September 8, Monday
Everything was fine when I reach the school except for those students who stare at me. Para bang may krimen akong ginawa dahil sa tuwing makikita nila ako ay lahat sila ay nag titinginan at nag bubulungan.
Binilisan ko ang aking lakad para makarating agad sa classroom at maiwasan ang mga estudyanteng tumitingin sa akin.
Habang papalapit ako ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi pa man ako nakakalapit sa room ay si Cedrick ang agad kong naalala.
Mabigat ang pinag daanan naming dalawa at pag katapos ng nangyari ay hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan bilang kaklase niya.
When I reach the door lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Para bang nagbalik sa lahat sa dati kagaya nuong unang pagpasok ko sa St Mark.
Napansin kong bakante ang upuan ni Cedrick. Na kahit papaano ay nakapag pa wala ng aking kaba.
Nang ako ay makarating sa aking upuan lumapit sa akin si Kyla at nag tanong kung ang aking naging desisyon ay labag sa aking loob.
Sinagot ko ito ng hindi.
September 10, Tuesday
Tatlong araw ng hindi maganda ang aking pakiramdam at tatlong araw na ring bakante ang aking katabing upuan.
Pakiramdam ko ay magkakasakit ako dahil mainit at namumungay ang aking mata.
Niyaya ako ni Kyla na samahan siya sa canteen at kahit ayoko ay wala akong nagawa dahil pinilit ako nito.
Pinaupo agad niya ako sa may lamesang malapit sa pader para dito ko daw isandal ang aking ulo. At kahit sinabi ko na wala akong ganang kumain ay bumili pa rin ito ng para sa akin.
Kainin mo yan Siri para uminom ka ng gamot pag katapos!
Wala akong gana.
Hindi pwede! Sabay bukas nito ng sandwich.
Kyla ayoko talaga sorry I'll just keep it and give it to my Mom.
Magsasalita sana si Kyla ng may boses na sumali sa aming usapan.
Naku kainin mo yan magagalit Si Cedrick.
Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko ang apat na lalaking nakaupo sa lamesa. Namumukhaan ko sila at kung di ako mag kakamali ay sila ang kasama ni Cedrick sa basketball.
Hindi ko sila pinansin ngunit si Kyla ang kumausap sa kanila.
Hi! I'm Kyla how's Cedrick?
Hindi siya umaatend ng practice. Hindi rin ba siya pumapasok sa inyo? Tanong ng nagngangalang Mark.
Hindi eh! Binasted kasi ni Siri.
Tumingin ako ng masama kay Kyla at ngumiti lang ito sa akin. Nagtawanan naman ang mga kasamahan ni Cedrick na sina Lester, Nycor, Mark at Leo.
First time ma broken hearted ng tropa ko ah! Haha
Nagpatuloy sa pag uusap sila Kyla at ang tropa ni Cedrick tungkol sa kanya habang ako naman ay nakikinig lang.
Marami akong nalaman tungkol kay Cedrick kagaya ng pagiging mapagbigay nito.
Kakilala nila si Cedrick since grade school dahil mag kaklase sila at pag wala daw silang baon, ibinibigay ni Cedrick ang sandwich niya at mag dadahilan na lang na busog pa ito.
Ngunit ang isa sa nag pabago ng pagtingin ko kay Cedrick ay nang mag kwento si Nycor tungkol sa unang araw ng klase.
Siri sorry nga pala.
Huh! Saan naman?
Kasi ako yung bumato ng bola sayo nuong unang pasukan. Sabay tawa nila
Huh! Akala ko Si Cedrick yun?
Ganito kasi, nuong nag lalakad ka papalapit sa board eh napansin namin na nakatitig sayo si Cedrick, bihira lang niyang gawin yun sa isang babae na sundan ng tingin. Kaya naman inaasar namin siyang lapitan ka. Eh sobrang torpe kaya Kinuha ko ang bola niya at hinagis malapit sayo para lapitan ka kaso nasapul ka kaya ganun ang nangyari. Kwento ni Nycor.
Tsaka alam mo ba nuong binasted ka niya? Sobrang di niya alam ang gagawin kung paano niya sasabihin na nagkamali siya ng sagot. Sobrang pinagsisishan niya yun. Kwento ni Mark
Wala nga sa ayos ang laro nun dahil laging puyat at di walang tulog dahil hindi mo siya pinapansin. Alam mo ba yung message niya sayo nung Friday?, pinagisipan niya yun ng isang Linggo dahil gusto niya na maramdaman mong mahal ka niya. As per Leo
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dib dib matapos marinig ang kwento nila tungkol kay Cedrick. Akala ko wala lang sa kanya ang nangyari pero hindi ko alam ay mahirap din pala ang pinag daanan nito.
Aminado ako na naging malupit ako kay Cedrick. Inuna ko ang aking pride na akala ko ay ikakaluwag ng loob ko dahil nakapag higanti ako sa kanya ngunit hindi pala.
Sinaktan ko lang ang damdamin naming dalawa at eto ako ngayon nagsisi sa bagay na hindi ko dapat ginawa.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Genç KurguMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...