Episode 36: Aftermath

963 37 10
                                        

Minsan sa ating buhay, darating tayo sa punto na mapapatanong ka lang kung bakit ang malas mo? Kung bakit ang malas malas mo? Bawat magandang pangyayari sa buhay ko, palaging may mapait na kapalit. Bawal ba akong sumaya? Bawal mag-time freeze sa lahat ng kamalasan? O baka naman... sadyang itinadhana lang talaga ako para maging malas sa buong buhay ko kasi ang totoo, ako naman talaga 'yung malas? Sinisisi ko ang lahat sa tadhana pero ako naman pala talaga 'yung depektibo.

Ang hirap.

Ang sakit.

Ang hirap tiisin ng sakit.

Matapos kumalat lahat ng sweet pictures namin ni Jarren sa Notting Hill, mukhang natapos na rin ang career ko. Marami na ang nakakita. Marami nang galit. They were all disappointed with me more than they were with Jarren. Kasi ang lumalabas, ako 'yung mang-aagaw. Ako 'yung ahas. Ako 'yung nagmanipula sa mabait na si Jarren.

Mas lalong naging malala ang hate train laban sa akin nang mag-IG story si Hope. It was a cryptic message that obviously targets me. She wanted to drag me down and she succeeded. Now, everyone hates me.

Wala akong ibang malapitan noong gabing iyon. Pakiramdam ko, galit sa akin ang lahat. Kaya patuloy akong nanahimik. Patuloy akong nag-isa habang dinadama kung gaano ako kamalas.

It was the most dreadful seven days of my life...

First day was when Jarren knocked on my door... he was crying hard.

"Sofia, please let's talk," he said. Pero blangko ang puso ko habang patuloy lang siyang tinitingnan mula sa screen ng digital lock.

His tears are brimming down his cheeks. It was unending. Lumalakas na rin ang kanyang paghagulgol. I was on the verge of hushing him kasi paniguradong mahihirapan pa lalo ako kapag nakaakit siya ng atensyon sa mga kapit bahay ko. Paniguradong malaking issue ito kapag kumalat sa social media na nandito ngayon sa harap ng tinutuluyan ko si Jarren. Pero hindi ko siya nilabas. I just stared at him with so much hole on my heart... I can't feel anything anymore.

Jarren never stopped ringing the doorbell. For a time, he was knocking loudly. Pero sadyang nawalan na talaga ako ng gana sa lahat. Muli lang akong lumakad pabalik sa sofa. I sat with an empty heart. Nakatulala lang ako sa puting kisame hanggang sa manahimik na si Jarren sa labas ng pintuan ko.

Second day was when I blocked Jarren in all of my social media accounts. I made sure he couldn't contact me because he kept pestering me. Tinatawagan niya ako nang paulit-ulit. I can't find my peace because of him. Kasi ang gusto ko lang ngayon, katahimikan. I wanted to isolate myself from everyone because I just don't feel like interacting with anyone right now is the right thing to do, more so... as if naman may gustong kumausap sa akin ngayon?

Dalawang araw na akong hindi kumakain. Nadama ko lang ang gutom noong dumating na ang pangatlong araw...

Dito ako nagsimulang lumabas ng bahay sa unang pagkakataon. I was just wearing all black shirt and jogger pants. Mukhang akong kriminal. Papasa akong kidnapper keysa artista.

But I was takem aback when I notice that Jarren was outside my door at that moment. I never knew he was just here all this time.

"Sofia, can we please talk?" Jarren's eyes were begging. Mapupula at maga ang mga iyon.

"Jarren, hayaan mo muna akong mag-isa."

Tears started to fall down his cheeks, "let me fix this, please?"

"Fix what?" Bahagya akong tumawa, "sira na, Jarren. Sirang-sira na tayo sa mga mata ng tao. Sa tingin mo ba, maaayos pa natin 'to?"

Jarren opened his mouth pero agad niya rin naman iyong isinara.

"See?" Mapait akong tumawa nang mahina, "maski ikaw, 'di mo na rin alam. Maski ikaw, hindi na rin umaasa na may career pa akong nag-aabang dahil sa issue na 'to."

The Public StuntMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon