Di maibsan ang aking tuwa ng malaman ko na hindi na ulit bubuksan ang Make me wet booth sa kadahilanan na maraming babae ang sinipon dahil sa kanilang pag ka basa.
Laking pasasalamat ko naman dahil mabuting tao ang natapat sa akin at sinadyang hindi patamaan ang bulls eye wag lang akong mabasa.
Napagdesisyunan ko na pasalamatan ng personal si Cedrick dahil sa ginawa niya. Alam kong hindi maganda ang estado namin ngayon pero napag isipan ko na pasalamatan pa rin siya.
Kaya pag karating ko sa school ay siya agad ang hinanap ko. Ngunit hindi yata nag participate si Cedrick ngayon dahil 11:38 am na ay hindi ko pa rin nakikita kahit ang anino niya.
Since sinara ang mga building, sa gymnasium lang maaaring manatili ang lahat ng estudyante kaya alam kong wala pa ito.
Tila kanina pa napapansin ni Kyla na parang may hinahanap ako dahil maya't maya Ay humahaba ang leeg ko.
Naalala ko na mag kaibigan si Nycor tsaka si Cedrick kaya naman ay tinanong ko si Kyla kung nasaan ito para hindi halata na si Cedrick ang hinahanap ko.
Beh hindi yata nag paparamdam si Nycor sayo?
Hmmm! Si Nycor o Si Cedrick ang hinahanap mo?
Huh? Si Nycor ang tinanong ko.
Weh?! Haha okay. Hindi ko pa siya nakikita pero mas maganda na iyon dahil lagot siya sa akin at pinatamaan niya ang bulls eye kahapon.
Hahaha! Siya pala ang nag nagbasa sayo.
Oo. Pero ikaw ha! Hmmm feeling mo ba sinadya ni Cedrick na hindi patamaan ang bulls eye kahapon para di ka mahulog?
I know somewhere in my mind saying that it's Cedrick intention not to hit the bulls eye eventhough I know that he can. I don't know if I am assuming or what but I really sense na sinadya niyang wag itong patamaan. Pero di ko sinabi ito kay Kyla kaya iba ang aking sinagot.
Eh Bakit naman hindi iyon papatamaan ni Cedrick? Baka duling lang talaga siya.
Hmmm! Maybe.
Matapos naming mag usap ni Kyla ay may 3 lalaki ang nag lapag ng warrant of arrest sa aking mukha. Nabasa ko agad ang naka caps on na letter na NO ID. Kaya naman kinapa ko agad ang aking leeg kung may nakasabit unfortunately wala. Naalala ko bigla na tinanggal ko ito at ipinasok sa bag kaya ang diretso ko ay sa Jail booth.
Wala akong nagawa kung hindi sumama sa tatlong lalaki. Para talagang totoo na may kaso ako dahil sobrang bilis ng tibok ng aking puso.
Sinilip ko naman si Kyla at parang sira ito na umaarteng may kaso talaga ako at sumisigaw pa ito na "Bitawan niyo siya, talk to our lawyer" na aking ikinatuwa.
Nang makarating ako sa jail booth ay napansin kong walang tao saloob kaya ako ang first blood nito ngayong araw. Pag pasok ko ng rehas ay tinanong ko agad ang isang lalaki kung paano ako makakalabas ngunit hindi naman ako sinagot nito.
30 mins na ako sa loob ng kulungan ay wala pa ring nag claim sa akin. Hinihintay ko si Kyla pero mukha yata na iniwan ako nito. Sa sobrang tagal ko sa loob ay kung ano ano na ang naiisip ko. Kaya naman umupo na lang ako at nag hintay.
Maya maya ay tinawag na ang aking pangalan ng isang estudyante na naka uniporme ng police at nag salita ng "makakalaya ka na".
Tuwang tuwa ako ng makalabas ako ng jail booth. Kahit pala hindi ito totoo ay nakaka stress pala kapag nasa loob ka nito. Paano pa kaya ang nararamdaman ng mga taong nasa totoong kulungan.
Sinilip ko ang help desk sa gilid ng jail upang silipin si Kyla na nag claim sa akin ngunit nagtaka ako na wala ito. Kaya inikot ko ang buong gymnasium at bawat booth kung nandito ito ngunit wala akong nakita.
BINABASA MO ANG
The way You look at Me
Teen FictionMy life as high school student was almost perfect until I met Cedrick - most arrogant and so papansin student of St. Mark. At first I thought that was his real personality until I dig deep to know him. "Falling in love was the best thing that ha...