Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Nanginginig ang mga balikat kong naglakad patungo sa pintuan. At this point, I know that I can't just let him betray me. I know that I should stand my ground and let them taste the shit that they have done to me.
Sinuntok ko ang kahoy na pinto. Malakas ang ginawa nitong tunog. Dumagundong iyon dito sa hallway ng condo building. Pero wala akong pakialam. Mag-i-iskandalo ako. Guguluhin ko siya. Hindi ako basta-basta mag-papaapi lang dito.
"Buksan mo 'to!" Sigaw ko matapos ay sinuntok ko uli ang pinto nang malakas, "buksan mo 'to o isisigaw ko dito na kabit mo ako! Malalaman ni Tiffany lahat ng katarantaduhang ginawa mo!"
On cue, the door opened and it flashed the face of my co-actor. With his knitted brows, he went out of the door. Hinila niya ang kamay ko. Halos mabaklas iyon nang papasukin niya ako dito sa loob.
"And cut!" Ang sigaw ng director kaya biglang nawala sa character ang co-actor ko. He is Lyon, a rising actor of a new rising loveteam.
"Sorry, masiyado bang masakit iyong paghila ko sa 'yo?" Concern is evident on his face.
Hinampas ko ang hangin at bahagyang tumawa, "keri lang, teh! 'To naman, mas okay nga 'yon eh! Mas makatotohanan sa camera!"
Lyon winced and it is obvious na talagang na-guilty siya sa kanyang ginawa. But I messed his hair and I laughed, "okay nga lang ako, teh! Huy! 'Wag ka ngang umano-ano diyan! Saka trabaho namin 'tong mga kontrabida, iyong palaging sinasaktan sa bandang huli ng kwento. Iyong laging dinedehado!"
In the end, Lyon just sighed and said his multiple sorry before he enters his dressing room. Ako naman ay nagtungo na doon sa dressing room ko kung saan naghihintay si Kiwi.
"Kamusta naman ang primera kontrabida ng taon?!" Ang bungad sa akin ni Kiwi nang makapasok na ako sa loob. Ang bruha, prente pang nakahiga sa sofa habang sinasabi iyon.
"Okay naman, Boss!" Ang sambit ko habang nakapamewang.
Agad na napabalikwas si Kiwi at nagkamot ng batok, "ay hehe, personal assistant nga pala ako. Upo ka, Ma'am Fyang! Mukhang napagod ka po sa eksena mo ngayon."
Natawa na lang talaga ako sa kanya. Naupo ako sa sofa at sinandal ang likod sa backrest.
"Masahiin kita, Ma'am? Gusto mo?"
I shook my head at her and then I just gestured for her to seat beside me. I just want her to seat beside me kasi ang pahinga ko ay ang makipag-chismisan sa kanya. Mabilis niya rin naman akong sinunod. Naupo siya sa tabi ko.
I was staring at the ceiling, I am smiling, "you know what? Sobrang familiar sa akin ng scene ko kanina. Iyong umiiyak ako sa harap ng isang condo unit. Iyong nagmamakaawa ako na pagbuksan ng pinto? Sobrang familiar."
Kinuha ni Kiwi ang kamay ko at minasahe iyon. Hinayaan ko na lang siya dahil kapag humindi ako ay magpupumilit pa rin naman siya.
"Talaga, Ma'am? May ganitong eksena ka na po before?"
I centered my gaze at her face and then I smiled, "hindi isang eksena. Totoong buhay."
Kiwi blinked her eyes and then questions are obvious on her face. Para siyang tanong na tinubuan ng mukha ng tao ngayon.
"Jarren," I told her while laughing gently.
Nanlaki ang mga mata ni Kiwi. Her jaw dropped and for a moment, she could not speak.
"T-Totoo, Ma'am? May ganyan po kayong eksena ni Sir Jarren sa totoong buhay noon?"
Tumango ako, "yeah, but I already moved on. It has been five years now and I totally forgot the feelings naman na. Pinagtatawanan ko na lang ang gabing iyon."
BINABASA MO ANG
The Public Stunt
FanfictionSofia Smith also known as "Fyang", a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And she is well aware that it can never happen-they both have their own loveteams to protect. She has LuFy...
