Sofia Smith also known as "Fyang", a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And she is well aware that it can never happen-they both have their own loveteams to protect. She has LuFy...
Trending in Philippines #YESToJarFyang 500.7K posts
#JarFyangMakeItHappen 302.7K post
nicspink's @Nicajarfyang • 2m I KNEW IT!
🦋⛓️💥💙🖤=💖⛓️💥AV's @Jarfyang120824 • 2m 5 years and we are not over it!!! Uwi na uli tayo! Confirmed na!!!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Feyangie @Itsfeyangie • 2m I'm crying!!! Ibig sabihin hindi talaga ako delulu 5 years ago?! 😭
Abby ✨️ @litols888 • 2m YES NA YES! #JarFyangMakeItHappen
jf paren @ilovejf_arfyang • 1m This is the plot twist that I love!!!
Zen Malik @JarfyangImpact • 1m JarFyang magwala!!! #YEStoJarFyang
JF or no one 🩷☘️ @jrfyng4life • 32s This is not on my card this year but still, THANK YOU LORD!!! 🥹
JARFYANG NATION @JarFyangNation1 • 12s WE ARE SO BACK, JARFYANG. WE ARE SO BACK!
"Ma'am Fyang, hindi ako sexbomb member pero apir tayo," sambit ni Kiwi at wala sa sarili, napa-appear ako sa kanya.
"Para saan naman 'yung apir?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Sumakit ang ulo ko, Ma'am!" Umakto pa siya na para bang sumasayaw ng Spaghetting Pababa.
"Ewan ko sa 'yo, teh!" Ginulo ko ang buhok ko at sumubsob sa sofa, "mas sumasakit ang ulo ko sa 'yo, sa totoo lang tayo!"
"Grabe na ang happenings, Ma'am Fyang! Hindi kinakaya ng brain cells ko!!!" Tugon lang sa ni Kiwi.
"Sa true!" Naiiyak kong dagdag.
Tumayo ako at tinapon ko ang cell phone sa sofa. I ran towards the wall and I bumped my head there slightly.
Hope, why would you do that?!
Lahat ay naka-move on na. I moved on. Maganda na ang karera ko. Nakakaya ko nang tumayo nang ako lang, iyong walang loveteam loveteam sa career ko. Nakakainis lang na wala naman siyang karapatan para i-reveal ang mga bagay na natapos na at hindi na dapat pang balikan.
Si Jarren, paniguradong masaya na siya sa pribado niyang buhay sa ibang bansa. Ako naman, masaya na rin ako nang mag-isa.
Kaya Hope, bakit?! Bakit kailangan pang i-reveal? Manahimik, ayaw?!
"Ah, Ma'am," muling sambit ni Kiwi kung kaya't inis akong napalingon sa kanya. "May tumatawag sa cell phone mo, Ma'am."
"Sino?!"
"Si Hope po..."
Balisang-balisa, nag-martsa ako patungo sa kanya. Hinablot ko ang cell phone at saka agad na sinagot iyong tawag.