng lalaking iyon pero di ko ito pinansin at tinuloy ang aking pag sindi sa pangatlong kandila. Matapos nito ay umalis ako sa aking kinatatayuan at pumunta kay mama.

Matapos niyang sindihan ang kanyang kandila ay lumabas kami ng simbahan ng may mas magaan na pakiramdam.

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon