Sa sobrang inis ko kay Cedrick sa kanyang pagpapahiya sa akin ay umalis na lang ako kaagad. Halos naka simangot ako sa aking byahe hanggang makarating ako ng bahay. Pag bukas ko ng pinto napansin kong walang tao dahil ganitong oras ay namamalengke si Mama para sa hapunan. Dumiretso ako sa aking kwarto at nag palit ng damit. Binuksan ko agad ang computer at nag post sa FB....
What's wrong with you? I don't remember I've done something to embarrassed you aside from that slap because you deserved it.
Pinatay ko kaagad ang aking computer at umupo sa aking kama dahil hindi ko maalis sa aking isip ang nangyari. Maya maya ay tumawag si Anne at as usual matinis niyang tinig ang una mong maririnig.
Sino yang kaaway mo na yan ha!? at anong ginawa niya sayo? Pa sigaw na tanong ni Anne.
Kasi beh may nag tisod sa aking lalaki, di naman ako nasaktan pero napahiya kasi ako. Sumbong ko sa kanya.
SIno ba yan?
Cedrick daw pangalan niya eh!
Ah kaya pala! Pag dududa nito
Huh!? bakit?
Nag papacute lang yan sayo beh at malamang crush ka niyan!
Huh!? agad? first day of school pa lang noh!?
Eh di ba nga ganyan minsan ang lalaki pag gustong mapansin ng crush nila?
Di ako naniniwala eh binato nga ako ng bola eh!
Kaya mo siya sinampal? tanong ni Anne
Bigla kong naalala ang pag halik sa akin ni Cedrick at naramdaman ko ulit sa aking katawan ang tila kuryenteng dumaloy dito nung hinalikan niya ako. Pero napag disisyunan kong wag sabihin ito kay Anne dahil maraming tanong ang kasunod dito.
Ahhh uu...
Pero ma pisikal siya ha!? pogi ba?
Ahmmmmmm! ughh...........uh?
AYIEEEEEEEEEEE!!! in love na ang friend ko!
HUH!? no way hindi no! napaka yabang nyan at suplado tsaka di ako magugustuhan nun.
Hahaha! O siya sige naniniwala ako sayo alam ko namang choosy ka! balitaan mo na lang ako ha! pero sure ako crush ka nyan! haha
Duon natapos ang pag uusap namin ni Anne. Pero naisip ko rin ang sinabi niya sa akin na baka nga may gusto sa akin si Cedrick? Pero hindi talaga at bigla ko nanamang naalala ang ginawa niyang pag tisod at nag balik nanaman ang inis ko sa kanya. Hindi ako makakapayag na gawin nya yun sa akin at kelangan kong makabawi. Sa aking kakaisip ay nakatulog ako agad dala na rin ng pagod.
Pag gising ko ng umaga ay disidido na ako sa aking plano patak na makabawi sa kanya. Plano kong gawin ito simula palang ng araw niya upang masira agad ito. Nakaramdam ako ng tuwa sa di malamang dahilan, marahil makakabawi ako sa kanya? o makikita ko ulit siya?. No No No Siri bat ganyan ka mag isip!! Grrrr....
Pag dating ko sa eskwelahan ay normal naman ang lahat. Dumiretso agad ako sa aking classroom at naabutan kong wala pang masyadong estudyante. Pag pasok ko ay napansin kong nakatitig si Ashley ng masama at sinusundan ako ng tingin. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil wala naman akong maalalang ginawang masama sa kanya. Pag dating ko sa aking upuan natuwa ako dahil wala pa ang kumag kong katabi. Kaya naman ay mabilis kong idinikit ang nginunguya kong chewing gum sa kanyang upuan. Habang tumatakbo ang oras ay parami na rin ng parami ang mga estudyante.
At sa wakas dumating na din siya. Malayo pa lang si Cedrick eh napansin ko na siya. Mahahalata agad kapag siya ang paparating fit ang uniform, plantsado ang slacks na halos walang gusot at sakto ang sa sukat sa legs niya, matangkad, naka mainstream hipster ang buhok at laging presko.
Bakit ka nakatitig sa akin? Tanong ni Cedrick.
Huh? kasumpa sumpa kasi ang itsura mo! Pag tataray ko sa kanya.
Ngiti ang sinukli nito sa aking pag tataray na aking agad na napuna dahil bihira lang siyang ngumiti lalo na sa babae. At Hindi ko napansin na nakatitig ako sa kanya ng ganoon katagal at di ko man lang namalayan na nakalapit na siya. Pero may naramdaman ako na di ko maipaliwanag ng makita ko siya basta ang alam ko ay masaya ako at gusto ko ang pakiramdam na ito.
Sa sobrang pag iisip ko napansin kong nakaupo na si Cedrick sa kanyang upuan at medyo natuwa ako dahil naisakatuparan ko ang aking plano na maupuan niya ang Chewing Gum. Di na ako makapag hintay na tumayo siya at makita ang slacks niya. Bwahahaha!
Ito ba? Tanong ni Cedrick.
Napatingin na lamang ako sa kamay nya na may hawak na chewing gum na nakalagay sa papel.
Kung sa tingin mo mabibiktima ako aba mag isip ka ulit. Biro nito habang nakangiti.
Ngumuso na lang ako at ngumiti dahil nakangiti sa akin si Cedrick ng nakikipag usap. Tila bihira niyang gawin ito sa ibang babae dahil hindi siya ganito makitungo sa iba pa naming kamag aral. Nakaramdam ako ng saya ng mga oras na yun at pakiramdam ko ay nagkakaintindihan kami.
Tumingin ulit ito sa akin at gayon din ako sa kanya. Ang mga mata nyang maamo ang una kong napansin dahil nakangiti ito kagaya ng mapula niyang labi at sabay sabi ng......
Tsk tsk tsk nice try!
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Teen FictionMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...