Chapter 19: Surprise

225 19 2
                                    

7:45pm ng makauwi ako ng bahay.

Ma nandito na po ako!

Napatingin lang sa akin si mama habang nagmamadali akong umakyat sa taas. Mukha itong nagtataka at may itatanong sana ngunit hindi ito nakapagsalita dahil sa bilis ng aking pag akyat.

Pag pasok ko sa aking kwarto ay hinagis ko agad ang aking bag sa kama at nag hubad ng tshirt at pantalon. Kukuha na sana ako ng damit ng bigla kong masilayan ang aking katawan sa harap ng salamin. Sinilip ko ang hubog ng aking katawan habang pink na bra at panty lamang ang aking suot.

Kinuha ko ang aking damit at mabilis na nag palit.

Anak.

Woah! Nagulat ako sa aking narinig na boses na galing sa pinto. Pagtingin ko, si mama na kanina pa yata nakatayo sa may pinto.

Sorry anak na gulat ba kita?

Opo Ma, ok lang po ano po ba iyon?

Wala naman anak napansin ko lang eh parang may kakaiba sayo. Tanong ni Mama na may paghihinala.

Haha wala po Ma. Ako pa rin po ito.

Hmmm! Ok basta wag mo kalimutan mag kwento sa akin ha! Kumindat pa ito habang napasilip sa pinto.

Tuluyan ng bumaba si mama. Napa Iling na lamang ako at napangiti.

Binuksan ko agad ang aking facebook account at nagulat ako ng may message akong nareceived galing kay Cedrick.

Pa accept po :)

Bigla kong naalala na nakalimutan ko nga palang I accept si Cedrick nuong makita ko ang friend request nito. Madali ko inaccept ang request at nag reply ng napansin kong online din ito.

Okies ;)

Ano yon? Gusto mo ng kiss? Ang bilis mo ha! Jk :) Mabilis nitong reply

Hahaha baliw.

Aweeeee. Thanks sa hug ha! ;)

Di ko sadya yun hinahabol lang kasi ako.

Well, tama lang yun sa akin ka tumakbo. Kasi kung sa iba beast mode ako. Hehe

Ang dami mong alam Cedrick Legaspi.

Kaya nga na fall ka sa akin di ba? :)

Hoy! Ang kapal mo ha! Haha

Siri liligawan kita ha! Sana pumayag ka. :)

Ok lang basta makilala ka muna ni mama. :)

Pwede ba ngayon na? Biro nito.

Agad? Haha ikaw bahala. Pabiro ko dito.

Matagal din akong nag hintay ng reply ni Cedrick ngunit 5 minuto na eh wala pa ito. Hindi naman naka offline ang fb nito dahil naka green pa rin ang ilaw nito sa fb.

Medyo nalungkot ako ng mga sandaling iyon dahil umalis si Cedrick ng walang paalam. Although wala naman ako karapatang mag demand pero sana naman nag paalam siya dahil ayaw ko ng iniiwan ako ng walang dahilan.

Matapos ang 1 oras na kakanuod ng video sa youtube, sa wakas ay nag reply din si Cedrick ngunit sobrang nagulat ako sa sinabi nito.

Siri pumayag na si nanay Josephine na ligawan kita pero maraming kondisyon eh. Hehe

Huh ano? Anong pinagsasabi mo? Bakit kilala mo si Mama?

Di pa man nag sisink in sa aking isip ang sinabi ni Cedrick ay may biglang kumatok sa pinto.

The way You look at MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon