With the help of my friends, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unti, nakabangon ako. Slowly, I started to hope for more. That maybe, just maybe... may pag-asa pa ang career ko. Hindi pa ako tinatanggal sa movie namin, eh. So maybe, baka kaya pa. Kahit hindi na pang-bida na role, okay na sa akin. Kahit Ate na lang, okay lang din. Basta may trabaho ako. Basta may pangkain ako. 'Di ko na iindahin pa kung ano ang role ko, basta magkaroon lang ng laman ang tiyan ko sa marangal na paraan.
The next few days went in a blur. Namalayan ko na lang na iyong mga bubog sa dibdib ko ay unti-unti nang nawawala. Nababawasan na rin kasi iyong mga masasakit na salita na nakukuha ko sa socmed. Tila ba nawala na sa akin ang atensyon ng mga tao. Agad nila akong nakalimutan noong may ibang issue na lumitaw sa ibang artista.
Sa mga sandaling ito, bigla kong naalala si Jarren.
I started to unblock him to all of my social media accounts. I tried messaging him but he was always offline. Kapag tinawagan ko naman sa number niya, naka-shut down ang kanyang phone. Inisip ko na lang na baka pinagbabawalan siya ngayon ng management na gumamit ng phone. Na baka, ginagawa nila ang lahat para hindi ako ma-contact ni Jarren. Na one of these days, mamimiss niya ako at pupuntahan niya akong muli sa condo unit ko.
It was Monday when Mama Cece called me...
"Hello," it was my first time hearing her voice after my pictures with Jarren in Notting Hill were exposed on social media platforms. Her voice was cold. Gets ko naman. Ang gago ng ginawa ko.
"Hi, Mama Cece..." I started but I only found myself sobbing.
"H'wag kang iiyak, sinasabi ko sa 'yo Fyang. H'wag mo akong iiyakan!"
But her voice was breaking. Until one moment came, I heard her endless sobs. "Tigas kasi ng ulo, napahamak ka tuloy ngayon," she said while still sobbing, "mabuti na lang, walang balak ang Management na bitawan ka."
What she said created a ball of emotions from my chest, my sobs grew louder, "po, Mama Cece? Tama po ba ang narinig ko, hindi pa rin ako binibitawan ng Management?"
"Yes," Mama Cece confirmed. Doon ay napahawak ako sa aking bibig, lalong bumugso ang luha sa mga mata ko, "kailangan mong bumawi, Fyang. We are going to have a meeting with them this afternoon. This is about the issue. They wanted to end it now for you to start a fresh beginning for your career."
Wala akong naisagot doon. Hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol ko sa saya. I wanted to say something but I just can't. All I did was to just cry hard.
"Sorry sa mga nasabi ko noong nakaraan, hija," Mama Cece added, "pero sana maintindihan mo, ginawa ko lang naman iyon para sa kapakanan mo. Dahil concerned ako sa iyo."
"A-Ako po ang dapat na nag-so-sorry sa iyo, Mama Cece..." I was sobbing hard like a child. I could not speak clearly.
Right after that, I told Mama Cece my endless sorry. Siya naman ay sorry din nang sorry sa akin. Hanggang sa naumay na lang din talaga siya sa palitan namin ng mga salita. She ended the call while reminding me about our meeting with the Management later this afternoon.
That moment, I cried hard in my room. I thanked God for that one divine intervention that touched the heart of the Management. I will never waste this another chance. I will make sure that I am most deserving of it. Na hindi masasayang ang pangalawang pagkakataon na ibinigay nila sa akin dahil babawi talaga ako nang malala. Ipapakita ko kung sino ako!
It was 1 o'clock in the afternoon when Mama Cece and I started to head our way towards the TV Network. Sinundo niya ako sa condo unit ko.
"Kahit anong sabihin nila this time, gagawin lang natin. Okay?"
BINABASA MO ANG
The Public Stunt
Hayran KurguSofia Smith also known as "Fyang", a rising teen actress, knows the risk and consequence of falling for the haughty teen actor, Jarren Garcia. And she is well aware that it can never happen-they both have their own loveteams to protect. She has LuFy...
